Chapter 8

1748 Words
Napatingin ako sa kapapasok lang na si Nay Lourdes at may kasama itong dalawang babae na sa tantiya ko ay nasa 30 plus na ang edad. Nasa sala ako dito sa maid quarter at nanonood. " Magandang hapon po. " nakangiting bati ko sa mga ito. Ito na siguro yung mga kasama pa naming kasambahay. " Magandang hapon din! " bati rin ng mga ito. " Valen, ito nga pala si Gloria at Andring, sila ang makakasama natin dito. Gloria at Andring, siya si Valen. " pagpapakilala ni Nay Lourdes. " Hello po. " ngumiti naman ang mga ito. " O siya, diyan ka muna at ituro ko sa kanila ang kanilang magiging silid. " " Sige po! " umalis naman sila agad at ako ay tumutok na sa panonood. Ilang sandali pa ay lumabas na si Nay Lourdes. " Valen, mamaya ay may mga darating na bisita, magluluto tayo ng kanilang hapunan. " wika nito saka tumabi sa akin. " Sige po. " " Pinagpahinga ko muna yung dalawa, para mamaya ay may lakas silang tumulong. " " Sige po, magluluto na rin po ako ng hapunan natin para makakain po sila paggising. " sabi ko saka ako ay tumayo na. " Tulungan na kita. " boluntaryo nito. " Naku wag na po, ako na po ng bahala. " nakangiting sabi ko. " O sige, ikaw ang bahala. " Nagtungo ako sa kusina at tinignan ang ref kung ano ang pwedeng lutuin. Kumuha ako manok saka patatas, adobo na lang ang lulutuin ko. Nang matapos magluto ay nagtungo ako sa may garden at pinagmasdan ang mga halaman dito na makikitang mga mamahalin talaga. Habang abala sa pagtingin sa mga halaman ay may narinig akong tunog ng gitara kaya sinundan ko ito. Napangiti ako nang masilayan si Sandro na nakaupo sa may bench at tumutugtog ng gitara habang nakapikit ang mga mata. Hindi ko alam kung anong kanta ba ang ponapatugtog niya, hindi ito pamilyar sa akin. Napatitig ako sa kanyang mukha, he has the looks that women couldn't resist, the charm that every man could envy. Para siyang isang anghel na bumaba sa lupa. Para akong tanga na nakangiti, nakatitig sa kanya at nahuhumaling sa kanyang kagwapuhan. Nang tumigil siya sa pagtugtog ay diko napigilang pumalakpak na ikinagulat niya at napatingin sa akin. " What are you doing here? " mariing yanong nito, ang pagkagulat niya ay napalitan ng pagkainis. Doon ko lang din narealize amg katangahan ko, napakamot ako sa ulo. Nandito na lang din naman ako, panindigan ko na ito. Naglakad ako palapit sa kanya na ikinakunot mg kaniyang noo, umupo ako s tabi niya na agad naman siyang umatras. " Bakit parang malungkot ka? " tanong ko dito. " Psh! wala kang pakialam. Saka, ganyan ka ba talaga makipag-usap sa boss mo? " tanong nito na ikina-irap ko sa kawalan. Ayaw ko pa naman siyang tawaging sir, ang gusto ko ay love. " Sorry sir. " hingi ko ng paumanhin. " Huy ikaw babae ka, may kasalanan ka pa sa akin e. " sabi nito, bigla namang nag-init ang mukha ko nang maalala ang katangahang ginawa ko noong lumabas kami ng simbahan. " Wag mo nang ipaalala, pwede? " bulong ko sa sarili ko. " Ano yun? may sinasabi ka? " " Ah wala po sir, ang sabi ko aalis na po ako. " sabi ko at aalis na sana nang hilain niya ako sa kamay kaya napaupo ako ulit. Pero imbis na magtaka sa ginawa niya ay awtomatikong gumuhit ang ngiti sa aking labi dahil sa pagkakadikit ng aming balat. Kahit saglit lamang iyon ay naramdaman ko ang mainit niyang balat at parang may gumapang na kuryente sa aking katawan. " May itatanong lang ako. " sabi nito, natingin lang ako sa kanya habang nakangiti na ikinakunot ng noo niya. " Aray naman! " reklamo ko nang pitikin niya ang aking noo. " Makinig ka kasi, hindi yung nakatitig ka lang sa akin at kulang na lang ay matunaw ako. " sabi nito, bigla naman akong nakaramdam ng hiya kaya nag-iwas ako ng tingin. " Sorry, ano yung itatanong mo sir? " napabuntong hininga ito at tumingin sa malayo. " Kapag pinapili ka, anong pipiliin mo? Yung taong mahal mo o yung pangarap mo? " tanong nito na ikinalingon ko sa kanya. May mahal na siya? " Para sa akin mas pipiliin ko yung taong mahal ko, dahil yung pangarap na yun pwede ko namang abutin na kasama siya. Saka ako kasi, matagal na panahon na akong gutom sa pagmamahal kaya kung dumating man yung taong magmamahal sa akin at mamahalin ko, hindi ko siya ipagpapalit sa ano mang bagay. " sagot ko. " Psh! hindi ko sinabing mag drama ka, dun ka na nga! " pagtatabay niya na ikinanguso ko. " Sungit! " bulong ko saka tumayo na. " Naririnig kita! " sabi nito. " Ay sorry po! " sabi ko, tinignan niya lang ako ng masama at muling nagfocus sa kaniyang gitara ako naman ay naglakad na paalis doon at bumalik sa maid quarter. Parang ang sarap lagi asarin ng Sandro na yun, ang cute niya kapag naiinis. Pagkatapos naming kumain ng hapunan ay nagtungo na kami sa malaking bahay at sinimulang magluto. Sila Nanay Lourdes, Gloria at Andring ang naghahanda ng mga gagamitin sa pagluluto at ako naman ang nagluluto. " Hello po! " napatingin ako sa papasok ng kusina na si Simon. " Hi ate! " nakangiting bati nito sa akin, ngumiti naman ako. Kumuha siya ng tubig sa ref at uminom. " Anong niluluto mo ate? " tanong niya. " Kare-kare! " sagot ko, tinapunan naman niya ito ng tingin. " Mukhang masarap ah, teka ano po palang meron at ang dami niyong niluluto? " tanong nito. " Darating ang mga kaalyado ng kuya mo sa politika mamaya at dito sila kakain. " sagot ni Manang. " Ah, sila mama at papa po wala pa? " tanong nito. " Wala pa, baka maya-maya pa iyon sila. " sagot ni Nay Lourdes. " Ah, sige po. Sa kwarto lang po ako. " sabi nito saka ako nilingon. " Bye ate! " paalam nito. " Bye! " pahabol ko bago ito tuluyang makaalis. Pagkatapos naming magluto ay inayos na namin ng lamesa, may mga naririnig akong ingay sa sala kaya marahil ay narito na ang mga bisita nila. Matapos ay pinagpahinga ako nila Nay Lourdes, Nay Gloria at Nay Andring. Sila na lang daw ang bahala sa pagseserve ng pagkain, sinunod ko na lamang sila at ako na lang ang magliligpit ng hugasin mamaya. Naglakad ako patungo sa garden para doon tumambay, napangiti ako nang maramdaman ang malamig na hangin. Sa bench ay umupo ako at minasahe ang aking mga paa dahil nangalay kanina. Pagkatapos ay napatingin ako sa maliwanag na buwan at mga bituin sa kalangitan. Ang ganda at ang sarap pagmasdan, nakakawala ng pagod. Sa tuwing nakatingin ako sa mga bituin parang kasama ko na rin sina mama at papa. FLASHBACK.... " Ma, okay ka lang ba? sandali lang po at dadalhin kita sa Ospital. " mangiyak iyak kong sabi ngunit umiling ito at hinawakan ang aking kamay. " Huwag na anak, huwag na! " napailing ako at tuluyan nang bumagsak ang aking mga luha. " Pero mama, kailangan niyo pong madala sa Ospital. " pagpupumilit ko, mariin naman itong umiling at ngumiti. " Mamamatay din lang ako anak. " " Wag naman po kayong magsalita ng ganyan mama, hindi ka pa po mamamatay. " iyak ko, inangat niya ang kamay at hinaplos ng aking mukha. " Hayaan mo na ako anak, gusto ko na ring makasama ang iyong ama. Miss na miss ko na siya. " mariin akong umiling at tila walang katapusan ang pag-agos ng aking mga luha. " Ma, paano naman po ako? wala na si papa tapos mawawala ka pa sa akin. Wag niyo naman po akong iwanan. " ngumiti si mama na tila pagod na pagod na sa sakit na nararamdaman. " Hindi ka magiging mag-isa anak, kahit na wala na kami ay lahi mong tatandaan na binabantayan ka namin. Kapag namiss mo kami, tumingin ka lang sa kalangitan at hanapin ang pinakamakinang na bituin. Sabihin mo roon ng mga nais mong sabihin at pakikinggan namin. " End of flashback... " Ma, pa... okay lang po ako dito, wag niyo po akong alalahanin. " nakangiti kong saad. " Does talking to the star feels like talking to your parents? " napatingin ako sa pinagmulan ng boses at nakita ang isang lalaking nakamaong pants, white tshirt na pinaibabawan ng leather jacket. Ang buhok nito ay medium undercut ang gupit, pareho sila ni Sandro pero mas gwapo pa rin para sa akin si Sandro. " Ikaw? Anong ginagawa mo dito? " tanong ko dito. Ito yung lalaking nabangga ko noong time na hinalikan ko si Sandro tapos tumakbo ako dahil sa hiya. " I think you're new here! I'm Vincent, Sandro's bestfriend. " pagpapakilala niya. " Ah sorry, oo bago lang ako dito." tumango naman ito at umupo sa tabi ko, kung si Sandro ito baka kinilig na ako. " Bakit ka nandito? " tanong nito at pinagmasdan niya ang kalangitan. " Nagpapahinga, kasambahay nila ako dito. Nakita kong maganda tumambay dito at pagmasdan ang kalangitan kaya dito na ako tumambay. " sagot ko. " Well, maganda nga. Mukhang sa sobrang ganda ay nadala ka na at pati anv bituin ay kinakausap mo na. " natawa naman ako ng mahina sa sinabi nito. " Hindi naman, sabi kasi ng mama ko noon. Kapag namimiss ko sila, hanapin ko lang ang pinakamaliwanag na bituin at pagmasdan ito saka kausapin. Sigurado daw na maririnig nila ako. " paliwanag ko. " Talaga? iyan din ang sabi ng mama ko noon. " napalingon ako dito, kita ko ang ngiti nito nang maalala niya ang kanyang ina pero hindi nakaligtas sa akin ang lungkot sa kanyang mga mata. " Talaga? namatay na rin ang mama mo? " tumango ito. Baka naman, iisa lang ang nanay namin? pero imposible naman. " She died because of someone. " sagot nito. Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi nito. Iniisip ko kasi baka pareho kami ng nanay e, pero si mama kasi namatay sa sakit sa puso kaya malabo. Baka nagkataon lamang na pareho sila ng paniniwala, ganun naman ang mga matatanda. " Ah, sige balik na ako doon. Baka kailangan na ako doon. " paalam ko at tumayo. " Okay! " sabi nito at tumimgin sa langit, ngumiti ako bago umalis doon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD