Sumalubong sa aming daan ang ibang kalalakihan, marahil ay mga kasama ni Josiah ang mga 'yon. Hindi rin nakatakas sa aking mga mata ang mga tauhan ni Matteo na nakabulagta sa magaspang na semento, mga wala silang malay lahat.
Ano ba 'tong ginagawa mo, Josiah? Inilalagay niya ang sarili niya sa kapahamakan! Paano ko ba siya mapipilit na umalis nang hindi ako kasama? Ang tigas talaga ng ulo niya minsan! Ngayon niya lang ako hindi pinakinggan! Kapag naabutan talaga siya ni Matteo dito, magagalit talaga ako sa kanya!
I really appreciate his concern but not this time, not this day!
"Makakalaya ka na rin pagkatapos nito," seryosong sinabi niya. Mariin na lamang akong napapapikit. Ang tigas talaga niya!
"Hindi nga puwede, Josiah!" pakikipagtalo ko pa rin. "Umalis na kayo baka biglang umuwi si Matteo at—"
"Mga hayop talaga kayo!" Napasinghap ako nang biglang sumulpot ang sasakyan ni Matteo sa labas at sinalubong kami habang hawak ang isang baril. Kasama pa niya ang ibang mga tauhan niya na may hawak ding mga baril, at nakatutok 'yon sa mga kasama ni Josiah. Parang gusto ko na lang mahimatay nang mga sandaling 'yon habang nakikitang nagtututukan na sila ng mga armas sa isa't isa.
Ngunit mas nadako ang aking tingin sa asawa ko, nanlilisik ang mga mata niya habang nakatingin sa amin ni Josiah. Pagkatapos no'n ay nakita ko pang bumaba ang kanyang mga tingin sa pagkakahawak sa akin ni Josiah kaya naman lalong bumakas ang galit sa kanyang mukha.
Oh, God! Alam ko na kung saan na naman tutungo 'to, alam ko na kung ano ang iniisip niya ngayon!
Gusto kong sigawan si Josiah para sermonan dahil hindi siya nakinig sa akin! Pinilit niya pa rin ang gusto niya! Kapag may nangyari na naman sa kanyang masama, wala akong ibang sisisihin kung hindi ang sarili ko! It's still my fault even though he just wants to save me from my husband.
"M-Matteo, m-mali ang akala mo," depensa ko agad kahit hindi pa man siya nagsasalita, uunahan ko na siya nang hindi na siya mag-isip pa ng masama tungkol sa amin ni Josiah.
"Talaga lang, huh? You think, I will believe in you pagkatapos kong madatnan 'to? So what now? Trying to escape, huh? Para ano, magsama na talaga kayo ng lalaki mo? So, mayroon nga talaga kayong relasyon?! Tapos itatanggi mo na wala? Anong klaseng babae ka? You're a f*****g liar—"
"f**k you, Matteo! You don't know nothing! Kaya huwag na huwag mong pagsasabihan ng mga kung ano-ano si Savannah!" galit na sabat ni Josiah. Nilagay pa niya ako sa likod niya, tila ba pinoprotektahan talaga mula sa aking asawa.
Nawala ang tingin sa akin ni Matteo at binalingan niya si Josiah, nagtatagisan na ng tingin ang dalawa. Pareho mong makikita sa kanila na kaunti na lang ay susugurin na nila ang isa't isa at magkakasakitan na naman.
"Ang kapal din talaga ng mukha mo para pumunta pa rito! Hindi na ako magtataka pa kung pinag-planuhan mong makapasok sa loob ng pamamahay ko para lang makuha ang asawa ko habang wala ako! Ang galing! Ang galing-galing mo! Traydor ka nga talaga, Josiah! Traydor ka!"
Tama nga ako, paparatangan at paparatangan ni Matteo si Josiah. Ano bang gagawin ko ngayon? Para ako ngayong naiipit sa dalawang bato!
"Sabihin mo na lahat ng gusto mong sabihin, wala akong pakialam, Matteo! Pero nandito ako para ilayo sa 'yo si Savannah dahil hindi niya deserve na tumira sa bahay na 'to dahil sinasaktan mo lang siyang hayop ka! I can't believe you do this to her! Napaka-wala mong kwentang asawa! Napakasama mo!" Akma pa siyang susugurin ni Josiah nang hilahin ko ang braso niya para pigilan.
"J-Josiah, please!" naiiyak kong pakiusap. Sandali siyang tumingin sa akin at nakita kong lumambot ang ekspresyon niya mula sa pagiging galit. Kumalma siya at pinagsiklop niya ang mga kamay namin bago muling balingan ng tingin si Matteo.
"Bitiwan mo ngayon din ang asawa ko, Josiah!" may pagbabanta sa tonong 'yon ng asawa ko. Sunod-sunod ang naging paglunok ko. Doble ang pagtibok ng puso ko. Natatakot ako sa kung ano ang mangyayari sa pagitan nila.
"At bakit ko gagawin 'yon? Sino ka para sundin ko?" nanghahamon namang tugon ni Josiah.
Damn it, Josiah! Lalo mong ginagalit si Matteo sa ginagawa mo! This man is so stubborn! Pero, ngayon ko lang nakita ang ganitong side ni Josiah, nakakagulat at nakakabigla. Hindi ko alam na sa tahimik niyang personalidad ay may itinatago siyang katapangan.
"Don't try me, Josiah! Kung ayaw mong pumasok ang bala ng hawak ko sa ulo mo!" Sobra-sobra ang kaba ko nang itinutok na ni Matteo ang hawak na baril kay Josiah. I was too stunned to react nor to move for him to stop.
"Go on, Matteo! Iputok mo! Hindi ako natatakot sa 'yo!" Naramdaman ko pa lalo ang paghigpit ng hawak sa akin ni Josiah, doon lamang ako bumalik sa reyalidad.
At ang alam ko lang na sunod kong ginawa ay bumitaw ako kay Josiah at pumunta sa harapan niya para gawing panangga ang sarili sa kung ano mang balak na gawin ni Matteo sa kanya. Handa akong saluhin ang bala kung may balak man nga na iputok ni Matteo ang baril niya. Mas maigi nang ako ang mamatay kaysa si Josiah, wala naman siyang masamang ginawa.
"f**k! Savannah!" narinig ko agad ang pagtutol ni Josiah sa aking likod. Halos pinilit niya akong mahila pabalik pero nanatili akong nasa harapan niya.
Nakita ko ang pag-ngisi ni Matteo sa akin, hindi ako makapaniwalang tinignan.
"Talagang magpapakamatay ka para sa lalaki mo?" then he chuckled.
"Ilang beses ko bang uulitin sa 'yo na wala kaming relasyong dalawa? Walang namamagitan sa amin ni Josiah, Matteo! Bakit hindi mo maintindihan 'yon?!" Mas lalong umigting ang panga ni Matteo, kulang na lang ay sugurin na niya ako at saktang muli dahil hindi niya nagustuhan ang aking sinabi.
Tumaas ang isang sulok ng labi niya at matalim akong tinignan nang mata sa mata.
"Don't f*****g defend yourself to me, Savannah! Alam mong hindi ako maniniwala sa mga salita mo! Hindi mo na ako kailanman mauuto pa—"
"Diyan ka naman magaling, eh! Ayaw mo akong pakinggan! Ni tiwala mo nga sa akin ay hindi mo naibigay nang buo kung kaya't nasira ang relasyon natin ngayong dalawa!" Nag-umpisa na namang kumawala ang mga luha ko. Parang may bumabara sa lalamunan ko at hindi ko na kaya pang magsalita. Pagod na ako. Bakit ko nga pa ba dinidipensahang muli ang sarili mula sa kanya gayong alam ko sa sarili kong hindi naman pala siya maniniwala?
"Wala na akong panahon pa para sa mga walang kwenta mong paliwanag, Savannah! Ang gusto ko ngayon ay paalisin mo na 'yang lalaki mo kung ayaw mong magkagulo tayo rito!" He commanded. Natakot ako sa mga tinging ipinupukol niya sa akin kung kaya't agad kong hinarap si Josiah para pakiusapan nang umalis sila ngayon din.
Hindi ko alam kung ano ang takbo ng utak ni Matteo ngayon kaya't natatakot ako sa maaari niyang gawin sa kaibigan. Galit na galit siya animong makakapatay na sa kanyang mga tingin.
"Josiah, please, u-umalis ka na. Umalis na kayo, pakiusap," garalgal na ang aking boses habang nagmamakaawa sa kanya. Tinulak ko pa siya paalis pero hindi pa rin siya umaalis.
Damn it, Josiah! If something bad happen to you, I will be mad at you for being so stubborn man!
"Hindi ako aalis nang hindi ka kasama, Savannah! Sasama ka sa akin, naiintindihan mo?!" matigas niyang sinabi saka hinawakan ako sa aking kamay at hinila na ako kasama niya paalis. Ngunit hindi pa man kami nakakailang hakbang nang marinig ko ang pagkasa ng mga baril ng bawat kabilang panig. Hinarangan kami agad ng mga tauhan ni Matteo, naging alerto naman din ang mga kasama ni Josiah.
"Gusto niyo talaga ng gulo, huh?" Nataranta ako bigla sa sigaw ni Matteo. Hindi ko alam kung sino ang uunahin ko, kung ang galit ba niya o ang paalisin si Josiah.
"Josiah, umalis ka na sabi, eh! Iwan mo na ako rito! Umalis na kayo!" sigaw ko sa kanya saka siya muling tinulak palayo sa akin.
Kinuha ko ang pagkakataon na 'yon para makadistansya sa kanya nang hindi na niya ako mahila pa. Ngunit sinubukan niya pa rin akong abutin pero mabilis din ang kamay ni Matteo at nahigit nito ako sa tabi niya.
Napaiyak na lamang ako habang tinitignan si Josiah na sobra ang kagustuhang mabawi ako mula sa asawa. He even tried to get close to me but Matteo pointed the gun on his head so quickly, Josiah suddenly stopped walking. His breathing was heavy while angrily looking at Matteo.
"Hindi ka ba talaga aalis gago ka?! Sige, subukan mong lumapit kundi, hindi ako magdadalawang isip na iputok 'to sa 'yo!"
Sobra ang panginginig ng mga kamay ko sa pagbabantang 'yon ng asawa ko. Para akong mapapaluhod ng dahil sa panghihina.
"M-Matteo, ibaba mo ang baril, please! Huwag mong gawin 'to sa kaibigan mo, pakiusap! Tama na!" Halos lumuhod na ako sa pagmamakaawa sa harapan ni Matteo.
"Sige, makakaalis nang buhay 'yang lalaki mo kung paaalisin mo na sila ngayon din!" condition niya. Napalunok ako. Kinabahan dahil baka hindi umalis si Josiah, ni hindi ko nga siya mapilit kanina.
"Josiah, please... Nakikiusap ako sa 'yo, huwag mong ipahamak ang sarili mo ng dahil sa akin. Umalis ka na sabi! Umalis na kayo!" Kulang na lang ay isigaw ko 'yon sa kaibigan pero wala man lang akong nakitang pagsang-ayon mula sa kanya. Ayaw niya talagang umalis!
"Hindi. ako. aalis!" pagmamatigas niya pang muli.
Why he's doing all of this? He's willing to die just to save me?
"Hindi ka aalis? Sige!" Pagkatapos 'yong sabihin ni Matteo ay marahas niya akong hinila sa harap niya, ipinulupot niya ang kanyang kamay sa aking leeg at habang ang isa naman ay itinutok sa aking ulo ang hawak na baril. Nanigas ako bigla sa kinatatayuan ko, tila tumigil ang mundo ko nang gawin niya 'yon sa akin.
"Ah, M-Matteo!" impit kong hiyaw. Nasasakal ako sa higpit ng braso ng asawa ko sa aking leeg, para akong mawawalan ng hangin sa ginawa niya kaya naman pinilit kong makawala pero mas lalo lang niyang hinihigpitan kapag sinusubukan kong kumawala.
"Gago ka, Matteo! Huwag mong sasaktan si Savannah!" Halos lumabas lahat ng litid sa leeg ni Josiah.
"Sige, subukan mong lumapit kundi basag ang bungo ng babeng 'to!" Mas diniinan pa ni Matteo ang baril sa aking ulo, napapikit na lamang ako ng dahil sa takot na baka iputok niya nga 'yon.