Bumibigat ang paghinga ko sa mga salitang namumutawi sa labi niya. Heto na naman siya sa usapang 'to. Kailan ba niya ititigil ang nararamdaman niya para sa akin? Marami namang iba riyan, nandiyan naman si Daphne. Bakit hindi niya ituon ang atensyon niya sa iba? Bakit sa akin pa? Ngunit naninipa ang puso ko ngayon, pati ang mga kulisap sa tiyan ko ay nagsibuhay. Ang tagal kong hindi naramdaman ang ganitong feeling, huli kong naramdaman 'to nang ramdam kong mahal pa ako ni Matteo. "J-Josiah, babalik na naman ba tayo sa usapang 'yan? I told you, you can't fall in love with me, you can't love me. I love you, ok? Ngunit bilang isang kaibigan lang, hanggang doon lamang tayo." Bigla ay nagkaroon ako ng lakas na tignan siya nang mata sa mata. Ngunit nasasaktan naman ang puso ko ngayon dahil kita

