Chapter 9

1438 Words
Gusto ko nang umalis dito. Bakit ba kasi nanatili pa ako't hindi na lang sumama kay Josiah? Nagsisisi na ako ngayon dahil hindi ako nakinig sa kanya. Kung alam ko lang na walang magbabago sa asawa ko, hindi na sana ako nagpa-iwan pa rito. Lumala lamang ang sitwasyon ko rito at hindi ko na 'yon kaya pang dalhin. Masyado nang mabigat 'yon para sa akin. Ngunit paano nga ba ako makakaalis sa impyernong bahay na 'to? I need Josiah's help. Ngunit, nasaan na siya? Babalik pa kaya siya? May balak pa ba siyang balikan ako o wala na? Nakakalungkot isipin na hanggang ngayon ay wala pa rin siya, baka nga talagang hindi na niya ako pupuntahan pa rito para iligtas. Paano na ako ngayon? Makakalaya pa ba ako sa puder ng asawa ko sa tulong lamang mismo ng sarili ko? Kaya ko ba? Anong gagawin ko? Saan ako pupunta pagkatapos? Hindi ko alam kung kaya ko ba dahil nando'n pa rin talaga ang takot sa puso ko. "Ano pang tinutunga-tunganga mo riyan? Kumilos ka na at ipaghanda mo kami ng makakain," utos 'yon ng asawa ko. Mas lalong kumuyom ang mga palad ko habang tinitignan silang naglalandian sa harapan ko. But I looked away, hindi ko kayang tagalan na titigan lamang sila. Nasusuka ako! Dumiretso agad ako sa kusina para maghanda ng makakain nila. Mabuti na lang at mabuti akong tao dahil kung hindi, kanina ko pa nilagyan ng lason ang mga pagkain nila. Malaki ang ngisi sa akin ni Gina nang ihapag ko sa kanilang harapan ang mga pagkain nila, tila ba nasisiyahan na pinagsisilbihan ko sila. Ngunit satingin ba niya ay panalo na siya no'n? Porke nakikita niyang lubog na lubog na ako? porke nakikita niyang talo na ako? Na tagumpay talaga siya sa mga plinano niya? Well, I'm sorry, but if she thinks that she's success in everything, she's wrong! Sabihin na nating pabor sa kanya lahat ngayon, na masaya sila sa mga ginagawa nilang kataksilan, but one thing she can't change is she will never ever replace me as the number 1, as the original, as the real wife! Ang mga tulad niya ay hanggang doon na lamang, hindi na tataas pa kahit anong abot o pagsungkit ang gawin niya. "LET'S go na, babe!" Natigil ako sandali sa ginagawa kong paglalampaso nang makitang pababa ng hagdan si Gina, kasunod na niya si Matteo. May pupuntahan yata sila kaya aalis sila ngayong hapon. Hindi ko maiwasang mapangiti. "Aalis na kami. At siguraduhin mong tatapusin mo lahat ng mga inuutos ko kung hindi ay alam mo na ang mangyayari sa 'yo, Savannah," may pagbabanta sa tonong 'yon ni Matteo. Tumayo ako at dahan-dahan na tumango sa kanya. Pagkatapos no'n ay lumabas na rin sila ngunit hindi nakatakas sa aking paningin ang pag-irap sa akin ni Gina kung kaya't nakaramdam na naman ako ng sobrang pagka-inis para sa kanya. Ngunit kinalimutan ko rin 'yon nang maalala ko ang plano ko. Nang malaman ko kasing aalis sila ngayon, gusto kong samantalahin ang pagkakataon na makatakas na sa bahay na 'to. Hindi ako puwedeng habang buhay na lang na magiging kawawa rito habang sila ay nagsasaya at nagagawa ang mga gusto nila dahil malaya sila. Kaya paaano naman ako kung hindi pa ako kikilos ngayon din? Agad akong lumapit sa bintana. Hinawi ko ang kurtina at nakitang wala na ang kotse ni Matteo sa labas. Ok, what should I do next? Umakyat ako sa taas para pumunta sa isang kwarto ko, nandon ang mga ibang gamit ko kaya doon ako dumiretso. Mabilis ang mga bawat kilos ko habang inilalagay ang mga damit ko sa isang maliit na maleta dahil kahit pa alam kong mamaya pa ang balik nina Matteo ay hindi pa rin ako mapapakali kung babagalin ko ang mga galaw ko. I need to be faster! Paano kung bigla ay umuwi sila, hindi ba? Hindi ko masasabi kaya maganda nang doble ang bilis ko nang makaalis ako agad dito kahit pa na mahirap dahil may mga bantay na iniwan si Matteo para hindi ako makalabas ng mansion. Nang matapos ay agad akong bumaba at agad na inisip kung paano makakalusot sa mga tauhan ng asawa. Namamawis ang mga kamay ko at sobra ang t***k ng puso ko habang nagpapabalik-balik ako sa paglalakad habang iniisip ang gagawin kong plano. Then a bright idea came into my mind. Naalala kong may break time ang mga tao sa labas tuwing hapon kaya naman 'yon ang gagawin kong pagkakataon para makalusot at makalabas ng bahay na 'to. Hinintay kong mag alas tres dahil 'yon ang oras ng break time nila. At hindi ko maiwasang magsaya nang makita na silang magkumpol-kumpol na sa kubo roon sa dulo ng mansion para mag-miryenda. Ok, this is it! I need to act faster! Dahan-dahan kong binuksan ang pinto para hindi 'yon maglikha ng ingay o makaagaw ng atensyon. Maliit na espasyo lamang ang ginawa kong pagbukas doon para ilabas ang sarili at ang maletang dala ko. Mabilis akong nagtago sa isang gilid nang isa sa mga tauhan ni Matteo ay nagagawi ang tingin sa aking kinaroronan. Pigil ang aking hininga habang hinihintay na bumalik ang atensyon niya sa ibang direksyon. Nang makitang nalilibang na silang lahat ay doon na ako naglakad nang mabilis pero may pag-iingat nang makapunta na ako sa gate. Hawak ko ang dibdib ko nang bitawan sandali ang aking maleta. At mabuti na lang ay sang-ayon sa akin ngayon ang tadhana. I felt relieved when I saw the gate slightly opened, they didn't lock it! Halos gusto kong magtatalon sa tuwa nang maisip na kaunti na lang, makakaalis na rin ako sa impyernong 'to. At napaluha na lamang nga ako nang tuluyan nang makalabas ng mansion. Sumalubong sa akin ang sariwang hangin at ang bahagyang sinag ng araw. Pumikit ako at dinama ang sandaling 'yon. Sobra lang akong masaya dahil malaya na ako pagkatapos nito kung kaya't hindi ko maiwasan maging emosyonal. Nagmulat na ako at humugot muna ng isang malalim na buntong hininga bago muling bitbitin ang aking dalang gamit. Lakad takbo ang ginawa ko para lang mabilis na makalayo sa mansion. Kahit pa man kasi ay walang nakahuli sa akin na tumakas, natatakot pa rin ako dahil alam kong malapit pa rin ako kahit papaano sa teritoryong impyerno ni Matteo. Hindi pa ako puwedeng magpakampante ngayon dahil maaari pa ring maging malupit ang tadhana sa akin. Tulad na lang ngayon, nararamdaman kong may sumusunod sa akin. May isang sasakyan mula sa malayo na ngayon-ngayon lamang ay napansin kong sinusundan ako. Napalunok na lamang ako bigla ngunit hindi nagpahalata na natunugan ko ang presensya niya. Binilisan ko na lamang ang aking paglalakad, ngunit kung ano ang bilis ko ay siya ring bilis ng andar no'ng kotse. Kinakabahan na ako at pawis na pawis na rin. Paano kung si Matteo pala 'yon? O kaya naman ay isa sa mga tauhan niya? Siguradong masasaktan na naman ako at paparusahan niya kapag nagkataon na tama nga ang kutob ko. "Lord, please, not now! Help me to scape, please!" I murmured while walking fastly. My brain is not functioning at all when I noticed that I didn't know already where I am. Kanina pa kasi ako pasok nang pasok sa iba't ibang madaan ko para lang makalayo roon sa kotse kung kaya't hindi ko na napansin kung nasaan na ako napadpad ngayon. Sunod-sunod ang naging paglunok ko nang balingan ko ng tingin ang kotse sa aking likod. Hindi ko maaninag kung sino ang nagmamaneho no'n pero dahil sa takot na baka si Matteo 'yon ay tumakbo na ako sa abot ng aking lakas. Ngunit sa bilis kong tumakbo ay bigla akong natalisod dahilan ng pagkatumba ko sa daan. At tatayo na sana ako nang maramdaman ko ang pananakit ng aking paa. f**k! Na-sprained pa yata ako! Pero sa kabila no'n ay pinilit kong makatayo dahil narinig ko na ang pagtigil ng pag-andar no'ng sasakyan na nasa likod ko pa rin. Ni hindi ko inabalang sulyapan pa 'yon dahil ang tanging nasa isip ko lamang nang mga sandaling 'yon ay makatakas ako nang makalaya na ako nang tuluyan sa mga kamay ng mapang-abuso kong asawa. "Savannah, stop..." I automatically stopped walking when I heard a familiar voice. At para makasigurado kung kaninong boses nga 'yon ay unti-unti akong humarap sa likod para makumpirma kung tama nga ako sa akala ko. Halos mapasinghap ako. Kasabay pa no'n ay ang pagtulo ng mga luha ko nang makitang nasa harapan ko nga ang taong matagal ko nang hinihintay na balikan ako. At alam kong hindi ako namamalikmata. Alam kong totoo siya, totoong-totoong nasa harapan ko na nga siyang muli. "Josiah..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD