He sighed before talking. "I am really sorry on what I did." He sighed again. Nawala ako sa sarili ko kung kaya't nahalikan kita—" "P-pero bakit? A-at saka... saka 'yong sinabi mo kagabi, ano rin 'yon, Josiah? Pati na rin 'yong kahapon, anong ibig mong sabihin sa mga salita mo? May laman 'yon ngunit hindi ko maintindihan, naguguluhan ako." Tinignan niya ako nang deretso at malalam sa mga mata ko. Para bang may nais na namang ipahiwatig 'yon ngunit hindi ko makuha. Habang patagal nang patagal ay lalo akong naguguluhan at gustong malaman lahat ng kasagutan sa mga tanong ko sa kanya. "Savannah, I don't want to tell you this but, I don't know if I can keep this forever. Meron akong... meron akong nararamdaman para sa 'yo... matagal na." Mas lalo akong napaatras sa sinabi niya, muntik pa

