Ang Pagpapakilala

1315 Words
Chapter 9 Matuling lumipas ang mga araw at naka isang buwan na si Kyle sa Camarines Sur. Napakaligaya ng bawat sandali nila dahil tuwing walang pasok si Lalaine ay talagang ginugugol nilang dalawa ang pamamasyal at paglilibot sa mga magagandang lugar sa bikol. Sa kabilang banda ay malungkot si Lalaine dahil pabalik na ng Maynila si Kyle. Nag aalala siya na baka hindi na siya balikan nito. “Nay nag aalala ako baka di na ako balikan ni Kyle, madami pa naman magagandang babae sa Maynila at nasa circle nila na mayayaman din!” Wika ko kay nanay na sabay buntung hininga “Anak kung talagang kayo para sa isat isa kahit na anong mangyayare ay babalik at babalik pa din kayo sa piling ng isa’t isa, magtiwala lamang kayo sa pag ibig nyo!”wika naman ni Nanay Malungkot na napatungo si Lalaine. “Sige na Nay papasok na po ako sa kwarto ko para magpahinga at maaga pa ako gigising dahil ihahatid ko si Kyle.” Sabi ko kay nanay “Hala! Sige anak good night!”sagot ni nanay Kinabukasan araw ng Sabado ay maagang gumising si Lalaine para maihatid si Kyle. Naligo na agad siya at nag ayos. Nagpaalam na siya sa nanay nya para pumunta sa hotel na tinutuluyan ni Kyle sa bayan. “Nay aalis na po ako! Wika ko “Sige anak, mag ingat ka! Pakisabi na din kay Kyle na mag ingat kamo siya sa kanilang byahe!” Wika pa ni nanay. Sumakay na ako ng tricycle papunta ng bayan. 06:30 na ako nakarating sa bayan at agad akong nagpaalam sa receptionist na pupuntahan ko lamang ang kwarto ni Kyle. Agad naman itong tumango dahil kilala na nila ako dito. Pagkarating ko ay agad akong kumatok sa room ni Kyle. Ng buksan ni Kyle ang pintuan ay bumungad sa akin ang bagong paligo kong kasintahan. Agad ko siyang niyakap. “Good morning love!” Bati ko sa kanya “Mas maganda ka pa sa umaga mahal ko!” Sambit naman nito “Ayaw mo bang makita ang mala adonis kong katawan?” Pagbibiro nito “Saang banda love?” Ganti ko naman “Aha! Saang banda pala huh!” Agad niya akong sinunggaban na ikinatili ko! Hanggang mapahiga kaming dalawa sa kama. Agad niya akong hinalikan at buong puso ko siyang tinugon! “Mahal na mahal kita Lalaine!”wika nito ng matapos ang halik “Hintayin mo ako huh babalikan kita dito!”dagdag pa nito Naluluha akong tumango sa kanya. “Oo mahal maghihintay ako!”sabi ko naman sabay yakap ko sa kanya “Oh wag ka ng umiyak dahil babalikan agad kita. Isang linggo lang balik agad ako para sunduin kita at ipakilala sa aking mga magulang!” Wika pa nito Napatango na lamang ako sa kanya. Nakapagbihis na si Kyle sa banyo at handa na din ang mga bagahe. Maya maya pa ay kumatok na si Kuya Roger upang ikarga sa sasakyan ang mga gamit. “Sir kukunin ko na po mga gamit para maikarga ko na sa sasakyan!”wika ni kuya Roger “Sige nandito ang mga maleta.”sagot naman ni Kyle. Dalawang maleta lamang ang dala ni Kyle at yung laptop naman niya ay siya na ang nagbitbit. Sumabay na din kami bumaba dahil baka gabihin pa sila sa daan. Nang maisakay ng lahat ay nagyakapan na kami at nagpaalam sa isa’t isa. “Lagi akong tatawag at magtetext ok!”wika ni Kyle Tumango ako sa kanya kc hindi ako makapagsalita dahil baka lalo akong mapaiyak. Sobrang nalulungkot talaga ako. Kumaway na ako ng makaalis na sila. Sumakay na din ako ng tricycle pabalik sa amin. Para akong naluging instsik sa aking hitsura. Malungkot na malungkot ang pakiramdam ko dahil namimiss ko na agad si kyle! Lumipas pa ang mga araw, tinupad ni Kyle ang pangako nito na tatawag at magtitext kaya medyo gumaan ang pakiramdam ko, sinabi pa nito na byernes na daw luwas namin para me time pa kaming mamasyal sa Maynila. Pinayagan din ako ni nanay na ipakilala sa kanyang magulang. Bukas na ang dating ni Kyle at bukas din alis namin. Kinakabahan ako pero excited din dahil magkikita na kami. Kinabukasan ay maaga ako gumising, nakaligo na ako at nakaayos na din. Inaantay ko na lang si Kyle dahil dederetcho daw siya dito sa bahay. Maya maya pa nakita ko na ang isang limousine na huminto sa tapat ng bahay namin. “Mahal!”tumatakbo akong palapit sa kanya Agad niya akong niyakap at binuhat! “Mukhang nabawasan ka ata ng timbang! Masyado mo ba akong inisip?” Wika naman ni Kyle Napatawa ako sa sinabi niya! “Oo mahal dahil namimiss kitang lagi! Halika muna pumasok ka muna at magkape bago tayo umalis! Gusto ka din muna makita ni nanay!” Wika ko pa “Naku mahal talaga ako ni nanay Dolor!” Ani nito Nang makita ni Kyle si nanay ay agad itong nagmano! “Good morning nay! Namiss mo ba ang pogi mong manugang?”biro nito “Ay oo namiss kita anak! Pero mas nangulila sa iyo ang isa dyan! Wika ni nanay na ikinatawa ko. “Halika at magkape ka muna, me ginawa din akong sumang balinghoy, tikman mo at malamang wala nito sa Maynila!” Pagbibiro pa ni nanay “Yan ang gusto ko sayo nanay eh hindi mo ako tinuturing na iba, sabay niyakap niya si nanay! “Alam mo nanay mas gusto ko ditong tumira sa inyo dahil ang simple ng buhay,walang kumplikasyon!”sabi ni Kyle “Oh eh di pagpinakasalan mo itong dalaga ko dito kayo magpatayo ng bahay!”wika naman ni nanay “Nay kasal agad eh ipapakilala pa nga lamang ako eh, ilang buwan pa lamang kaming magkatipan ni Kyle!”sagot ko naman “Wala yan sa tagal anak! Kung talagang kayo ang nakatadhana ay walang makakapigil sa inyong dalawa!”sagot naman ni nanay “Tama si nanay mahal! Kung gusto mo nga bukas pwede na kita pakasalan eh. Meron na naman tayong basbas ni nanay!”suhol naman ni Kyle “Kuh kumain ka na lamang mahal ng makabyahe na tayo.”sabi ko naman. Matapos kumain ni Kyle ay nagpaalam na kami kay nanay!bumiyahe lamang kami ng isang oras papuntang Pili dahil nandoon ang private jet ni Kyle. Namangha ako sa aking nakita sa loob. Napaka high tech ng loob at talaga naman marerelax ka! “Oh my gosh love! Napaka ganda naman nito!”wika ko kay Kyle “All the best para sa aking mahal!” Wika naman ni Kyle Habang tumataas ang eroplano ay nakayakap ako kay Kyle dahil first time ko sumakay ng eroplano. Bumiyahe lamang kami ng 1 and 15 minutes mula sa amin hanggang manila! Lumapag ang eroplano sa mismong helipad ng mansion nila Kyle. Sobrang namangha ako sa aking nakita sa mansion nila! Bongga din ang handa sa kanila. Marami din maid na sumalubong sa amin at dinala ang aming mga gamit na hindi ko alam kung saan dahil napakaraming kwarto sa bahay nila. Tinawag na kami ng katulong dahil handa na daw ang lamesa at nandoon na din daw ang mga magulang ni Kyle. “Mahal natatakot ako! Kinakabahang wika ko “Nandito lamang ako mahal ko hindi kita pababayaan!” Wika naman ni Kyle sabay na ginagap ang kamay ko Magkahawak kamay kaming dumulog sa hapag kainan. “Mom, Dad ito po si Lalaine ang aking kasintahan!”pagpapakilala ni Kyle Nagmano ako sa dalawa. “Ikinagagalak ko po kayong makilala!”sabi ko naman sa kanila. Matiim akong tiningnan ng Mommy at Daddy ni Kyle. “Maupo na kayo at kumain na tayo!” Sabi ng mommy ni Kyle Kinakabahang naupo ako dahil ramdam ko ang disgusto sa mukha ng magulang ni Kyle. Halos hindi ko malunok ang pagkain na aking kinakain dahil para akong maiiyak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD