Mabilis akong napatayo sa hinihigaan nang marinig kong pinipihit ang seradura ng pinto mula sa labas. Naging sunod-sunod ang paglunok ko habang napapaatras. Sobra na namang muli ang aking kabog sa dibdib kox hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa mga sandaling ito. He's here. The monster is already here, again! Nang tuluyang bumukas ang pinto, muntik na akong mabuwal sa pag-atras ko sa sobrang takot. Nanginginig ang buong katawan ko habang nakatingin kay Matteo na deretsong nakatingin sa akin. I see the bloodshot in his eyes. Anong nangyari sa kanya at amoy alak siya? Magsasalita pa lamang sana ako nang mabilis na siyang lumapit sa akin. At hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko sa kanyang ginawa dahil bigla niya akong niyakap nang mahigpit. Sandaling naiwan sa ere ang pag-iisip ko at

