Chapter 3

1366 Words
" Ate, sama ka sakin mamaya! " sabi ni Mica na ikinakunot ng noo ko. " Saan? " tanong ko dito. " Sa school ate, may program kami at ang sabi bibisita ang family de Mevius doon. " sabi nito. " de Mevius? Yung lalaban na Governor? " tanong ko dito. " Oo ate, yun nga! Ano tara? " nakangiting tanong niya. " Hindi ba bawal ang hindi estudyante dun? " tanong ko. " Hindi ate, ako bahala sayo. " nakangiting sabi nito. " O sige! " sagot ko. " Sige, magkita tayo sa harap ng school mamaya ate " excited na sabi nito at lumabas na para ituloy ang trabaho. Napangiti ako nang maisip na muling makikita si Sandro. Kahit alam kong napakalabong mapansin niya ako ay heto ako at nangangarap ng gising. Kinahapunan ay nagpaalam kami ng maaga sa boss namin at pumayag naman ito. Umuwi muna kami para makaligo at makapagbihis. Alas sais na ng hapon nang nagpasya akong magtungo na sa school at pagdating doon ay hinintay ko sa may gate si Mica. " Ate! " napalingon ako at nakita ko itong naglalakad palapit sakin. Ang ganda niya, walang-wala ako sa kanya. " Tara na ate! " aya nito at hinawakan ako sa braso at hinila papasok sa loob. Hindi naman kami pinansin ng guard kaya feeling ko okay lang din. Dumeretso kami sa auditorium at umupo sa bakanteng upuan sa gitna dahil marami na ang tao dito. " Ano bang meron? " tanong ko, bakit ba ako sumama nang hindi alam kung anong meron? " Foundation day ng school, guest speaker si Sandro tapos may palaro ata silang gagawin mamaya. " masayang sabi nito. Sumilay ang ngiti sa aking labi at hindi ito nakaligtas sa paningin ni Mica. " Ate crush mo si Sandro ano? " kinikilig na sabi nito saka ako siniko kaya agad nabura ang ngiti ko sa labi at nahihiyang tumango. " Okay lang yan ate, ang gwapo kasi e. Halos lahat ng babae crush siya. Kaya mahaba-haba ang pila dyan. " natatawang sabi nito, pwes gagawa ako ng paraan para mauna ako sa pila. Ilang sandali pa ay napuno na ng tao ang lugar at dumating narin sila Sandro na agad kong ikinangiti, nasa harap na ang mga ito. " Ate, yung dalawang nasa tabi ni Sandro kapatid niya. Panganay si Sandro, pangalawa si Samuel at bunso si Simon. " Kinikilig na sabi nito, yun pala ang crush niya at napakagwapo rin. " Ilang taon na ang mga yan? " tanong ko. " Si Simon ate 27, si Samuel ay 24 at si Simon ay 21. Kaedad mo si Samuel ate, dun kana lang pumila. " natatawamg sabi nito. " Ay wag pala, babaero yun. " biglang bawi rin niya na ikinatawa ko. " E yung mga yun magulang nila? " tanong ko na ang tinutukoy ay yung isang lalaki at babae na tila nasa 40's palang, katabi rin ng tatlo. " Oo ate! Sobrang bait ng pamilyang yan, solid ng pagmamahal sa mga tao dito. Kaya hindi na nakakapagtaka kung mananalo si Sandro sa botohan. " daldal nito habang ang mga mata ko ay tila napako na kay Sandro. Kapag tumingin ka, akin ka! Bulong ko sa isip ko, wala lang, gusto ko lang gayahin yung pelikula ni Angel Locsin na in the name of love. Pinagsaklub ko ang aking mga palad at nakatingin lang kay Sandro, naghihintay na sumulyap ito sakin. Pero nadismaya ako nang hindi man lang ito sumulyap sa gawi ko. Ilang sandali pa ay nag-umpisa na ang program at may mga nagsasalita na sa harap. Nang magsalita si Sandro ay para akong tanga na nakatitig lang sa kanya habang may ngiti sa labi. " Ngayon ay magbibigay kami ng ilang mga katanungan at may libreng yakap kay Sandro ang makakasagot nito. " masayang sabi ng emcee na ikinagulat ko, nag-ingay ang buong paligid sa tuwa at nagpalakpakan. " Unang tanong, kailan itinatag ang ating paaralan? " tanong ng emcee, napatingin ako kay Mica nang agad itong tumayo at nagtaas ng kamay. Marami ring iba pang estudyante ang nagtaas ng kamay. " Yun dun tayo, siya ang nauna. " sabi ng emcee at itinuro si Mica at tumingin ang lahat sa gawi namin. " Miss? " tanong ng emcee kay Mica. " I'm Mica Joy Beltran sir. " sagot nito. " Miss Mica Joy Beltran, kailan itinatag ang ating paaralan? " tanong nito, ngumiti si Mica dito. " February 6, 1948 sir " sagot nito, pumalakpak ang emcee. " Tama! paano ba yan sir Sandro? " natatawang sabi nito, kita ko ang pagtawa ni Sandro at pagkamot sa ulo. Ang gwapo talaga, makalaglag panty. " Ah, sir pwede magrequest? " tanong ni Mica. " Yeah sure, what is it? " tanong ng emcee. " Pwedeng hug na lang kay Simon? " nahihiyang tanong nito, nagtawanan ang lahat. Sabi na e, yun talaga ang plano niya. " Sir Simon, is it okay? " natatawang tanong ng emcee. " Yes ofcourse! " masayang sagot ni Simon. Kita ko ang kilig sa mukha ni Mica at dali-dali itong nagtungo sa harapan at yumakap kay Simon. Sana ako din kay Sandro, wala akong pake sa sasabihin ng iba. May mga tanong pa ang emcee na about sa school kaya malabong masagot ko. Tuwang-tuwa naman ang lahat ng nakakayakap kay Simon, Sandro at Samuel. Nang matapos ang programa ay nagpaalam ako sandali kay Mica na mag-c-cr lamang ako. Itinuro lang nito ang CR at hihintayin na lang daw ako sa may gate at may kakausapin siya doon. Nang marating ang CR ay kinilabutan ako dahil walang katao-tao dito. E madalas pa namang mga kwento maraming multo sa mga school. Nagmamadali akong umihi at lumabas agad ng CR. Pero palabas na sana ako ng cubicle nang bigla na lang may lalaking tumulak sakin at pumasok din dito saka isinara ang pintuan. Kinilabutan ako dahil dito. " Sin- " tanong ko sana pero agad niyang natakpan ang bibig ko na ikinalaki ng mga mata ko at sumenyas siyang na manahimik ako. Napalunok ako dahil sobrang lapit niya sakin habang ang kamay ay nasa bibig ko at nakatingin siya sa may pintuan at tila pinapakinggan kung may papasok pa. " Wag kang maingay! " sabi nito at inalis na ang kamay sa bibig ko, nataranta ako nang maghubad to. " T-teka anong ginagawa mo? " tanong ko dito, nanlalamig na ang mga kamay ko sa nerbyos. Kahit naman nahubmhumaling ako sa kanya hindi basta-basta bibigay. " Wag kang assuming, wala akong gagawin sayo. " sabi nito. Tumalikod ito sakin at mapalunok ako nang tuluyan niyang hubarin ang damit. Napakakinis ng balat nito at kahit nakatalikod ay maganda ang hubog ng katawan, halatang may abs ito. Tumalikod pa kasi, dipa humarap sakin. Bulong ko sa sarili, binaliktad niya ang damit niya. Baliktaran pala yung t-shirt niya, saka ito muling isinuot. " May panyo kaba? " tanong niya sakin nang lingunin ako, parang wala sa sariling tumango ako. " Pahiram! " sabi nito, parang gusto ko siyang irapan. Napakabossy, pero okay lang. Isang Sandro de Mevius ba naman ang kasama ko ngayon tapos nanghihiram pa ng gamit ko. Okay na okay yun sakin, kahit nga pati ako kunin niya e. Kinuha ko ang panyo sa bag ko at inabot sa kanya. Napatingin siya sa bag ko at kinuha ang panyo. " Pahiram din ng cap " sabi nito, may lagi kasi akong dalang sumbrero sa bag. Saka yung bag ko yung back pack kaya para akong highschool student. " O-okay! " sagot ko dito saka kinuha ang cap at inabot sa kanya. Doon ko lang naisip na nagamit ko na ito at hindi ko alam kung anong amoy nun. " Teka! " pigil ko nang isuot niya ito pero tila walang narinig. Nasapo ko ang aking noo, habang siya ay abalang inaayos ang panyo at ipinantakip sa mukha. Parang ginawa niyang facemask ito, pagkatapos ay nilingin niya ako. " Thanks! " sabi nito at binuksan na ang cubicle saka nagmamadaling lumabas. Napakurap-kurap ako at naiisip parin ang nangyari. Hindi ko man siya nayakap kanina, okay na sakin yung nakasama ko siya dito sa CR. Gumuhit ang isang matamis na ngiti sa aking labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD