Chapter 10
Mahabang katahimikan ang dumaan bago nagsalita ang magulang ni Kyle.
“Anong trabaho ng magulang mo?”tanung ni Tessa na mommy ni Kyle
“Isa pong government health worker ang nanay ko at wala na po akong tatay, patay na po.” Magalang kong wika
Napaismid si Tessa sa narinig niya sa kasintahan ng anak niya.
“Ano naman ang trabaho mo?”tanong naman ng tatay ni Kyle na si Kenneth
“Graduating na po ako sa sunod na taon sa kursong Business Management.”magalang ko ding sagot
“So ang lagay ay ang anak ko lamang ang me hanap buhay?! Tapos gagatasan nyo lamang mag ina ganun ba?!asik ni Tessa sa akin
Nabigla ako sa salita nya, ramdam kung ayaw nila sa akin pero ang marinig ko ang ganoong paratang ay parang namanhid ako.
“Mom! Hindi ganyang klase ang pamilya ni Lalaine!”mariing pahayag ni Kyle
“Anak marami naman dyan na ka uri natin, saka bata pa pala si Lalaine makakahanap pa iyan ng iba!”wika naman ni Kenneth
Napamaang si Kyle sa kanyang narinig sa kanyang mga magulang! Si Lalaine naman ay nangingilid na ang luha.
“Sa una lang yan mababait sa iyo pag sinuhulan mo ng pera agad nila yang susunggaban!”wika pa ni Tessa
Napahampas ng kamay si Kyle sa lamesa sa galit.
“You two are unbelievable!” Napapailing na wika ni Kyle na nagtiim bagang
“Mula ng bata ako hanggang ngayon ay sinusunod ko na ang utos nyo dahil akala ko kapag sinunod ko kayo ay mas bibigyan nyo ako ng oras at pagmamahal, pero umaasa lang pala ako sa wala! Walang mahalaga sa inyo kundi ang negosyo nyo at ang pagpapalawak nito! Nakakalungkot isipin dahil sa bahay nila Lalaine wala silang masamang pinakita sa akin! Tinanggap nila ako bilang anak niya at pamilya, kaya sobrang nahihiya ako sa pinakita nyo sa kanya! Kayo na negosyante at may mataas na pinag aralan! Tara na mahal ko wala tayong lugar sa bahay na ito! Galit na wika ni Kyle
Hinila ako ni Kyle palabas sa dining table at dinala niya ako sa kanilang hardin. Sunod sunod na pumatak ang luha ko dahil hindi ko inaasahan ang mga pangyayaring ito.
“Mahal patawad sa ganitong pangyayare, wala talagang mahalaga sa mga iyan kundi ang negosyo nila!”galit na pahayag ni Kyle
Lalo akong napahagulgol sa sinabi niya kaya agad niya akong niyakap ng mahigpit. Ng medyo nahimasmasan ako ay tinawag ni Kyle ang isang katulong at inutusan na kunin ang maleta ko sa kwarto at ikarga sa kanyang sasakyan.
“Mahal doon tayo mag stay sa aking penthouse para makapahinga ka ng maayos.”sabi pa nito
Napatango na lamang ako sa sinabi nya at inalalalayan niya akong sumakay sa kanyang Rolls Royce,ng matapos madala ang kanyang gamit sa sasakyan ay agad nitong pinasibad ang sasakyan.
Sa kabilang banda nag uusap naman sa loob ng kanilang library sina Kenneth at Tessa.
“Oportunistang babae!”wika ni Tessa sa kanyang asawa
“Hindi ako makakapayag na maikasal ang dalawang iyan! Meron akong plano para sa anak natin dahil ipagkakasundo ko siya sa anak ng aking kapartner sa negosyo.”wika pa ni Kenneth
“Ano ang plano mo?”tanong ni Tessa
“Magpapanggap tayong tanggap na natin sila at napag isip isip natin ang sinabi ng anak natin!”nakangiting sabi ni Kenneth
“Ano?! Ni ayaw ko ngang lumapat ang kanyang balat sa aking balat! Mamaya may dala pa siyang sakit!”wika ni Tessa
“Hon konting panahon lang, kailangan natin kunin ulit ang loob ng ating anak dahil masyadong nagalit sa atin si Kyle!” Mahabang paliwanag ni Kenneth
“Nakakairita yang plano mo pero sige gagawin ko wag lang silang maikasal!” Paismid pang sabi ni Tessa
Maya maya may naisip si Tessa na mas magandang plano.
“Hon naalala mo ba si Olivia? Ang kababata ni Kyle na malaki ang pagkakagusto sa anak natin? Maaari natin gamitin si Olivia para magkasira ang dalawa!” Masayang pahayag ni Tessa
“Magandang idea yan, kapag nahuli ni Lalaine si Kyle at Olivia na nasa maselang sitwasyon ito na mismo ang makikipaghiwalay sa anak natin!” Dagdag din ni Kenneth
Agad namang tinawagan ni Tessa si Olivia at masayang ibinalita na dalawin siya nito sa kanyang bahay upang sila ay magkwentuhang dalawa. Agad din itong pumayag dahil gustong gusto nitong mapalapit sa pamilya ni Kyle dahil gusto ni Olivia na si Kyle ang mapangasawa.
“Sabi ko sa iyo agad na papayag si Olivia!”me pagmamalaki pang sabi ni Tessa
“Si Olivia ang gagamitin natin na pain para magkasira ang dalawa!”dagdag pa nito
Napangiti naman si Kenneth sa kanilang nabuong plano. Samantala nakarating na sa penthouse sina Kyle at Lalaine.
“Mahal magpahinga ka na muna sa kwarto,gigisingin na lamang kita kapag ready na ang pagkain natin.” Sabi ni Kyle
Malungkot akong tumango. Hindi pa din mapatid ang pagtulo ng aking luha, hindi ko alam bakit nangyayare sa akin ang lahat ng ito. Sa pagkakatanda ko simula ng maliit ako wala naman ako inagrabyado na tao kaya hindi ko alam bakit nangyayare sa akin ang mga bagay na ito. Mababait din ang mga magulang ko at walang kaaway saka sobra akong nasasaktan ngayon. Nang mahiga ako sa kama ay nakatulugan ko na ang pag iyak. Namalayan ko na lang na may humahalik sa akin.
“Mmmmnn..mahal..!” Sambit ko habang tinutugon ang halik niya
“Hapon na mahal bumangon ka na muna para makakain tayo, wala ka pang matinong kain mula ng umalis tayo sa Camarines Sur.” Wika nito
“Sige mauna ka na at maghihilamos lang ako!” Sagot ko naman.
Nang lumabas ako ng kwarto ay naabutan kong nag aayos na ng lamesa si Kyle para makakain kami.
“Halika na mahal ko maupo ka na para makakain tayo!” Wika nito
“Binili ko ang paborito mo sinigang na hipon para mainitan tiyan mo.” Masuyong sabi nito
“Salamat mahal ko.”sagot ko naman
“Mahal wag kang mag alala bukas ipapasyal kita maghapon dito sa Manila, para bago ka umuwi at masaya ang alaala natin dalawa.”wika pa nito
“Bakit naman ang dami mong inorder na pagkain eh dalawa lang naman tayo. Baka masayang lang!”sabi ko sa kanya
“Nais ko kasing ipatikim sa iyo ang masasarap na pagkain dito sa Maynila at burahin ang pangit na nangyare kaninang umaga.” Malungkot pang saad nito
“Mahal kahit ganun ang nangyare hindi pa din kita iiwan, mahal na mahal kita! Nasasaktan ako oo! Pero hindi ibig sabihin nun ay iiwanan na kita.” Naluluha ko namang sabi.
“Salamat mahal.” Sabi ni Kyle sabay hawak sa kamay ko
Maya maya pa ay masaya namin pinagsaluhan ang pagkain. Panay lagay ni Kyle sa plato ko kahit na panay pigil ko sa kanya. Tikman ko lang daw kahit kaunti. Si Kyle ang tipo ng lalaki na napalaki ng maayos ng kanyang yaya! Down to earth na tao kahit na sobrang yaman nito. Isa ito sa pinakagusto ko sa kanya. Dalangin ko lang ay sana hindi siya magbago sa akin. Pagkatapos namin kumain ay nanood kami ng pelikula sa kanyang entertainment room! Masaya kaming nagtawanan dahil sabi niya magpaka wild daw kami ngayon. Kaya habang nanonood kami ay nagbabatuhan kami ng popcorn. Pagalingan daw kami maka shoot sa bawat bibig ng isat isa. Tawa ako ng tawa sa pinaggagawa namin dalawa. Para tuloy kaming bumalik sa pagiging bata. Wala din kaming naintindihan sa aming pinanonood na pelikuha dahil panay habulan at batuhan namin ng popcorn. Minsan pa namin nakalimutan ang nangyare kaninang umaga. Maya maya pa ay nag aya na siya na maglinis na daw kami dahil pawisan na kami. Sumang ayon naman agad ako dahil nanlalagkit na din ako at gabi na din.