I gasped when I heard Josiah murmured it. Sinubukan kong hindi mag-react sa sinabi niya pero ang puso ko ay naghuhurumentado sa 'di ko malamang dahilan. Dahan-dahan ko siyang nilingon. Akala ko ay nasa pinapanood namin ang kanyang atensyon, ngunit sa akin pala nakatuon ang kanyang mga tingin kaya nagtagpo na namang muli ang mga mata namin. May nais akong sabihin ngunit hindi 'yon mailabas ng aking bibig. Masyado akong na-blangko kung kaya't wala akong masabi. "J-Josiah," pangalan niya lamang ang aking nabanggit. Sinusundan ko ang mga tingin niya, at alam ko kung saan ngayon nakatitig ang mga mata niya, sa aking mga labi. Nagtataka na ako sa mga ikinikilos niya, sobra na akong naguguluhan mula pa kaninang umaga. Lalo na nang binanggit niya ang mga salitang hindi ko naman inaasahan o kung

