"It's not my fault, you assumed that I am a thief!" he chuckled again but then his expression fade away when he examined my body from head to toe. Nakita ko ang pag-aalala sa kanyang mukha. Nilapitan niya ako at hinuli ang aking magkabilang mga kamay saka 'yon tinignan nang pagkaseryo-seryoso.
"S-Savannah, ano 'to?" tukoy niya sa mga pasa ko. Ramdam ko pa ang pagpigil ng galit niya nang tanungin ako habang hindi pa rin inaalis ang kanyang tingin sa aking mga braso. Napalunok ako bigla.
"W-wala, w-wala 'to." Agad kong binawi ang mga kamay ko sa kanya at sinubukang takpan ang mga 'yon. Ngunit mas lalo pa niya akong inusisa, lumuhod pa siya sa harapan ko, tinignan din kung may iba pa ba akong pasa bukod sa mga nakita niya kanina mula sa aking mga kamay.
Nakita ko ang mariin niyang pagpikit nang makita rin nga na may pasa at sugat ako sa aking mga binti.
"Si Matteo ba ang gumawa ng mga 'to?" nangigigil na tanong niya nang tumayo. Napakagat ako sa aking labi. Dapat ko bang sabihin sa kanya na sinasaktan ako ng asawa ko? Ngunit hindi ko na yata kailangan pang sabihin, sigurado akong alam na niyang tama siya sa tanong niya, nais niya lamang kumpirmahin.
"J-Josiah—"
"Sagutin mo ang tanong ko, Savannah!" mariin niyang inulit. "Sinasaktan ka ba ni Matteo, huh? Siya ba ang may gawa ng mga 'to sa 'yo? At ano 'to? Tangina, ano 'to, Savannah?" tukoy niya rin sa aking labi, may pasa rin 'yon sa gilid at namamaga. Napangiwi naman ako sa paghawak niya roon kaya iniwas ko ang aking mukha. "Damn it, ano, siya ba?"
Napayuko na lamang ako at dahan-dahan na tumango. Pagkaraan lamang ng ilang segundo, napahagulgol na naman ako sa iyak. Sapo-sapo ko ang mukha ko nang maramdaman kong niyakap ako ni Josiah nang sobrang higpit. Nang maramdaman ko ang init ng yakap niya, para bang nawala lahat ng pangamba ko sa aking puso, ni wala akong naramdaman na takot nang mga sandaling 'yon dahil pakiramdam ko ay ligtas ako sa mga bisig niya.
"Shh... I'm sorry, I'm sorry..." Hinalikan niya ako sa aking ulo at mas lalo pang humigpit ang yakap niya sa akin pagkatapos. "Patawarin mo 'ko at hindi ako agad bumalik para tignan kung ano nang nangyari sa 'yo... Hindi mo dapat naranasan 'to! Hindi mo dapat sinapit lahat ng 'to, Savannah."
"W-walang nangyari sa atin, 'di ba? Pero pinipilit ni Matteo na meron. J-Josh, hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Natatakot ako... sobra na akong takot na takot... 'Yong puso ko, d-durog na durog na. Labis na ang sakit na nararamdaman ko, Josh. Parang gusto ko na lang mamatay—"
"Savannah, huwag mong sabihin 'yan... Wala tayong ginawang masama, ok?" Hinawakan niya ang mga pisngi ko, pinahid ang aking mga luha. "You don't deserve to die, you don't deserve all of these s**t! Please, huwag ka nang umiyak... nasasaktan ako kapag nakikita kitang umiiyak."
Pagod ko siyang tinignan ngunit ang mga luha ko ay wala pa ring balak na tumigil sa pag-agos. Tinignan ko lamang si Josiah nang mata sa mata. I can see the pain in his eyes, puno rin 'yon ng awa at galit.
"If I see your husband, I will kill him!" Nagpupuyos sa galit niyang sinabi, kita ko sa kanyang mukha ang kagustuhan na makita si Matteo upang saktan ito at gantihan para makabawi.
"H-hindi, Josiah. Hayaan mo na si Matteo. Hindi na dapat nga kayo magkita pa dahil baka masaktan niyo na naman ang isa't isa." Nag-aalala ako para sa kanila. Hindi ko yata kayang makita muli na nag-aaway ang dalawang magkaibigan. Masakit na ngang isipin na nasira ang pagkakaibigan nila ng dahil sa isang maling akala, ayoko nang magkasakitan pa sila nang pasikal ulit.
"Wala akong pakialam, Savannah, kung magkapatayan man kami ng asawa mo! Pero wala siyang karapatan na gawin sa 'yo 'yan, wala siyang karapatan na saktan ka! Hindi ako makakapayag na saktan ka pa niyang muli! Kaya hindi mo na kailangang matakot dahil iaalis na kita ngayon rito sa imperynong bahay na 'to."
Napaatras ako sa sinabi ni Josiah. Nakaramdam ako ng takot bigla dahil isang malaking gulo na naman 'yon kapag nagkataon. At sigurado akong mas lalong iisipin ni Matteo na may namamagitan nga sa amin kung sakali man na umalis ako rito sa mansion at sumama sa kaibigan. Ayoko. Hindi. Magugulo lalo ang lahat at ayoko nang madamay pa lalo rito si Josiah. Baka lalo siyang pag-initan ni Matteo at magkasakitan na naman silang muling dalawa. Hindi ko kayang ilagay sa alanganin si Josiah, wala naman siyang kinalaman dito. Ayoko siyang madamay, ayoko siyang mapahamak.
"N-no. Hindi puwede, Josiah. Hindi ako sasama sa 'yo. Lalong kayong magugulo ni Matteo kapag—"
"Damn it, Savannah! Iisipin mo pa ba 'yon kaysa sumama sa akin? Gusto mo ba talagang mapatay ka ng asawa mo sa kakabugbog niya sa 'yo, huh? Paano kung hindi lang 'yan ang kayang gawin ni Matteo—"
"'Yon na nga, Josh, eh! Paano kung may iba pang kayang gawin si Matteo kapag umalis ako rito at malaman niyang sumama ako sa 'yo? Iwan mo na sa akin 'to, ako nang bahala sa sarili ko. I can handle this, ok?" I assured to him.
Mas gusto kong ako na lang ang mahirapan kaysa may iba pang taong madamay. Bahala na kung ano ang mangyari sa akin pero hindi ko ilalagay sa kapahamakan o sa alanganin si Josiah.
"You really want to suffer, huh, Savannah?" he angrily asked. Nag-iwas ako ng tingin. Naglakad ako patungo sa kama at umupo sa dulo no'n. Malalim akong napabuntong hininga at natulala.
"I'm sorry, Josh, pero hindi ako sasama sa 'yo gustuhin ko man na makaalis na rito. Ayoko nang lumaki pa nang lumaki ang gulong 'to kaya't magtitiis na muna ako sa ngayon—"
"Bakit ka magtitiis kung may choice ka naman na sumama sa akin? Bakit mo pa iisipin ang asawa mo gayong wala naman na siyang pakialam sa 'yo at sinasaktan ka lang niya ng ganito rito?" Ramdam na ramdam ko ang pagka-disgusto niya sa gusto kong mangyari.
Alam ko at naiintindihan ko ang gusto niya, pero mas magiging magulo ang lahat kapag umalis ako rito.
"Josh." Tumayo ako at nilapitan siya. "Alam kong nag-aalala ka lang para sa akin. Pero... tinitignan ko pa kung maaayos ko pa ang gulong 'to. Alam mo naman na asawa ko pa rin si Matteo, hindi ako basta-basta na lang puwedeng umalis dito at sumama sa iba," paliwanag ko. He looked away.
Alam ko, gusto niya lamang talaga akong makaalis dito at mailayo kay Matteo. Pero hindi gano'n kadali ang gumawa ng hakbang, paano kung sundan kami ni Matteo at kapag nagpang-abot muli sila, anong mangyayari? Magkakasakitan na naman?
Saka nililinis ko pa rin ang pangalan ko sa asawa ko dahil gusto ko kapag dumating 'yong oras na aalis na ako sa bahay na 'to, at least ay bago ako lumisan ay malaman talaga niyang hindi ako kailanman nagtaksil sa kanya, na kailanman hindi ako pumatol sa iba, na mali ang akala niya sa amin nang gabing 'yon, na kailanman ay hindi ako nagkasala sa relasyon naming mag-asawa.
"Kung iisipin ng iba na sumama ka sa akin dahil may relasyon tayong dalawa, hindi na natin kailangang isipin pa 'yon. Hindi na natin problema kung baluktot ang utak nila at maniniwalang may namamagitan nga sa atin. Savannah, ang mahalaga sa akin ay ang kaligtasan mo, hindi ang sasabihin ng iba, hindi ang kung ano, kung hindi ang kalagayan mo." Hinawakan nito ang braso ko at hinaplos 'yon. "Please, Savannah, sumama ka na sa akin. Ilalayo kita rito..." Nagsusumamo siya ngunit hindi ko 'yon mapagbibigyan.
Mas gusto kong ako na lang ang nasasaktan kaysa ang iba. Gustuhin ko mang um-oo, ngunit hindi maaari dahil marami pa akong kailangang ayusin dito. Kailangan kong maibalik sa dating ayos ang pagkakaibigan nina Matteo at Josiah, kahit 'yon na lang ay maayos ko pa sana.
"I'm sorry." Umiling ako at binitawan ang pagkakahawak niya sa akin. "Umalis ka na, Josiah, bago ka pa maabutan ni Matteo dito." Yumuko ako at pinigilang huwag maiyak.
"Savannah—" I cut him off.
"Please, umalis ka na, Josiah. Nakikiusap ako sa 'yo, ayoko nang gulo kaya hindi ka puwedeng maabutan ni Matteo dito." Halos magmakaawa na ako na umalis na siya, pero parang ayaw niya talaga akong iwan dito. Hindi siya natinag sa kinatatayuan niya, sinusubukan pa rin niya ako na kumbinsihin na sumama sa kanya.
"Paano ako makakapayag sa gusto mo kung ngayon pa lamang ay iniisip ko na ang magiging kalagayan mo pagka-alis ko rito?" Naitikom ko ang bibig sa kanyang sinabi. Natutunaw ang puso ko sa pag-aalala niya. Hindi ko alam paano ako magre-react gayong pati isip ko ay na-blangko na rin habang nakatitig lamang ako sa kanyang mga mata.
"Mag-aalala lamang ako nang sobra sa 'yo kapag iniwan pa kita rito. Savannah, walang ibang importante rito kung hindi ang kabutihan mo. Hindi ko yata kaya na hayaan ka na lamang dito habang alam ko na ganyan pala ang inaabot mo sa mga kamay ng asawa mo. Kaya patawarin mo 'ko dahil isasama kita ayaw mo man o gusto." Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay bigla niya akong hinawakan sa braso ko at hinila palabas ng kwarto.
Nagulat ako at hindi agad naka-react sa ginawa niya kung kaya't natangay ako palabas.
"J-Josiah, ano ba? Ano bang ginagawa mo? Saan mo 'ko dadalhin?" tarantang tanong ko. "B-bitiwan mo ako! Hindi nga sabi ako sasama sa 'yo! Lalo tayong magkakagulo nito sa gagawin mo!" Pinilit kong bawiin ang kamay ko pero masyado siyang malakas kung kaya't tuluyan niya akong nahatak hanggang sa makababa na kami mula sa ikalawang palapag. "Josiah, listen to me, please!" I begged, but he didn't listen. Pero tumigil siya sandali at hinarap ako.
"I'm sorry, Savannah. Pero hanggat may magagawa ako para iligtas ka, gagawin ko kahit pa malaman at magalit ang asawa mo! Sasama ka sa akin, ok? Dadalhin kita sa kung saan magiging ligtas ka. Kaya huwag ka nang magmakaawa riyan dahil ilalayo kita rito." Pagkatapos no'n ay hinatak na niya akong muli. Binuksan niya ang pinto at pinilit na ilabas ako sa loob ng mansion.
"Josiah, please, don't make this thing worse!" pakiusap ko sa gitna ng paghatak niya sa akin, hindi siya sumagot, wala akong natanggap na pagtugon mula sa kanya. Patuloy lang kami sa paglalakad.