Abala ako sa paghuhugas ng mga hugasin nang pumasok si Mica. Sabado ngayon at bukas ay day off namin ulit.
" Ate, magsimba tayo bukas! " aya nito na ikinangiti ko.
" Sige ba! " sabi ko dahil matagal-tagal narin akong hindi nagsisimba.
" Ate, kumakain kapa ba? " tanong nito na ikinatawa ko.
" Bakit mo naman naitanong? " tanong ko, lumapit siya sa akin at pinasadahan ng tingin ang katawan ko.
" Ate sobrang payat mo na. Baka naman sa katitipid mo sa sarili mo ay magkasakit kana. " nag-aalalang sabi nito.
" Naku wag mo ako alalahanin, inaalagaan ko naman ang sarili ko noh! " sabi ko dito.
" Ate kapag kailangan mo ng tulong magsabi ka lang ha! " sabi nito.
" Oo na, bumalik kana sa trabaho mo baka mapagalitan kapa, ikaw talagang bata ka! " sabi ko dito na ikinatawa niya.
Malaki ang pasasalamat ko sa batang yan dahil sa tuwing down na down ako andyan siyang kumakausao sakin. Dahil sa kanya nararamdaman kong may pamilya akong nag-aalala sakin.
Kinabukasan ay maaga kaming nagtungo ng simbahan, nakasimpleng pantalon at tshirt lamang ako. Dala ko palagi ang backpack kong kulay pink at naroon ang mga pang emergency na kagamitan tulad ng panyo, pera na hindi naman kalakihan, candy na pamatid gutom, may polbo din at pabango.
Minsan nga sinasabihan ako ni Mica na wag na magdala ng bag kapag namamasyal kami, nagmumukha daw kasi akong estudyante.
Pagdating namin sa simbahan ay pumuwesto kami sa likod para daw kita namin ang mga nasa harap. Bago magsimula ang misa ay nagtaka ako nang lumingon ang lahat sa may pinto kaya tinignan ko kung anong meron.
Sumilay ang ngiti sa labi ko nang masilayan ang pamilyang de Mevius at agad napako ang mga mata kay Sandro. Nakasuot ito ng kulay puting long sleeve polo at napakawapo niyang tignan. Naramdaman ko ang mahinang pagtapik ni Mica sa braso ko na halatang kinikilig.
Pumuwesto ang mga ito sa harap kaya malaya naming napagmamasdan ang kanilang likuran. Ilang sandali pa ay nagsimula na ang misa.
" Tuwing linggo ate nagsisimba silang lahat dito. " kwento ni Mica. Mabuti pa siya ang dami niyang alam tungkol sa mga ito.
" Teka paano mo nalalaman ang mga ganyang bagay? " tanong ko dito, itinaas naman niya ang kanyang cellphone.
" Research ate! " sagot pa nito, napatango tango naman ako.
Matapos ang misa ay hinila ako ni Mica sa parking lot at nakatayo lang kami sa tabi ng isang kotse.
" Anong ginagawa natin dito? " tanong ko dito.
" Magpapapicture tayo sa kanila. " masayang sabi nito na ikinakunot ng noo ko. Bago pa man ako makapagsalita ay dumating na si Sandro, Samuel at Simon. Wala pa ang mga magulang, siguro ay may kausap pa sa simbahan.
" Hello po, pwede po magpapicture? " ewan ko pero ako ang nahihiya sa ginagawa ni Mica, tumingin sa amin ang tatlo at ngumiti. Puro sila gwapo pero dun lang ako kay Sandro nahuhumaling.
" Sure! " sagot ni Simon kaya agad akong hinila ni Mica, ang siraulo pa itinabi niya ako kay Sandro at siya kay Simon. Kaya ang puwesto namin, Ako, si Sandro, si Samuel, si Simon at si Mica. Nanghila pa siya ng batang magpipicture sa amin.
Napatingin ako kay Sandro habang nakangiti ito, bakit napakaperpekto naman ng nilalang na ito? Ang gaganda ng mata, ang haba ng pilikmata, ang kabal ng kilay, ang tangos ng ilong at ang pula ng labi. Parang kay sarap itong halikan, dahan-dahan akong lumapit pa sa kanya.
Tila hindi man lang tinubuan ito ng tigyawat kahit minsan. Nag kinis ng mukha, tila kay sarap haplusin. Umangat ang kamay ko at diko napigilang haplusin ang pisngi niya at mabilis na hinalikan sa pisngi na ikinagulat niya.
" Heeey! " sabi nito at napatingin ang lahat sa akin, bigla naman akong natauhan sa ginawa. Parang gusto ko na lang lumubog sa kinatatayuan ko, kita kong nakangiti si Simon at Samuel na tila nang-aasar habang si Sandro ay ang sama ng tingin sakin.
Hindi ko na nilingon pa si Mica at agad akong kumaripas ng takbo. Sobrang lakas ng t***k ng puso ko at para na akong mabibingi. Hindi ko alam kung saan ako papunta, ang gusto ko lang makalayo sa lugar na yun.
Sa kakatakbo ay may isang lalaki akong nabangga at natumba ako habang siya nakatayo lang.
" Sorry Miss, are you okay? " tanong nito at inabot ang kamay sa akin para tulungan akong makatayo. Napatingin ako sa kamay niya at sunod sa kanyang mukha. May suot itong sumbrero at facemask pero kitang-kita ko ang magandang mga mata nito at halatang gwapo ito. Nakasuot ito ng pink na long sleeve polo na medyo nakatiklop ang manggas.
Tinanggap ko ang kamay nito at tinulungan akong makatayo, pinagpag ko ang aking katawan para maalis ang dumi.
" You okay? " tanong nito, pati boses maganda pero mas gusto ko pa rin yung kay Sandro. Ganito na yata ako kabaliw kay Sandro.
" Oo okay lang ako, salamat " sabi ko dito at umalis na doon.