NANG marinig ang sasakyan ni Josiah sa labas hudyat na nandiyan na siya, dali-dali akong lumabas para salubungin siya at tulungin siya sa mga groceries na dala niya. Nakita ko rin ang pagtayo ni Daphne at ang pagsunod nito sa labas. "May bisita ka," mahinang sabi ko agad kay Josiah nang makalapit na sa kanya bago bumaling kay Daphne na nasa likod ko. Mabilis nga na nagawi ang tingin niya sa itinuro ko. "Daphne," medyo gulat pang anito nang makita siya. "Josiah, mabuti naman at nandito ka na! I missed you!" Bumakas agad ang saya sa mukha ni Daphne at sinalubong nito ang kaibigan ng isang mahigpit na yakap. Tumabi lamang ako sa gilid at napatitig lamang sa kanilang dalawa. It's look like, they are really close. The way they talk, the way they look and smile to each other, as if they had

