"G-Gina? Gina anong ginagawa mo rito? A-at b-bakit..." Bumaba ang tingin ko sa kamay niya, nakaligkis 'yon sa braso ng asawa ko. Naguguluhan ko silang tinignan pero parang wala lang naman silang pakialam sa naging reaksyon ko. "B-bakit m-magkasama kayo ng asawa ko?" garalgal ko pang tanong. Ayokong mag-isip nang masama pero. "H-huwag mong sabihin s-sa akin..." Hindi ko kayang ituloy ang sasabihin. Naninikip ang aking dibdib. Kasabay pa no'n ay ang hindi ko maiwasang maramdamang pag-usbong ng aking galit.
"Nasorpresa ka ba? Oh my God!" umakto pa siyang nagulat. "I'm sorry... Hindi ko alam na magugulat ka. Sorry, ha?" sarkatiko pa niyang saad pagkatapos ay bahagya pa itong tumawa.
"M-Matteo, a-ano 'to?" gigil na tanong ko sa asawa nang ibaling ko sa kanya ang aking atensyon. Blangko lang ang ekspresyon niya habang hinihintay kong sagutin niya ang tanong ko. Alam kong tama na ako sa hinala ko tungkol sa kanila pero gusto ko pa rin malaman sa kanilang dalawa mismo, gusto kong makasigurado. Kahit pa hindi ako handa, gusto ko pa ring malaman ang totoo.
"S-sumagot ka, Matteo," pinipigilan ko pa rin ang emosyon ko dahil alam kong anumang oras ay makakasampal ang aking kamay.
"Ano? Hindi pa ba obvious, Savannah?" singit ni Gina. "Kitang-kita na nga ng dalawang mga mata mo, nagbubulag-bulagan ka pa rin? Oh, c'mon! Isn't obvious that we're together, huh? We have an aff—" Hindi pa man natatapos ang sasabihin niya nang dumapo na sa kanyang mukha ang kanina ko pang nangangating kamay.
Kumulo ang dugo ko sa narinig. She's proud of it, huh? She's still proud to say it!
"How dare you to slap— ouch!" Sinampal ko siyang muli nang tangkain niya akong lapitan para sampalin rin pabalik.
Ngunit nakaligtas man ako sa tangkang pagsampal ni Gina sa akin ay hindi naman ako nakaligtas sa pagtulak sa akin ni Matteo. Ngunit wala akong naramdaman na kahit na anong sakit nang itulak niya ako dahil mas nangingibabaw ang sakit ng duguan kong puso, at mas lalo pa 'yong nasugatan sa ibinunyag nila.
"You deserve that, b***h!" Gina shouted at me.
"Enough!" pumagitna na si Matteo.
Wala akong ibang nagawa kung hindi ang umiling at naiiyak silang tignan. Nasasaktan akong makita silang magkasama at mas nasasaktan ako dahil kaibigan ko si Gina. Nang gabing 'yong masira ang relasyon naming mag-asawa ay ngayon na lamang kaming muling nagkitang dalawa. Akala ko nga ay hindi na siya magpapakita pa, pero kung ganito lang din naman pala ang isasalubong niya sa akin sa muli naming pagkikita, isang pagtatraydor, ay hindi ko na sana hiniling pa na magkita pa kaming muling magkaibigan.
"P-paano't n-nagawa mo sa akin ito, G-Gina?" I need an explanation why she's doing this to me! Dahil kung iisipin ko ay hindi ko alam kung bakit niya nagawang sumabit sa asawa ko ngayon. Anong nangyari sa kanya? Anong nangyari kay Gina? Bakit naging ganito siya ngayon? Nasaan na 'yong Gina-ng kaibigan ko? Nasaan na 'yong Gina-ng mapagkakatiwalaan ko?
Mapagkakatiwalaan pa nga ba gayong trinaydor niya ako? Hindi ko kailanman naisip na gagawin 'to ni Gina, na kaya niya 'tong gawin! Paano't iba na ang Gina-ng kaharap ko ngayon sa isang iglap lang? Hindi ko maintindihan. Nasasaktan ako sa nalaman. Nasasaktan ako sa mga nangyayari. Pinapatay na nga ni Matteo nang paunti-unti ang puso ko, tapos ito rin siya ngayon, sasaktan din ako? ? I can't believe that this is happening right now!
Bakit, Gina? Anong ginawa kong masama sa 'yo para gawin mo sa akin 'to ngayon? Napaka-walanghiya niyong lahat!
Hindi na ako magtataka pa ngayon kung nang mismong araw na nasira kami ni Matteo ay kagagawan niya 'yong lahat. Mas lalo akong nasaktan sa isiping 'yon.
"Why? I don't need to explain myself, Savannah. Hindi pa ba sapat ang nakita mo ngayon? Kahit pa sabihin ko sa 'yo ang dahilan, wala ka na rin namang magagawa dahil kami na ng asawa mo!"
Mas lalong dumaan ang sakit sa aking mukha. Sila na? Kailan pa? Mga hayop sila! Hindi ko sila mapapatawad sa ginawa nilang 'to sa akin! Hinding-hindi!
I need Josiah's hugs. Nasaan na ba siya? Save me, please, Josh...
"Bakit mo ba ako sinasaktan nang ganito, ha? Ganito ba talaga ang gusto mo, Matteo? Talagang dadalhin mo rito lahat ang mga babae mo? Gago ka! Napaka-walanghiya mong asawa! Wala kayong kwentang lahat! Alam ng Diyos, hindi ako kailanman nagkasala sa 'yo! Hindi kita kailanman pinagtaksilan! Ikaw, ikaw 'tong nangaliwa sa relasyon natin, hindi ako!"
"Huwag mong isisisi sa akin ang kasalanan mo dahil sa ating dalawa, ikaw ang unang nagtaksil sa relasyong 'to! Pumatol ka sa kaibigan mo kaya bakit hindi ko 'yon gawin ngayon?"
Napailing ako sa kanyang paliwanag. Talaga bang gagawin niyang dahilan 'yon sa akin? Tama ba na rason 'yong sinabi niya? Napakawalang kwenta!
"Sige! Magpakasaya ka lang! Magpakasaya kayong dalawa! Pero ito ang tatandaan niyo, hinding-hindi ko kakalimutan ang mga araw na ginawa niyong imperyno ang buhay ko! At mas lalong hinding-hindi ko kakalimutan na pinatay niyo ang anak ko!" puno ng paghihinagpis kong sigaw sa kanila. Hindi na nagsalita pa si Matteo pero matalim pa rin ang kanyang mga tingin sa akin, si Gina naman ay bakas sa kanyang mukha ang gulat, marahil ay nagulat siya dahil hindi niya alam na nagkaroon kami ng anak ni Matteo at nakunan lamang ako.
"Mag enjoy lang kayo hanggang sa gusto niyo! Magpakasarap kayo sa isa't isa! Ngunit tandaan mo rin 'to, Matteo, tanda 'yan ng pagtataksil mo sa akin at sa relasyong 'to!" Tinulak ko siya sa kanyang dibdib bago tuluyang iwan sila at bumalik na sa maids quarter.
Nang isarado ko ang pinto ay napasandal na lamang ako sa likod no'n. Walang tigil sa pagbuhos ang mga luha ko dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. Walang mapaglagyan ang sakit, ramdam na ramdam ko ang bawat kirot.
"Ah! Mga hayop kayong lahat! Mga walanghiya kayo!" Inilabas ko ang lahat ng galit ko sa pamamagitan ng pagsigaw, at kahit papaano ay nababawasan ang bigat sa aking dibdib sa tuwing gagawin ko 'yon.
Tumayo ako at humarap sa salamin. Mas lalo akong napahagulgol nang makita ang sarili, kaawa-awa ako kung tignan. Sobra na ang mugto ng mga mata ko dahil sa araw-araw na pag-iyak ko. Ang mga pasa sa aking katawan ay nananatiling nandoon.
"H-hinding-hindi ko kayo mapapatawad lahat!"
Nasusuklam ako sa kanilang lahat. Galit na galit ako sa kanilang lahat! Sinira nila ang buhay ko! Sinaktan nila ang damdamin ko! Winasak nila ako nang ilang beses! Wala akong ibang sisisihin kung hindi sila! Kasalanan nila kung bakit nangyari sa akin lahat ng 'to, kasalanan nila kung bakit nagdurusa ako ngayon at nagluluksa sa pagkawala ng anak ko! This is all his fault! I will never forgive Matteo for doing this to me!
"BAKIT NANDITO PA ANG BABAENG 'YAN?" bungad ko agad kay Matteo nang pababa siya ng hagdan kasama pa si Gina. Naningkit ang mga mata ko habang tinitignan ang suot niya, naka-maikling shorts lamang siya at manipis na damit. Kumuyom ang mga palad ko sa isiping may nangyari sa kanilang dalawa kagabi, malayo namang hindi 'yon mangyari.
"Dito na siya titira," maikling tugon niya, para bang walang pakialam.
Mabilis na kumulo ang dugo ko sa narinig. Anong sabi niya? Dito titira ang babaeng 'yon? Aba't ang kapal talaga ng mga mukha nila para bastusin ako nang harap-harapan at paulit-ulit sa mismong pamamahay namin! Sumosobra na talaga sila!
"Naririnig mo ba 'yang sinasabi mo, Matteo? Patitirahin mo rito ang kabit mo habang nandito ako na asawa mo?" diniinan ko pa ang pagkakasabi sa salitang kabit kaya agad na lumukot ang mukha ni Gina, galit na tumingin sa akin.
"How dare you say that to me?!" Tinulak ako ni Gina nang mabilis siyang bumaba para sugurin ako, bahagya lamang akong napaurong sa ginawa niya.
"Alam mo? Hindi ko na kasalanan pa kung matatamaan ka. Saka totoo naman, hindi ba? Kabit ka, mistress, second option, third party!" Taas kilay kong sambit. "Isa ka lang sabit dito kaya wala akong pakialam kung nasaktan ka man sa mga sinabi ko," sumbat ko pa. Nangalaiti siya sa galit. Halata sa kanyang gustong-gusto niya akong sugurin ngunit hindi siya makagalaw sa kinatatayuan niya. She can't talk, she was stunned to speak.
Ano ngayon? Ba't hindi siya makasalita? Kasi totoo ang sinabi ko, hindi ba? At sinasabi ko lang din ang totoo kaya kung natamaan siya sa sinabi kong kabit lang siya ng asawa ko ay kasalanan na niya 'yon. Umalis siya rito kung ayaw niyang may marinig na hindi maganda mula sa akin. I will not the one who needs to adjust in this house! Ako ang asawa! May karapatan pa rin ako rito na tumutol sa kanila! They can't make a decision just like that! Hindi naman ako hangin rito para hindi nila pansinin at balewalain lamang! Hindi nila ako nirerespeto? Puwes, magbastusan kami ngayon!
"Fine. At least, ako pinaniniwalaan, binibigyan ng atensyon at nandito ngayon, sarap na sarap ang buhay." Nginisian niya ako. "Hindi tulad mo..." bumaba ang kanyang tingin sa akin mula ulo hanggang paa. "Wala na ngang kakampi, kaawa-awa pa." Humalakhak siya at tinalikuran na ako pagkatapos saka lumapit na kay Matteo na nakatingin lamang sa amin.
Kung hindi lamang masama ang pumatay, kanina pa siguro dumadanak rito ang dugo ni Gina. Ngunit ang makita silang magkasama at masaya lang ay nakakababa ng sarili, nakakapanghina ng loob. Pakiramdam ko, wala na talaga ang asawa ko sa akin, wala na pala talaga. Buhay siya sa puso ko pero patay naman ako sa puso niya. Ni wala nga siyang pakialam pa sa akin. Ni hindi na niya ako mahal. Nagawa niya nga akong saktan, eh, nagawa niyang mambabae at dinadala pa niya rito sa mismong pamamahay naming mag-asawa. Kaya hindi na ako aasa pang may natitira pa siyang awa para sa akin dahil ni katiting na respeto nga ay wala na siyang ibinigay.