chapter 12

1844 Words
" Nay Lourdes, bakit po maaga silang umalis? " tanong ko, maaga kasi akong nagluto para sana sa agahan nila pero sunod-sunod umalis ang mga ito nang hindi kumakain. " Sina Simon at Samuel ang alam ko ay tutungo doon sa lola nila. Sina sir Jeorge at mam Luisa naman, tingin ko nagkaroon ng problema sa opisina. Si Sandro baka may aasikasuhin din. " sagot ni Manang na ikinatango ko. " Sayang naman, ng dami kong niluto. " saad ko. " Naku, e tawagin mo na lamang sina Gloria at Andring para tayo ay makakain. Siguradong hapon na naman ang uwi ng mga iyon. " sabi ni Manang. " Sige po! " magalang kong saad at hinanap ang dalawa. Pagkatapos naming kumain ay ibinigay ni Manang ang susi sa akin sa garden. Ano bang mayroon doon at nababakuran at nakalock pa? Dahan-dahan kong binuksan at namangha ako sa ganda nito, maganda siyang tinatanaw sa labas kaya mas maganda na naman dito sa loob. Napupuno ng magagandang halaman at humahalimuyak ang amoy ng mga bulaklak. Sa gilid ay mayroong lagayan ng mga walis at kung ano pang gamit sa garden. Kinuha ko ang walis at nagwalis ako saka nagbunot ng mga damo. Nang matapos ay nagtungo ako sa may tree house pero nas baba lang ako at tinitingala ito. Ang wierd nga e, parang pamilyar sa akin amg puno. Parang nakita ko na noon at diko maipaliwanag. Kating-kati na akong akyatin ito at tignan ang loob ng tree house pero pinipigilan ko ang aking sarili. Ayaw kong magalit sa akin ang aking irog na si Sandro, ayaw ko ring abusuhin ang kabaitan nila sa akin. Katulong lang ako dito kaya dapat akong sumunod sa mga utos nila. Nang matapos maglinis ay umupo ako sa duyan na narito sa ilalim ng puno, napahikab pa ako. Inaantok ako, napuyat ako sa pagbabasa sa librong binigay ni Mica. Ang isang yun nakakaloka, yung binigay sa aking libro may mga detailed bed scene. Kinapa ko ang cellphone ko nang tumunog ito, napangiti ako nang makita ang pangalan ni Mica na tumatawag at sinagot ko ito agad. " Mica, okay lang ako. Hindi pa ako lumalandi. " bungad ko na ikinatawa niya. " Ano bang sinasabi mo ate? " natatawa niyang sabi. " Alam ko namang iyin ang nais mong malaman e, pagkatapos kong basahin ang librong binigay mo. " saad ko na lalo niyang ikinatawa. " Pero aminin mo ate, maganda ang kwento tapos nakaka-wet pa. " sabi nito na ikinabilog ng mata ko. " Huy yang bunganga mo, jusko kng bata ka. " taw pa rin ito ng tawa. " Ate, hindi na ako bata. Bumuboto na ako e. " " Ay naku, bata ka pa rin. Dapat umiwas ka sa mga ganuong babasahin dahil nag-aaral ka pa. " payo ko. " Oo na ate, basta kapag gusto mo pa ng mga ganyang libro pwede kang manghiram sa akin. Marami ako dito, regalo ng mg kaibigan ko lagi ang ganyan kaya meron ako. " sabi nito na ikinangiti ko. " Sige, pahiram ako ha! " natawa itong muli. " Sure! " saad niya. " Oo nga pala ate, may isang rason pa ako kaya ako napatawag. " maya-maya ay sabi nito, humiga ako sa duyan. " Ano yun? " " Hindi mo pansin diyan na may problema sila? " napakunot noo ako. " Maaga silang umalis lahat e, bakit? " tanong ko. " Saan sila nagpunta? " tanong nito. " Ang sabi ni Nay Lourdes, sina Simon at Samuel ay nagpunta sa lola nila. Sina sir Jeorge at mam Luisa ay baka nasa opisina. Si Sandro ay hindi ko alam. " sagot ko. " Kagabi ate, trending si Sandro at ang kanyang ama. Hindi ba't governor si Gov. Jeorge ngayon tapos si Sandro ay tumatakbong Governor? " " Oh tapos? " nabibitin ako sa babaeng to. " Kagabi, may kumalat na videos kung saan nag-i-imprinta ang isa sa tauhan nila Gov. Jeorge sa Trading Center ng mga tarpaulin ni Sandro para sa nalalapit na kampanyahan. " " E ano naman? " tanong ko. " Ate, ang Trading Center na yun ay pag-aari ng gobyerno na hindi dapat ginagamit sa politika. Idagdag mo pang anak si Sandro ng kasalukuyang Gobernador, kinukunsidera nila iyong korapsyon. " paliwanag nito. " Ano? Kagrabe naman, korapsyon agad? Hindi nila yun magagawa. " komento ko agad. " Yun nga rin ang sabi ng nakararami ate, siguradong gawa iyan ng mga kalaban at maaaring nabayaran yung tauhan nila na nag-i-imprinta. " wika nito. " E ano na ang mangyayari? Kakasuhan ba sila? " curious kong tanong dahil sa totoo lang wala akong alam sa mga ganitong bagay. " Paiimbistigahan pa nila ate, kung mapapatunayan na kagagawan nga ito nila Gov. Jeorge at Sandro, may posibilidad na madisqualified siya sa pagtakbo bilang gobernador. " bigla naman akong kinabahan para kay Sandro. " Ate, bye na muna. Tatawag na lang ako mamaya, tapos na ang break time ko. " paalam nito. " O sige Mica, ingat. Bye. " paalam ko bago ito tuluyang nagpalaam at pinatay ng tawag. Napabuntong hininga ako, ibinalik sa bulsa ko ng cellphone at ipinikit ang mata. " Wow! Kakaiba rin itong katulong na ito. Ang ganda ng buhay, patulog-tulog lang. " napamulat ako ng mata at bumungad sa akin si Sandro na nakatayo sa tabi ko at nakatunghay sa akin na ikinangiti ko ng malapad. Agad akong umupo at hinarap siya. " Andyan ka na pala. " wika ko, hindi ko alam kung natutuwa ba siya sa akin o naiinis. " Hindi ka umakyat sa taas? " agad akong umiling bilang sagot, tinignan niya ako na tila tinatantoya kung nagsasabi ako ng totoo. " Gusto mo umupo? " tanong ko saka tinuro ang tabi ko. " No thanks! baka mas lalo kang maging mukhang taong bukid pag tumabi ako. " " Aba't.. " Naputol ng sasabihin ko nang tumunog ng kanyang cellphone na agad niyang kinuha at sinagot ng tawag, napairap na lang ako. " Yes pa, nakauwi na ako. " sagot nito sa kausap. " Sige po, bye! " paalam niya at nilingon ako na nakatingin sa kanya. " What? " tanong nito. " Sinabi sa akin ng kaibigan ko yung nangyari. Sigurado akong lalabas din ang totoo at mapapatunayan niyo rin sa lahat na wala kayong kinalaman doon. " sabi ko na ikinabuga niya ng hangin. " Ibang klase ka rin sumagap ng balita noh! " pinagkrus nito ang kanyang mga braso sa dibdib. Mas lalo tuloy tila lumapad ang kanyang balikat. Kitang-kita ang matipuno nitong pangangatawan, nakashort lamang ito at naka-tshirt ng kulay gray at fit na fit ito sa katawan niya. Ang sarap niya. Ang sarap pagmasdan. " Huy! Tulala ka na naman, alis na nga diyan. Tumulong ka na doon maglinis. " utos nito, napanguso ako at agad tumayo. " Sandro! " tawag ko sa kanya habang paupo siya sa duyan, nng makaupo ay inangat niya ang tingin sa akin. " What? " masungit niyang tanong. " Sabi nila, masarap daw magmahal ang mga de Mevous, paranas naman. " kumunot ang noo nito sa sinabi ko habang ako ay kumukurap-kurap at sinusubukang magpa-cute. " Psh! Hindi ang katulad mo ang tipo ko kaya umalis ka sa harap ko. Malabo pa sa sabaw ng pusit na papatol ako sayo. " napairap ako sa kawalan. " Arte naman nito. Kung di lang kita gusto diyan e. " bulong ko. " What did you say? " masungit nitong tanong, pinagkrus ko ang braso sa dibdib. " Sabi ko, ganyan ang mga tipo ko, yung malabo akong patulan. Mas exciting yun e. " lalong kumunot ang noo nito at kulang na lang ay magdugsong na ang mg kilay. " Ibang klase ka ring mangarap e noh! Huy sa teleserye lang may nainlovr na amo sa katulong, wala sa totoong buhay. Umalis ka na. " pagtataboy nito. " Sungit, may regla ata. " bulong ko. " Naririnig kita! Wag ka na lang kaya bumulong kung ang lakas lakas din lang naman. " sabi nito saka humiga sa kama. " Oo na, hindi na bubulong! Halikan kita diyan e. " malakas kong sabi, mabilis itong kumilos at kinuha niya ang tsenelas niya. Nang maisip ang balak nitong gawin ay mabilis kong tumakbo, at tama nga ako binato ako ng tsenelas buti na lang at di ako tinamaan. " Bleeeeeh! " pang-aasar ko sa kanya. " Valen! " tila kulog na sigaw niya, tinawanan ko lang at tuluyan nng umalis doon. Galitin ko kaya ito ng galitin, baka sakaling doon siya mainlove sa akin? Kahit anong bait ata ang gawin ko, nauubos ang pasensiya ko sa kasungitan niya at kaartihan. Sana naging kaugali niya si Simon e, edi libre yakap at akbay ako lagi. Kinahapunan ay napahinto ako sa pagluluto nang makarinig ng ingay sa sala, hindi ko napigilan ang sarili at sumilip ako doon. Bumilog ang mga mata ko nang makita si Simon na may dugo sa braso at nagkakagulo na ang buong pamilya. " D*mn it, bakit hindi niyo pa dinala sa Ospital? " galit na wika ni mam Luisa at halata ang oag-aalala sa anak. " Ma, mag relax ka nga. Ayaw ko sa Ospital, ipatawag niyo na lang si Dr. Samaniego. " rinig kong wika ni Samuel. " Sandro, call him. " utos ni mam Luisa kay Sandro. " Natawagan ko na, he's on his way. Baka malapit na yun. " nasapo ni mam Luisa ang nuo. " Maya-maya ay dumating si sir Jeorge na agad sinalubong ni mam Luisa. " What happened? " tanong nito sa asawa. " Walang nahuli, mga nakatakas sila. " sagot ni sir Jeorge at kita ko ang galit sa mga mata nito. Bumalik na ako sa kusina at baka masunog ng niluluto ko, maya-maya ay dumating si Nay Lourdes. " Nay, ano pong nangyari? " usisa ko, umupo ito sa counter. " Ay naku, kaninang pauwi na sina Simon at Samuel ay may humarang sa kanila sa daan. Mabuti nga at natakasan nila kaso nabaril pa rin si Samuel. Binalot ng takot ang dibdib ko, nakakatakot naman yun. " Marahil ay gawa iyan sa nalalapit na botohan, tinatakot na ang pamilya nila ng mg kalaban. " komento ni Nay Lourdes. " Ganun po ba lagi ng nangyayari? " tanong ko. " Oo, tuwing nalalapit ang election. Kaya nga, laging may body guard ang buong pamilya e. Kaya sigurado, dadami na naman ang bantay sa bahay na to. " " Kumust po kaya si Samuel? mabuti po at walang tama si Simon. " " Ayon, andyan na ang doktor na titingin sa kanya. Mabuti nga at walang tama si Simon kaya nakapagdrive pa ito pauwi. " Kumuha ito ng tubig at uminom. " Binalikan nila sir Jeorge at ng mga pulis ang lugar ng insidente pero wala na ang mga ito. " dagdag niya. " Manang... " napahinto si Manang sa pagkwento at agad pinuntahan si mam Lourdes. Sino kayang may gawa nun? kalabn sa pilitiko? Kagabi lang may issue na naman silang binabato sa kanila e. Grabe na pala ang labanan ngayon sa politika.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD