Napailing na lamang ako nang isarado ko na ang pinto nang tuluyan na 'kong natapos, hindi ko talaga matanggap, dito niya talaga sa kwarto namin nila ginawa 'yon! Dito niya pa talaga pinwesto ang babae niya! Ano ba ang bahay na 'to? Motel? Lugar na pwede nilang puntahan para gawin ang kataksilan nila? Hindi na talaga niya ako nirespeto bilang asawa niya. Sana kahit bilang tao man lang, bilang babae man lang, nirespeto niya ako pero, hindi.
Nakita ko si Matteo bilang isang maalagang tao dati. Sobra ang respeto niya sa lahat, 'yong bang hindi siya nantatapak ng ibang tao. Kailanman, hindi siya nambastos o nagbitaw ng mga masasakit na salita sa iba. Siya 'yong tao na masasabi kong almost perfect na, caring, loving, soft hearted, selfless, parang lahat ng kabutihan ay nasa kanya na. Pero ang mga nakita ko ngayon sa kanya ay kabaliktaran na sa mga nakita ko noon. Malupit na siya, nananakit, iba na ang ugali, naging masama na siya. Hindi ko alam kung ano'ng dahilan kung bakit ayaw niya akong pakinggan, at kung bakit naging ganito siyang tao na wala nang tiwala sa akin na dati naman ay sobra-sobra ang ibinibigay niyang tiwala.
I tried to explain myself many times, but he's always avoiding me! He's always pushing me. And always hurting me like he never loved me.
Nagtatalo ang aking isip at puso, sinasabi ng utak ko na iwan na siya habang ang puso ko naman ay manatili ka lamang sa tabi niya. Malakas pa rin ang t***k ng puso ko para sa asawa ko pero kahit na gano'n, gusto ko nang tumakbo papalayo sa kanya, hindi ko lang muna magawa pa ngayon dahil nanghihina ako sa tuwing iisipin kong iiwan ko na siya, hindi ko yata kaya talagang lisanin siya agad, pero kailangan ko bilang pag-respeto sa sarili. Sa ngayon, hahanap na muna ako ng tamang tiempo kung paano makakaalis sa puder niya. Bibigyan ko pa ng ilang araw ang sarili, titignan ko kung may magbabago pa. Kung meron man, malugod ko muli siyang tatanggapin. Pero kapag wala na talagang pag-asa, I have no choice but to leave Matteo.
Sa dalawang taon namin bilang mag-asawa, sobra niya akong minahal, sobra niya akong pinahalagahan, alam ko 'yon at ramdam ko. Kaya naman umaasa pa ako kahit papaano na baka may chance pa para sa amin. Na baka magbago pa ang ihip ng hangin at may mangyaring himala. Kahit nadurog na niya ako nang sobra, wala, eh, hindi pala talaga gano'n kadali mawala ang pagmamahal mo sa lalaking minahal mo nang todo at sobra pa sa buhay mo. I'm wishing. And hopefully.
Gaya ng ginawa ko kahapon, naglinis muli ako ng buong bahay. Mabuti na lang at walang masyadong kalat dahil nalinis ko naman na kahapon lahat, kaya naman mabilis lang akong natapos ngayon. Pagkatapos naman no'n ay nagluto naman ako, at kakain na rin ng pagkain na narito. Bahala na kung masaktan niya 'ko kaysa naman sa kumalam nang kumalam ang tiyan ko rito.
Nang matapos akong magluto ay mabilis akong nagsandok ng makakain ko. At sandali akong napatigil sa panguya nang makarinig ako bigla ng kaluskos mula sa labas.
Bakit ang ingay sa labas?
Nang tignan ko sa bintana kung ano ang nangyayari, biglang lumakas ang kabog ng aking dibdib. May mga lalaking naka-bonnet akong nakikita. Ang mga nagbabantay naman sa labas ay nakabulagta na sa sahig!
Mga magnanakaw ba sila? Hell, yes, Savannah! Damn it! Anong gagawin ko? I need to call the police! But, how? Ni walang internet sa bahay na 'to at ni mas lalong wala akong cellphone para maka-kontak sa labas. Oh, God, anong gagawin ko ngayon? Hayaan sila na pumasok dito?
Mabilis akong bumalik sa kusina at kumuha ng pwedeng pagtanggol sa sarili, ok na siguro ang kutsilyo. Bahala na kung makasakit, kaysa naman mamatay ako! Hindi naman siguro ako makukulong dahil una sa lahat, trespassing sila!
Nang marinig kong pinipilit na ng kung sino na buksan ang seradura ng pinto sa harapan, mabilis akong dumiretso sa itaas para magtago. Ini-lock ko ang pinto ng kwarto namin ni Matteo nang pumasok na 'ko ro'n. Habol ko ang hininga ko nang sumiksik sa isang sulok. Paano ako makakalabas sa bahay na 'to? Kung sa bintana kaya? Mas mamamatay ako roon dahil swimming pool ang babagsakan, eh, hindi naman ako marunong lumangoy. Saka, baka mabagok ang ulo ko sa kakataranta. Damn it! What should I do then?
"Savannah," napapitlag ako nang marinig ang boses ng isang lalaki nang tawagin ang pangalan ko. Magnanakaw? Alam ang pangalan ko? Namamawis na ang aking noo sa kabang aking nararamdaman.
"Savannah," tawag niyang muli. Napapikit na lamang ako sa takot. Ano bang nangyayari sa buhay ko? Kamalas-malasan nga naman, oh!
Napasigaw naman ako nang pilit niyang binuksan ang pinto, tinulak niya 'yon nang pagkalakas lakas gamit siguro ang isang bagay kaya naman natanggal na ang isang lock no'n at malapit na niyang mabuksan. s**t! Mabilis akong tumabi sa gilid ng pintuan, bahala na kung anong mangyari. Nang tuluyan na niyang mabuksan 'yon ay akma ko nang dadaplisan siya nang mabilis naman niyang nahawakan ang kamay ko kaya hindi natuloy.
"Hmmp!" Pinipilit kong kumawala sa hawak niya sa aking bewang at takip niya sa aking bibig.
Diyos ko, katapusan ko na po ba? Kung oo, sana naman ay deretso riyan ang punta ko dahil gusto kong makasama ang anak ko.
"I'll let you go, just be calm down, ok?" nakikiusap ang boses niya. Sa lahat ng magnanakaw, siya lang ang gano'n.
But the way he talks, it's familiar to me, it's like I've already heard his voice before. Nevermind! Wala na akong panahon pa na isipin 'yon, baka mamatay na talaga ako rito.
"H-hmmp!"
"Calm down, please..." Pinakawalan niya ako pagkatapos ngunit mabilis akong pumuntang muli sa isang sulok sabay tutok pa rin ng kutsilyong hawak ko sa kanya.
"A-ano ang gusto niyo? Pera ba? Sige, kuhanin niyo na lahat! P-pero, pakiusap, huwag niyo akong sasaktan," halos magmakaawa ako. Gusto ko na ring humahulgol pero pinigilan ko para lang hindi niya maisip na takot ako sa kanya. "Please, huwag mo akong sasaktan."
He didn't respond to what I said, he's just sowly walking towards me.
"A-ano'ng gagawin mo? Huwag kang lalapit sa akin kung hindi ay itatarak ko sa 'yo 'to!" pananakot ko sa kanya nang maalarma ako sa kanyang unti-unting paglapit sa akin. Wala naman akong ibang narinig mula sa kanya kung hindi ang munti niyang pagtawa.
"I will not hurt you, Savannah," aniya. At ikinalaki ng mga mata ko nang kasabay no'n ay ang unti-unti niyang pagtanggal sa kanyang bonnet kaya naman nakita ko na nang deretso ang kanyang itsura pagkatapos.
Kaya pala pamilyar ang boses niya sa aking pandinig kanina. Kaya rin pala alam niya ang pangalan ko. It's him! Ang mga mata niyang kulay berde. Ang kanyang tangkad. Ang kanyang matangos na ilong. Ang kanyang guwapong mukha, siyang-siya! But, what the hell he's doing here?
"Damn you! Anong ginagawa mo rito? You scared the hell out of me!" sabay bitaw ko sa kutsilyo na hawak at hinampas siya sa kanyang matigas na dibdib. Natatawa lamang siya at umiling sa akin.