" Nay, ako na po ang bahala dito. Magpahinga na po kayo. " sabi ko kila Nanay Lourdes, Gloria at Andring.
" Hala, e ang dami pa nitong ligpitin. " sabi ni Nay Andring.
" Kaya ko na po yan, isa pa nakapagpahinga na ako kanina santalang kayo hindi pa. "
" Sigurado ka ba? " tanong ni Nay Gloria.
" Opo, ako na po ng bahala dito. Wag niyo po akong isipin dahil mas malakas pa ako kesa sa inyo. " natawa naman ang mga ito.
" O siya sige, pagkatapos mo dito ay magpahinga ka na rin. " bilin ni Nay Lourdes.
" Opo! " sagot go bago sila umalis. Pagkaalis nila ay sinimulan ko nang maghugas, tamang-tama namang patapos na ako nang pumasok si Sandro ng kusina.
" Bakit ikaw lang naghuhugas? " tanong niya na ikinalingon ko sa kanya, kumuha ito ng tubig sa ref at uminom.
" Pinagpahinga ko na sila Nay Lourdes, mukhang pagod na sila e. Nakapagpahinga naman ako kanina. " sagot ko, tumango naman siya. Tamang tama namang tapos na ako kaya nagpunas ako ng kamay.
" Matutulog ka na? " tanong niya na ikinangiti ko at sabay iling. Gusto ko na talagang matulog pero dahil kinikilig ako kay Sandro, okay lang kahit magdamag akong gising.
" Nag-iinom ka? gusto mo ako samahan? " tanong nito at kumuha ng lagayan ng yelo saka naglagay ng ice cubes.
" Talaga? " di makapaniwalang tanong nito.
" Psh! tara na! " wika nito at nauna nang naglakad palabas ng kusina, masayang sinundan ko ito. Dumeretso kami sa mini bar.
" Sit down! " utos nito, agad naman akong umupo sa tabi niya. Kumuha siya ng wine glass na dalawa at binigay sa akin ang isa. Naglagay siya ng wine dito saka yelo.
" Umamin ka nga, gusto mo ba ako? " tanong nito saka ako pinagmasdan, ara tuloy akong matutunaw sa tingin niya.
" Oo! " deretsang sagot niya, medyo nagulat pa siya pero tumawa din agad.
" Syempre naman, kung halos lahat nga ng babaeng nakakasalamuha ko nababaliw sa akin, ikaw pa kaya na wala namang ka-itsu-itsura. " napataas ang kilay ko sa sinabi nito.
" huy! sobra kang magsalita ha! Ginaganyan ganyan mo ako baka mamaya sa akin din ang bagsak mo. " sabi ko na ikinatawa niyang mulibat uminom ng wine.
" That will never happen, kung magkakagusto ako siguradong sa maganda at sexy. " sabi nito na ikina-irap ko, uminom din ako. Nalasahan ko ang pait at naramdaman ko ang init na pumasok sa aking lalamunan. Ang totoo niyan, hindi talaga ako umiinom.
" Alam mo ba kung bakit nainlove si Belle sa isang halimaw? " tanong ko na ikinakunot ng noo niya.
" Bakit? "
" To remind us that love is beyond looks. " sagot ko na ikinailing niya at sabay kaming uminom. Naglagay ulit siya ng wine sa baso namin.
" Kung may tao man akong mamahalin, yun ay walang iba kundi siya. " sabi nito, napakunot noo ako nang makaramdam ng hilo. Peste! ang bilis ko namang malasing.
" Alam mo Sandro, ang feelings nagbabago yan kaya hintayin mong baguhin ko yang nararamdaman mo. Sisiguruhin kong sa akin ang bagsak mo. " sabi ko.
" Huy! wag mo akong gagayumahin ha! " sabi nito na ikinatingin ko sa kanya ng masama.
" Siraulo ka ba? hindi ko yun gagawin noh! sakalin kita diyan e. " sabi ko at uminom.
" Huy teka, lasing ka na ba? " tanong nito, tinignan ko siya at ngumiti.
" Hindi pa ako lasing. " sabi ko saka muli sanang iinom pero mabilis niya itong kinuha.
" Siraulo ka ba? hindi ka yata sanay mag-inom e. Bibigyan mo pa ako ng problema. " sabi nito.
" Huy Sandro! " tinuro ko pa siya, nahihilo na talaga ako.
" Ano? " tanong nito at tinitignan lang niya akong nakayuko, siguro dahil sa agod ko kaya mabilis bumigay ang katawan ko.
" Pustahan hindi mo kayang banggitin ang letter M habang kagat mo ang ibabang labi mo. " sabi ko.
" Psh! kaya ko noh! " sbi nito, tinignan ko siya at natatawa sa kanya.
" Hindi! " pagpipilit ko.
" Kaya ko, pakinggan mo kasi. Uhmmm... " napangiti ako ng matamis nang marinig ito.
" Sarap pakinggan.. " sabi ko saka pinatong ang ulo ko sa bar counter dahil sa hilo.
" Siraulo ka! ginagago mo ba ako? ganyan ka na ba kabaliw at paungulin mo talaga ako? " rinig kong sabi nito.
" Huy teka, wag kang matulog! huy! " niyugyog pa ako nito pero tinulak ko lang siya.
" Wag mo akong abalahin. " sabi ko.
" Nakakainis ka naman e! tumayo ka diyan, pumunta ka na sa kwarto mo huy! " sabi nito pero pinikit ko lang ang mga mata ko, bahala siya diyan ang ingay-ingay niya.
Nagising akong masakit ang ulo ko, agad akong napabalikwas ng bangon nang makitang maliwanag na ang paligid. Nagtungo ako sa banyo at nag-ayos ng sarili saka lumabas ng kwarto. Nadatnan ko naman si Nay Lourdes sa kusina.
" Good morning po! " nahihiya kong bati, ngumiti naman ito.
" Good morning, kumain ka na. " sabi nito, ngumiti ako at tumango.
" Kayo po, kumain na? "
" Oo, hindi ka na namin ginising dahil yun ang sabi ni Sandro. " sumilay ang matamis na ngiti sa aking labi. Marahil ay alam niyang may hangover ako dahil sa pag-inom namin kagabi. Teka, paano nga ba ako nakauwi dito?
FLASHBACK....
" huy Valen, gising na. Pumunta ka na sa kwarto mo. " naiinis na wika ni Sandro.
" Ah, o-kaaaay tara naaa.. sa ating kwarto.. " pikit ang matang saad ko at itinuro sa itaas.
" Siraulo ka ba? nakalimutan mong katulong ka lang ha? "
" Sandro.. " tawag ko dito, napakamot ito sa ulo.
" Ano? " iritang tanong nito.
" Pakiss naman ako! "
" Siraulo ka talagang babae ka! " medyo malakas na sabi nito at napatayo na.
" Yieee nagagalit na ang bebe Sandro ko, halika nga dito hug kita. " bumaba ako sa upuan ko at akmang lalapitan ko ito pero mabilis siyang umiwas kaya natumba ako sa sahig. Tumayo naman ako kaagad.
" Ikaw! " galit kong sabi saka siya dinuro at tinignan ng masama, napakunot noo ito habang ang dalawang kamay ay nasa balakang niya.
" Gagahasa*n kita! " sabi ko at tunawa na tila demonyo saka siya nilapitan pero lumayo ito kaya hinabol ko. Ang ending naghabulan kaming dalawa sa sala.
End of flashback...
" Lagot! " napasabunot ako sa aking buhok.
Anong katangahan na naman yun? Siraulo ka Valen, mapapalayas ka dito ng maaga e.