Nilingon naman ako ni Josiah. "Are you ok?" nag-aalalang tanong niya sa akin habang hawak niya ang aking mga pisngi. "A-ayos lang ako," mahinang sabi ko. "Don't worry, she wouldn't do it. Trust me," pagsisigurado niya sa akin. Nilingon ko siya. "P-paano kung s-sabihin niya 'to kay Matteo, Josh? N-natatakot ako! N-natatakot ako..." Kaunti na lamang ay maiiyak na akong muli. Mas lumapit naman siya sa akin para aluhin ako. "Hey, hindi mangyayari 'yon, hmm? Nandito ako, hindi mo kailangang matakot." He cupped my face. Ngunit bumagsak lamang ang tingin ko sa baba, nababahala at nananatiling nag-aalala. I sighed deeply. Hindi yata ako makakatulog nang maayos nito sa isiping 'yon. Nandoon ang kaba sa aking dibdib, hindi ako mapapakali. "Josh, t-tahimik na ako rito, ok na ako rito sa tabi mo

