"And what?" Kahit hindi ko nakikita ang mukha ni Josiah, alam na alam kong nakakunot ngayon ang noo niya. Nanatili ako sa kinaroronan ko, ayokong makinig sa usapan ng iba, hindi ko ugali 'yon, pero dahil involved ang pangalan ko, hindi ko maiwasang hindi makinig sa pag-uusapan nilang dalawa. "Uhmm, I just want to ask kung Cornelia nga ba talaga ang pangalan niya? I saw her face in the news last time." Lalong kumunot ang noo ko, naalala ko bigla kung bakit nga ba ako naka-expose sa balita. Nakaramdam ako ngayon ng kaba, hindi ko alam kung bakit ko 'to nararamdaman. "I don't know kung siya nga 'yon pero kamukhang-kamukha niya 'yong nasa litrato sa TV. At kung siya nga 'yon, she looks missing base sa napanood ko. The husband's name Matteo Chua? He is looking for his wife. So tell me, siya ba

