"A-ano bang nangyayari..." Sa halip na itinuloy niya ang sasabihin ay bumaba ang tingin niya sa tinititigan ko. Hindi na siya nagsalita pa no'n, ramdam kong nagpapalipat-lipat lamang ngayon ang tingin niya sa akin at sa hawak kong singsing. Ingay mula sa iyak ko ang namayani sa katahimikan, habang patagal nang patagal ay lumakas pa nga 'yon dahil sa sobrang sakit ng aking nararamdaman. Parang winawasak muli ang puso ko sa sakit, para bang walang gamot na puwedeng ilagay doon para maghilom 'yon. Bakit kasi may pagmamahal pa rin ako para sa kanya? Nasasaktan na naman tuloy ang damdamin ko ngayon. Ang hirap alisin ng sakit, ang hirap no'ng pawiin, ang hirap no'ng makalimutan. Naramdaman kong hinawakan ni Josiah ang baba ko at pinaharap ako sa kanya. Tumatangis akong nakatingin sa kanya, hi

