" Sandro, anonh ginagawa mo dito? " gulat kong tanong nng bigla na lamang bumukas ang pintuan ng aking kwarto at iniluwa nito si Sandro. Ngumiti ito at pumasok saka isinara ang pintuan, naglakad siya papalapit sa akin na nakaupo sa sofa at abalang binabasa muli ang librong bigay ni Mica. Agad kong naitago yung libro nang marealize na nasa bed scene na pala ako na page.
" What are you doing? are you busy? " tanong nito, napakurap-kurap ako at umiling. Umupo siya sa tabi ko at sinandal ng katawan sa sofa.
" Sunod-sunod ng problemang dumarating, nakakapagod. " wika nito, bigla akong nakaramdam ng awa sa kanya. Mukhang pagod nga ito at puyat.
" Bakit hindi ka magpahinga sa kwarto mo? mukhang wala ka pang tulog e. " saad ko, ipinikit nito ang mga mata.
" Mamaya konti, gusto ko muna ng makakausap. " napakunot noo ako, gusto ng kausap pero nakapikit naman.
" Okay, anong gustong mong pag-usapan bebe ko? " pang-aasar ko, nagmulat siya ng mga mata at tinitigan ako.
" Marry me! " ako naman ang natameme sa sinabi nito, umupo siya ng maayos at may kinapa sa kanyang bulsa. Napanganga ako nang makita ang isang napakagandang singsing.
" S-Sandro! " tumayo ito at lumuhod sa harap ko, napalunok ako at napatitig sa kanyang mga mata.
" Marry me, please! " Susme! isang Sandro de Mevius na ang nakaluhod sa harap ko at nakikiusap na pakasalan ko, aayaw o mag iinarte pa ba ako?
" Yes! " nakangiti kong wika at sunod-sunod na tumango na ikinangiti niya. Pero nagulat ako nang ilahad ko ng kamay ko ay tumawa ito ng malakas at tumayo.
" Uy Sandro! " naglakad ito papalayo.
" Uy Sandro wait, anong nangyari sayo. " papalabas na ito ng pintuan kaya nagasya akong tumayo at habulin siya.
" Araaaaaay! "
Nahulog lang naman ako mula sa sofa, nakaidlip pala ako kanina habang nagbabasa. Anong klaseng panaginip ba yun? nakakasama ng loob. Kinikilig na ako e, napunta pa sa bangungot. Palagi na lang inuudlot ni Sandro ang kilig ko.
Tuamyo ako at ibinagsak ng katawan sa sofa saka inihagis ang libro sa inis. Anong oras na ba? Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan ang oras, alas nuwebe na pala ng gabi.
Kumuha ako ng jacket at isinuot ito saka nagpasyang lumabas, mukhang tulog na rin sina nay Lourdes. Nagpasya akong tumambay sa garden sa harap ng bahay at naupo sa bench.
Kailangan kong pag-isipan ng mabuti ang desisyon ko, bukas dapat nakapagdesisyon na ako. Napatingin ako sa langit at napangusi nang makitang walang bituin at wala ding buwan. Mabuti na lamang at may mga ilaw sa paligid.
" Ma! Pa! anong gagawin ko? papayag ba ako? " tanong ko habang nakatingala sa langit.
" Ito naman talaga ang pangarap ko e, saka ang babait naman nila. Wala naman siguro silang gagawin sa akin na hindi maganda. " dagdag ko pa.
Itinaas ko ang mga paa at niyakap ang aking mga tuhod saka ipinatong ang mukha dito.
Sinimulan ko 'to, walang naniniwala
Sa paligid ko
Eh, ano? (Eh, ano?)
Susulatan ko lahat ng mga blankong pahina
At mas sisipagan ko pa
Kahit maubusan pa 'ko ng hininga
Susulatan ko lahat ng mga blangkong pahina
Maubusan man ng hininga
'Di na, para ako ay tumigil pa
Kanta ko kahit na hindi ko alam kung tama ba ang tono ko, paborito kong kantahin ang kantang to kapag may iniisip ako o nahihirapan ako.
" Andito ka na naman! " napalingon ako sa nagsalita at nakita si Sandro na ikinangiti ko kaagad.
" Sandro, gising ka pa? "
" Malamang, andito ako e. " napanguso ako sa sinabi nito pero agad sing napangiti nang naglakad ito papalapit at umupo sa tabi ko.
" Kinausap ka nila mama at papa, right? " nakatingin lang ako sa kanya at tumango.
" So pumayag ka? " tanong niya.
" Hindi pa ako nagdedesisyon, kahit naman gusto kita ayaw ko namang itali ka sa akin noh lalo at alam kong hindi mo naman ako gusto. "
" Mabuti at alam mong hindi kita gusto. " inirapan ko ito.
" Kailangan ipamukha? "
" Para hindi ka na umasa! " nag-iwas ako ng tingin bago ko pa siya matignan ng masama, dapat kong isaisip na boss ko pa rin to. iniyuko kong muli ang ulo sa aking tuhod.
" Valen! " maya-maya ay tawag niya sa akin, makalipas ang ilang minutong pagtahimik namin.
" Hmm? bakit? " tanong ko.
" Let's get married! " agad akong naatingin sa kanya at napakurap-kurap. Hindi naman na siguro panaginip to diba? kinurot ko ang sarili para alamin kung panaginip lang ba. Nakagat ko ang ibabang labi nang masktan ako sa pagkurot ko.
" B-bakit? "
" Yun ng gusto nila mama at papa, yun ang makkapagpanatag ng kalooban nila. Ayaw ko nang bigyan pa sila ng problema o sama ng loob. " saad nito.
" Itataya mo ang kaligayahan mo dahil lang sa kagustuhan nila? " tanong ko, napabuga ito ng hangin.
" Pumayag ako kasi alam kong mas madali kang kausap, mas madali akong makawala sayo. "
" Anong ibig mong sabihin? "
" Simple lang, magpapakasal tayo pero after 3 years or kapag nahanap ko na ang babaeng gusto ko. Ipagtataat natin sa kanila na hindi talaga natin magawang mahalin ang isa't-isa. " paliwanag nito na ikina-iwas ko ng tingin at napatingin sa malayo.
" Paano kung mas lalo akong mahulog sayo? " tanong ko na ikinatawa niya ng mahina.
" Sogurado yan, itong kagwapuhan ko ba namang ito. But don't worry, i'll pay you and help you to move on. " napairap ako sa kayabangan nito.
" Kung magsalita akala mo ganun lang kadali ah! " saad ko.
" Well, ganun lang naman talaga kadali ang lahat especially when you have money. "
" Psh! nagpunta ako dito para makapag-isip pero nainis lang ako. Dyan ka na nga! " tumayo na ako at akmang aalis nang hawakan niya ako sa kamay.
" Ano? " naiiritang tanong ko. Porke may pera to, mayabang na. Bakit ba kasi ako nagkagusto dito? mukhang puro sakit lang ang ibibigay nito e.
" Jacket, pahiram. Maginaw! " naakunot noo ako, may kalakihan kasi ang suot kong jacket at siguradong kasya ito sa kanya.
" Manigas ka! " mariin kong sabi at tinakbuhan ito.
" Valen! " tawag pa nito pero hindi ko na pinansin. Nakakainis kasi e, suko ako sa ugali niya. Ang hirap pahabain ang pasensiya sa kanya. Siguro kung ito ang maging asawa ko, araw-araw akong nabubuwisit.