HALOS hindi ako makatulog nang gabing 'yon. Ramdam na ramdam ko pa rin ang mga titig niya na nagpapabilis ng t***k sa aking puso, ang haplos niya sa aking baywang at ang init ng labi niya. Lahat ng 'yon ay hindi ko makalimutan, paulit-ulit 'yong bumabalik sa ala-ala ko. At sa tuwing naaalala ko 'yon, hindi ko alam pero walang pagsidlan ang ngiti ko sa labi ko. Madaling araw na nga ako nakatulog pagkatapos no'n. Parang ginawa ko lang magdamag ay magpagulong-gulong sa kama ko habang inaalala lahat ng mga nangyari. Ewan ko, hindi ko maintindihan ang sarili ko, hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko dahil gusto kong makita siya, gusto kong makita si Josiah. Siya na lang ang laman ng utak ko nang mga sandaling 'yon. Kinaumagahan, kahit na puyat ako ay ang sarap pa rin ng pakiramdam ko at e

