Chapter 2

1110 Words
Kinaumagahan ay naglaba muna ako ay naglinis ng apartment. Katatapos ko lamang maligo nang dumating si Aling Marites, siya ang may ari ng apartment. " Valin sumama ka sa akin, may nagbibigay ng ayuda doon sa barangay hall. " sabi nito na agad kong nilabas. " Talaga po? " masayang tanong ko, mabuti na lamang mabait itong si Aling Marites. " Oo halika na! " sabi nito at hinila ako sa kamay. Nakasimpleng t-shirt lamang ako at short, nakalugay ang basa ko pang buhok at naka tsenelas lamang. Hindi naman kalayuan ang baranggay hall. Nang marating namin ang baranggay hall ay naroon ang mga taong nakapila. May mga taong nakapula sa harap na nagbibigay ng mga ayudang nakaplastic, mukhang bigas at de lata ang kaman. " Tignan mo ang mga batang iyon, ang gwa-gwapo talaga! " sabi ni Aling Marites at itinuro ang talong magkakatabing lalaki pero diko makita ang mukha dahil naharangan ng mg nakapila, tanging buhok lang nila ang nakikita ko. " Halika na at pumila. " sabi nito at hinila ako, apat na linya ang pila. Nasa unang linya ako at sa pangalawa si Aling Marites. Nang ilang tao na lamang ang nas harap ko ay napagmasdan ko ang mukha ng lalakinh nag-aabot ng ayuda. Ito ang yung Sandro de Mevius sa video, gwapo siya sa video pero mas gwapo siya sa personal. Nakangiti ito habang nag-aabot ng ayuda at minsan ay tumatawa. Pakiramdam ko tuloy walang ibng tao dito at dalawa lamang kami, parang nag-i-slow motion ang kilos niya sa paningin ko. Ang gaganda ng mga mata niya, makapal ng kilay at mahaba ang pilik maya. Makinis ang balat at maputi, ang tangos din ng ilong. Bumaba ang tingin ko sa kanyang mga labi, napalunok ako nang mapagmasdan ito. Mapupula ang mga ito at tila kay sarap halikan. Bumilis ang t***k ng puso ko nang tumingin ito sa akin at ngumiti. Feeling ko naiihi na ako sa de maintindihang pakiramdam. " Miss! Miss! " napangiti akong lalo nang marinig ang boses nito, para akong nananaginip. " Miss are you okay? " nagulat ako nang marinig ang tanong nito kasabay ng marahang pagtapik niya sa pisngi ko. Napakurap-kurap ako at napalunok, ang lapit na niya sakin. " Hey! you okay? " tanong nitong muli, bigla naman akong parang natauhan at doon ko lang napansin na nakatingin na sakin ang lahat. Sobrang nakakahiya naman. " Ah, oo! " sagot ko dito. " You sure? " tanong nito, hindi ako makatingin sa kanya dahil sa hiya at tumango na lamang. " Okay, here! " sabi nito at inabot ang isng plastic, napalunok ako at dahan-dahang kinuha ito. Nakaramdam ako ng kaba nang inilahad niya ang palad para makipagkamay. " S-salamat! " kabadong sabi ko at may pagdadalawang isip na tinanggap ng kanyang palad. Sobrang nanliit ako sa sarili nang nahawakan ang palad niya. Napakakinis at napakalambot nito samantalang ang kamay ko ay napakagaspang at puno ng kalyo. Nang bumitaw na ito ay agad akong sumibat ng alis dahil sa hiya. Kailan pa ako nahumaling sa isang lalaki? Kung sabagay ngayon lang kasi ako nakakita ng ganun kagwapo. Gwapo naman yung ex ko pero walang wala siya sa Sandro na yun. Habang pabalik ng apartment ay para akong lutang na naglalakad bitbit ang nakaplastic na bigas na may kasamang de lata at noodles. Hindi ko na hinintay si Aling Marites, dahil sa pagmamadaling makaalis doon. Nang makapasok ng apartment ay inilapag ko ang hawak na plastic at napaupo, napatingin ako sa kamay ko at parang tangang napangiti. Inaamoy amoy ko pa ang palad ko, tila naiwan dito ang amoy ng Sandro na yun. Nabatukan ko ang sarili nang marealized kung ano ang ginagawa ko.Nababaliw na ako sa lalaking yun, na hindi naman dapat. Nagbihis ako ng pantalon at maayos na tshirt tapos sapatos. Balak kong simulan ang paghahanap sa aming bahay. Sinimulan kong maglakad at nag-ikot ikot para magtanong sa mga taong nakakasalubong pero walang nakakakilala kay papa at mama sa kanila. Hapon na nang magpasya akong tumambay sa isang park. Umupo ako sa isang bench at pinagmasdan ang mga tao na masayang nagkwekwentuhan. " Iha! " napalingon ako sa tumawag at nakita ko ang isang matandang may tungkod. Ngumiti ito sa akin at umupo sa tabi ko. " Pwede ko bang hawakan ang palad mo? " tanong nito na ikinakunot ng noo ko. Hindi naman siguro masamang tao to, matanda na e. " Bakit po lola? " tanong ko. " Babasahin ko ang kapalaran mo. " sabi nito, hindi naman ako naniniwala sa ganito e. Naniniwala kasi akong, tao rin ang gumagawa ng kapalaran niya. " Sige po! " sagot ko na lamang at ibinigay ang aking palad, ngumiti ito sa akin bago abutin ang aking kamay. Marahang hinahaplos haplos niya ito habang nakapikit ang mga mata. Ilang sandali pa ay nagmulat ito at tinignan ako ng seryos sa mga mata kaya kinabahan ako. " Iha, palagi kang mag-iingat at huwag mo nang hanapin ang inyong dating tirahan dahil ito ang maglalapit sayo sa kapahamakan. " sabi nito, kinilabutan ako at agad nahila ang aking kamay. Ayaw ko sanang maniwala pero paano niya nalaman na hinahanap ko ang dati naming bahay? " Bakit po? ano pong mayroon doon? " tanong ko dito. " Hindi ko rin alam, basta ang nakita ko lamang ay ito ang maglalapit sayo sa kapahamakan. " sabi nito. " Lola, wag mo naman akong takutin. " sabi ko dito. " Hindi kita tinatakot. Kapag dumating ang araw na may nanakit sayo, sana magawa mo paring magpatawad. Dahil ito lamang ang tanging daan para maging masaya ka. Wag na wag mong iisipin ang maghiganti. " sabi nito na lalo kong ikinagulo. " Ano pong ibig niyong sabihin? " tanong ko. " Marami kang pagdadaanan, mga masasaya at masasakit na kaganapan. Hiling ko na sana maging matatag ka at piliin mo palagi ang maging mabuti. " sabi nito at tinalikuran na ako. " Lola, sandali lang po. " tawag ko dito pero napahinto ako sa pagsunod sa kanya nang may lumapit sa kanyang lalaki at mukhang apo yata niya ito. Napakamot ako sa ulo at nagpasyang umuwi na lamang. Ano bang nangyari noon? Anong mayroon sa bahay namin noon? Napatingin ako sa susing ibinigay ni mama bago siya namatay. Dalawang susi ito, ang bilin niya kapag daw dumating ang tamang panahon, kapag may isang taong handa na akong protektahan sa lahat ng oras ay bumalik ako ng Maynila at hanapin ang aming bahay. Ang sabi niya ay naroon ang lahat ng kasagutan at ang magandang kinabukasan na naghihintay sa akin. Hindi ko lang nagawang maghintay ng tamang oras, kaya nagtungo na ako dito para simulan ang paghahanap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD