Chapter 7

1757 Words
My heart is racing on that moment, even my face, I felt that it's also beating like my heart. My hands are shaking too. Ngunit wala akong ibang nagawa kung hindi ang umiyak na lamang. "Ano? Mamili ka, Josiah, aalis ka o mamamatay ang babaeng 'to sa harapan mo?" Parang sinasaksak nang ilang ulit ang puso ko sa sinabi ni Matteo. Paano't kaya niyang sabihin 'yon sa harapan ko? Papatayin niya talaga ako, ako na asawa niya? Bakit? Bakit siya naging ganito kalupit sa akin? Talaga bang wala na siyang ni kahit konting katiting na pagmamahal para sa akin kung kaya't mamatay man ako rito ngayon ay wala siyang pakialam? "Subukan mo lang, Matteo, kundi ay ikaw ang papatayin ko!" galit na galit pa rin na sambit ni Josiah. Nang imulat ko ang mga mata ko, kitang-kita kay Josiah na gustong-gusto niya akong lapitan ngunit hindi niya magawa dahil baka iputok sa akin ni Matteo ang hawak niya. "Kapag hindi ka pa umalis, pasensyahan tayo—" "Sige! Aalis na kami, pero... pero bitawan mo na si Savannah, pakiusap!" Josiah lower his voice, like he's calming down himself just to make sure that Matteo don't hurt me anymore. Pero inalis nga ni Matteo ang braso sa aking leeg, ngunit mahigpit pa rin ang hawak niya sa aking kamay animong kailangan akong bantayan para hindi makawala. "You can now leave, ano pang hinihintay mo?" tanong ni Matteo. Malalim na napabuntong hininga si Josiah habang nakatingin sila sa isa't isa, bakas sa kanyang mukha ang pagkatalo na siyang alam kong ikinasasaya ngayon ng aking asawa. "Savannah, babalikan kita, ok? Babalikan kita!" madiin niyang bilin sa akin nang balingan ako ng tingin. "Babalikan kita. Hintayin mo ako! Naiintindihan mo? Babalik ako!" pagsusumamo niyang ulit. Hindi ko alam pero tumango ako sa kanya. Nginitian niya ako bago tuluyang umpisahang maglakad palayo sa amin. Bumibigat ang aking pakiramdam habang nakikita siyang paalis. Hinihiling ko na sana lumingon siya kahit na sandali, at sumulyap nga siyang muli sa aking gawi na siyang ikinatuwa ng aking loob. "Hindi pa tayo tapos, Matteo! Maaaring nanalo ka ngayon, pero sa susunod na bumalik ako rito, sinisigurado ko na sa 'yong malalayo ko na mula sa 'yo ang asawa mo!" huling salitang binitawan ni Josiah bago siya tuluyang tumalikod sa amin. Even I want Josiah to go back here, to save me from my abusive husband, I wished that he will never ever come back here again. He will just put his life in danger again if he came back for me. Ngayon pa lamang nga ay sobra na ang naging takot ko para sa kanya, sobra akong nag-alala na baka saktan siya ni Matteo, kaya paano pa kaya kung mangyari muli 'yon sa susunod? Hindi ko na yata kaya pang masaksihang 'yong muli. Kahit sobra na akong traumatized sa lahat ng mga nangyari sa akin, kahit sobra na akong depressed, kahit kada segundo ay may takot sa puso ko, pinipilit ko pa ring maging matatag, pinipilit ko pa ring lumaban, pinipilit ko pa ring tulungan ang sarili na maghilom sa lahat ng sakit na idinulot ng asawa ko sa akin. Dahil sino ba naman ako para hilingin na mamatay na lamang ako? Hiram lamang ang mga buhay natin at alam kong may iba pang mga tao na mas mabigat pa ang dinadala kaysa sa akin. Kaya hindi ako puwedeng magreklamo o sabihing suko na ako o sabihing gusto ko nang mawala dahil habang sinasabi ko 'yon, alam kong may iba na naghahangad na sana manatili pa rin silang buhay, na manatili pa rin silang humihinga rito sa mundo. I know, I still have purpose in life. Hindi pa sayang ang buhay ko. Siguro, sinusubok lamang ako ng mga mabibigat na problema ngayon, pero hindi ibig sabihin no'n ay kailangan ko nang tumigil na lumaban. So even I suffer here a lot while I'm with my cruel husband, I will stay strong for myself. I know this will end soon and I'll still be genuinely happy when the right time comes. I will wait for it... I still believe... NANG matapos ang araw na 'yon ay mas lalo kong naramdaman na para akong nasa impyerno. Those days are hell for me. Parang araw-araw akong nakikipagsagupaan sa isang demonyo na hindi alam kung paano lalaban. "Savannah, nasaan na ang pagkain ko?!" sigaw ni Matteo mula sa dining area. Nataranta naman ako bigla nang tawagin niya kaya natataranta ko ring inilagay sa tray ang pinahanda niyang lunch. Mabilis akong pumunta sa dining area nang matapos. Ngunit nanginginig ang mga kamay ko habang naglalakad at dala-dala ang mga 'yon. At hindi pa man nga ako nakakalapit sa kinaroronan niya ay kita ko na ang matalim niyang pagtitig sa akin. Yumuko na lamang ako kaysa makita 'yon nang matagal, nilalamon lamang ako ng takot at kaba sa mga paninitig niya. "Ano bang ginagawa mo at napakabagal mong kumi— oh, f**k!" Napahiyaw si Matteo nang hindi ko sinasadyang mabuhos sa kanya ang laman ng mga dala ko, mainit pa naman na sabaw 'yon kaya alam kong nasaktan siya at napaso sa nangyari. Napalayo ako sa kanya bigla. Nangangatog ang aking mga tuhod. Nanginginig ako sa sobrang kaba habang tinitignan siyang galit na galit. Napalunok ako nang bumaling na sa akin ang kanyang tingin. "Napakatanga mo!" Halos dumagundong ang boses niya sa buong mansion. Hinawi pa niya ang mga laman na nasa table bago marahas na lumapit sa akin upang haklitin ang aking mga braso. "Sinasadya mo bang matapunan ako, huh?" Hindi ako makasagot sa tanong niya, tanging pag-iling lamang ang nagawa ko habang namumuo ang mga luha sa mga mata ko. "A-ah, Matteo, m-masakit!" impit kong sigaw nang mas lalong humigpit ang mga kamay niya sa mga braso ko, ang sakit kasi dahil napipisil ang mga parteng may pasa ko. Pero halos buong katawan ko naman yata ay puno ng mga pasa at sugat kung kaya't bawat marahas niyang paghawak sa akin ay ramdam ko ang hapdi at sakit. "Masakit? Kasalanan mo! Ang tanga-tanga mo kasing babae ka!" saka niya ako tinulak nang malakas na siyang naging dahilan ng pagsubsob ko sa malamig na tiles. Napaiyak na lamang ako sa ginawa niya at mas lalo pang napahagulgol nang pantayin niya ang laki namin at sinabunutan pa ang aking buhok at hinawakan pa niya ako sa aking panga. Sa sobrang higpit ng hawak niya sa buhok ko, para na 'yong matatangal sa aking anit. Ramdam na ramdam ko rin ang sakit ng aking panga dahil napipisil ang mga pasang meron ako sa mukha. "M-Matteo, I'm sorry, hindi ko sinasadya— ah, tama na! Masakit, Matteo! Pakiusap!" Sinubukan kong alisin ang mga kamay niya ngunit masyado siyang malakas para magtagumpay ako na gawin 'yon. "Anong hindi sinasadya, huh? Ang ayoko sa lahat ay 'yong sinungaling at manloloko! Kaya alam kong sinadya mong ibuhos sa akin ang mga 'yon para makaganti ka, hindi ba? 'Yan pala ang gusto mo, ha? Sige, ipapatikim ko sa 'yo ngayon!" Itinayo niya ako sa pamamagitan ng paghila sa aking buhok, napatianod naman ako. Hinila niya ako patungo sa lamesa at idinikit ang aking mukha ibabaw no'n. "A-ah, Matteo! A-ayoko na, tama na!" pagmamakaawa ko habang umiiyak. Ang sakit-sakit na ng aking ulo, ng katawan ko, ang lahat sa akin. I'm totally tortured. "Bagay lang 'yan sa 'yo!" Binuhos niya sa mukha ko ang malamig na tubig sunod ay ang ibang ulam na natirang nakahain sa table. Para akong malalagutan ng hininga sa nangyayari sa akin, nsasakal pa ako sa kamay niya na nasa aking batok, paraan niya para hindi ako makatayo. Ngunit nang mga sandaling 'yon, wala akong ibang naisip kung hindi ang mamatay na lang, na sana mamatay na lamang talaga ako, malagutan ng hininga sa mga oras na 'yon dahil hindi ko na yata kaya pang tiisin ang pananakit niya. I'm mentally and physically exhausted. I'm drained. I just want to die. I just want to disappear in this world, in his arms. Ayoko na. Suko na ako. Hindi ko na kaya pang mabuhay kung araw-araw ay para lang din naman akong pinapatay. I'm not yet dead but I'm gradually dying because of him, because of the pain and because of tiredness. "Matteo, stop!" I begged. Then he suddenly stopped but still pushed me again on the floor. Wala akong ibang naririnig na ingay sa loob ng bahay kung hindi ang iyak ko. Araw-araw, imposibleng hindi ko 'yon maririnig. I cried everyday because of the hell he gave me, I cried everyday because of the pain he left in my heart. "Napaka-walanghiya mo talaga! W-wala kang awa, Matteo! You're a monster! I hate you until my last breath! I hate you until I die! Hindi ko kailanman naisip na ganito ka kasamang tao! You're evil! Kung alam ko lang na masahol ka pa sa hayop, hindi sana kita pinakasalan! Hindi rin sana kita minahal, hayop— a-ah!" Inisang hakbang niya ang pagitan namin at saka ako sinakal. Bumaon ang kuko ko sa mga braso niya dahil sa kagustuhan kong pigilan siya. Hindi ako makahinga. Parang titirik ang mata ko sa pagsakal niya sa aking leeg. "S-sige, p-patayin m-mo n-na n-nga l-lang a-ako! P-patayin m-mo na l-lang a-ako n-nang m-matapos n-na a-ang p-paghihirap k-ko!" nahihirapan kong saad. At mas lalo pa nga niyang hinigpitan nang hilingin ko 'yon. Hindi naman na ako umangal pa, ang nasa isip ko lang ay gusto ko na talagang mawala at mamatay kung kaya't hinayaan ko lamang siya na gawin 'yon sa akin. Kapag nawala ako, puwede na akong sumaya, puwede na akong mamuhay nang walang sakit na nararamdaman. Hindi na ako iiyak pa kapag namatay na ako dahil tahimik na ang mundo ko, payapa na ako pagkatapos no'n. I don't deserve to be unhappy, I don't deserve to suffer, I don't deserve to taste his anger, I don't deserve all of these s**t! Deserve ko naman maging masaya at maging malaya, at mangyayari lamang siguro 'yon kapag nawala na ako nang tuluyan. I'm ready to rest, I'm ready to leave, I'm ready to disappear, I'm ready to go. "You are disgusting!" mariin niyang sambit at pagkatapos no'n ay binitawan na niya ako. Napaluhod lamang ako dahil sa panghihina habang hawak ang aking leeg at habol-habol ang aking hininga. Narinig ko ang pagbukas ng pinto, lumabas siya at pabalibag na isinarado pa 'yon. Bahagya akong napaigtad sa gulat pero nagmulat din pagkatapos. LUMIPAS na naman ang isang araw ay panibagong sakit na namang muli ang naramdaman ko dahil may kasama na namang ibang babae si Matteo at nagulat ako kung sino 'yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD