Napakunot noo ako nang saktong papasok ako sa malaking bahay ay nasalubong ko si Sandro, seryuso ang mukha nito.
" Hi Sandro! " bati ko pa rin dito at ngumiti ng matamis, tinignan niya lang ako ng masama at nilampasan na lalo kong ikinakunot ng noo. Masama ba ang araw niya? Nagtungo ito sa garden dito sa likod bahay.
" Valen! " napalingon ako kay Nay Lourdes.
" Nay, magluluto na ba? " tanong ko, alas kuwatro na kasi ng hapon.
" Mamaya na, puntahan mo muna si sir Jeorge at mam Luisa sa may study room. Gusto ka daw nilang makausap. " napaisip ako sa sinabi ni Nay Lourdes. Ano kayang sasbihin nila sa akin?
" Sige po Nay! " sagot ko at wala sa sariling naglakad papasok. Good news kaya ang sasabihin nila sa akin?
Napabuga ako ng hangin nang nas tapat na ako ng study room at nagdadalawang-isip na kumatok. Pagkakatok ko ay agad namang bumukas ito at bumungad sa akin ang nakangiting si mam Luisa. Dahil sa ngiti niya ay nahawa akong ngumiti, siguro naman good news ito dahil ngumiti ito.
" Come here iha, maupo tayo! " aya nito at tinungo namin ng sofa at umupo. Naglakad naman papalapit si sir Jeorge na nasa study table kanina at umupo sa tabi ni mam Luisa.
" Ah, pinatawag niyo daw po ako. " panimula ko.
" Yes iha, i just want to ask you some thing. " sagot ni sir Jeorge, napakapit ko ng maroin sa dulo ng suot kong short.
" A-ano po yun? " kinakabahang tanong ko, nagkatinginan naman sila.
" Valen, do you like Sandro? "
" P-po? " gulat kong tanong kay mam Luisa.
" Alam kong ang katulad ni Sandro ay mahirap magustuhan dahil na rin sa ugali nito at sa responsibilidad na hawak niya. Pero alam mo, mabait namang bata si Sandro. " wika ni sir Jeorge.
" B-bakit niyo po sinasabi yan? " naguguluhan kong tanong.
" Mabait at masipag kang bata, kakaiba ka sa mga dalagang nakilala namin. Tiwala kaming magiging maayos at masaya ang buhay niya kung isang katulad mo ng mapapangasawa niya. " napakurap-kurap ako sa sinabi ni mam Luisa.
" H-hindi ko po kayo maintindihan. " pag-amin ko, rinig ko ng sobrang lakas na t***k ng puso ko.
" Kung gusto mo si Sandro at kung papayag ka, nais namin kayong ipakasal na dalawa. " hindi ko alam kung anong mararamdaman ko nang marinig ang sinabi ni sir Jeorge. Masaya na kinakabahan at nagdadalaqang-isip. Oo gusto ko si Sandro, pero sure akong hindi ako nito gusto.
" Bakit po? " naguguluhan pa ring tanong ko.
" Masiyado nang magulo ng sitwasyon niya ngayon lalo na sa pagpasok niya sa politika. Ngayon niya kailangan ng makakasama palagi at mag-aalaga sa kanya. " wika ni sir Jeorge.
" Alam mo kasi si Sandro, kung titignan mo siya parang ang lakas-lakas niyang tao at walang kahinaan o kinatatakutan but believe me, he's very soft inside. Madalas din siyang panghinaan ng loob at laging kinu-kwestiyon ang kanyang sarili sa mga bagay-bagay. Kaya sana pumayag kang magpakasal, kailangan niya ang isang katulad mong magtataas lagi ng confidence niya at tatanggap at magmamahal sa kanya ng buo. " napalunok ako sa sinabi ni mam Luisa.
" Aaminin ko pong gusto ko si Sandro pero hindi naman po niya ako gusto. Isa pa, nakakaduda po na ako ang napili niyo, e simppeng tao lang po ako. Walang pamilya at katulong lang. "
" Iha, hindi katayuan sa buhay ang pinagbabasehan namin. We don't need fame or money. At kung ang iniisip mo naman ay si Sandro, yes maaaring hindi ka pa niya gusto sa ngayon but i know my son. Madali siyang ma-attach sa mga taong lagi niyang nakakasama. Sigurado akong hindi magtatagal ay matututunan ka rin niyang mahalin. " nakangiting sagot ni mam Luisa na ikinangiti ko.
" Natutuwa po ako na ako ang napili niyo pero gusto ko po sana munang pag-isipan. " nagkatinginan silang mag-asawa saka tumango.
" We understand, alam naming nabigla ka sa biglaan naming alok sayo. " sabi ni mam Luisa.
" Pero sana makapagdesisyon ka rin kaagad. " tumango ako sa sinabi ni sir Jeorge.
" Sasabihin ko po agad sa inyo ang aking pasya. " ngumiti naman sila.
" Magpapaalam na po ako. " paalam ko, tumango naman sila bago ako tumayo at umalis na roon. Nagpasya akong bumalik sa aking kwarto at ibinagsak ang sarili sa kama.
" Hindi ba't ito ng pangarap mo? Ang maging parte ng pamilyang ito at mapasayo si Sandro? " bulong ko sa sarili saka nagpagulong-gulong sa kama.
Kinuha ko ang aking cellphone at tinawagan si Mica, hihingi ako ng advice sa kanya. Napangiti ako nang sumagot naman ito kaagad.
" Yes ate? " bungad nito.
" Mica, may malaki akong problema. Ay hindi, hindi pala siya problema. Basta... kailangan kong magdesisyon, isang mabigat na desisyon. " sagot ko.
" Ang gulo ha! ano bng nangyari? " tanong nito.
" Kinausap ako kanina ni sir Jeorge at mam Luisa. " panimula ko.
" And? " hindi makapaghintay na tanong nito.
" Tapos, hinihiling nilang pakasalan ko si Sandro. "
" What? " nailayo ko ng cellphone sa aking tainga dahil sa malakas na sigaw ni Mica.
" Sorry po! " rinig kong wika niya nang muli kong itapat sa tainga ang cellphone.
" Huy wag kang sumigaw. " sabi ko dito.
" E kasi naman ate nambibigla ka. " wika nito na ikinatawa ko.
" Anong gagawin ko? nakakabigla talaga. " sabi ko.
" E bakit hindi ka na lang pumayag? chance mo na to na makuha si Sandro e. Maswerte ka ng kesa sa akin. " sabi nito.
" E ang daming pumapasok sa isip ko. Paano kung katulad sa binigay mong libro ay saktan niya ako after ng kasal dahil hindi naman niya ako mahal. " sabi ko na ikinatawa niya.
" Ate naman, wag kang nega. Kung takot ka edi hilingin mong diyan lang kayo sa pamilya niya tumira. Para safe ka diba? " napatango ako dito.
" Sabagay! Teka, may chika ako sayo. "
" Ano yun? "
" Alam mo ba kahapon pag-uwi nila Samuel at Simon ay may humarang sa kanila. Ang hinala nila ay kalaban sa politika, natamaan nga s braso ng baril si Smuel e. Mabuti nga at walang tama si Simon kaya nakapagdrive ito ng mabilia pauwi. " kwento kk.
" Talaga? kumusta naman ang bebe Simon ko? " tanong nito, parang gusto ko tuloy matawa. Si Simon pa rin kasi ang concern niya e.
" Si Samuel ang tinamaan, hindi si Simon "
" E nag-aalala pa rin ako sa future boyfriend ko e. " sabi nito, napailing na lang ako.
" Fine! sige na, bye na. May gagawin pa akk. " paalam ko.
" Bye ate, ingat! " paalam nito bago pinatay ng tawag, napahiga ako sa kama at tulalang nag-iisip ng dapat gawin.