EPISODE 17

1483 Words
ROSABELLA “Hoy, Annabella, tulungan mo kaya akong ayusin ang kambal! Ano ba ‘yang pinagkakaabalahan mo sa cellphone mo?” tanong ko. Kanina pa kasi nakatutok sa cellphone niya. Day-off kasi ng kapatid ko sa trabaho. “Ate wait lang, okay?” Sinubukan kong silipin ang cellphone niya. Nanlaki ang mata ko nang makita ang lalaking naka-half naked. Napatakip ako nang bibig. “Oh my god! Nanonood ka ng p**n?!” Biro ko sa kapatid. Awang ang labi niyang tumingin sa akin. “Anong p**n ka riyan?! Picture lang ito! Buwisit na lalaki na iyon nag-send ng picture na naka-half naked pa. Loko ng lalaking iyon. Gusto niya raw kasing ipakita ang malalaking niyang dibdib at muscle para raw ganahan ako sa trabaho ko. Siraulo talaga.” Napanguso ang kapatid ko. “Sabihan mo si Andres Napoleon na ‘yan! Diyos ko nakaka-eskandalo ang mga muscle niya. Feeling ko magkakasala ako!” sabi ko. Nakaka-shock naman kasi. Naka-pose pa kasi ang walanghiya! “Ang OA ate, ha? Eskandalo talaga? Well, wala naman kasing ganyan si stupid Leonardo. Ikaw na lang magsabi sa kanya. Ayoko siyang kausapin! Nakakainis siya!” Inirapan ako ng kapatid ko. “Bakit naman ako?! Ayoko nga! Baka pakitaan din ako ng abs at muscle nun. Nakakatakot!” sabi ko. Nagtaas ng isang kilay ang kapatid ko. “Virgin lang, ate? Makatakot ka naman, akala mo hindi pa nachukchak.” Nanlaki ang mata ko sa sinabi ng kapatid ko. “My god, Annabella? Teacher ka ba kung makasabi ka ng chukchak, wagas!” Napahawak ako sa dibdib ko. Ang akala ko ay hindi makabasag pinggan ang bunso namin. Nagkamali ako. Nakakabasag pala talaga siya ng kainosentahan. “Na-wrong send lang si Andres dapat kay Miracle ‘yan, sa akin na-isend. Loko talaga iyon!” Magkatrabaho kasi si Miracle at Annabella sa iisang school. Nakilala namin si Andres nang um-attend kami ng birthday ni Miracle. Kaya magmula noon naging kaibigan na namin siya. “Dadalawin natin si Helena kasama sila sister at pati ang mga ibang bata,” sabi ko. Magmula nang makilala ang mga bata sa bahay ampunan, lalo na si Helena ay wala akong palyang dalawin ang mga bata. “Bakit kasama ako?” Kinurot ko ang beywang ng kapatid ko. “Ouch!” Reklamo niya. “Siyempre naman ikaw ang hahawak dito sa isa. Alangan naman buhatin ko silang pareho, hello?” sabi ko. “Hello ka rin ate, may stroller naman, di ba?” Napatirik ng mata ang kapatid ko. Napilitan naman siyang gawin ang inuutos ko. Siya ang humawak kay Leonard at ako kay Leonel. Napahanga kami sa bahay ng nag-ampon kay Helena. Mayayaman ang nakatira sa village. Malalaki ang mga bahay. Napakasuwerte ni Helena sa kanyang bagong ama. Kasama namin ang mga bata at si sister. Iba ang ngiti ni Helena nang makita niya kami. Napakaganda niya sa suot niyang dress. Nagpalingalinga ako, hindi ko napansin ang bagong ama niya. “Hi, Helena! Na-miss kita!” Binigyan ko siya ng mahigpit na yakap. “Miss na rin kita ate Rosabella.” Napaiyak siya. Hinaplos ko ang likod niya. “Nasaan pala ang Daddy mo?” tanong ko. “Meron po siyang work. Maaga nga po siyang umalis dito sa bahay. Mamaya pa pong gabi ang uwi niya,” sabi niya. “Ganoon ba?” sabi ko. Kinuha ko sa stroller si Leonel habang si Leonard ay hawak ni Annabella. “Tingnan mo ang mga babies ko. Nakalabas na sila sa tummy ko.” Napatitig si Helena sa dalawa kong anak. Malawak siyang ngumiti. “Ang pogi ng mga baby mo ate Rosabella! Parang may kamukha sila?” Napaisip si Helena. Nilaro niya ang dalawa nang hindi na niya maalala ang sasabihin niya. Hindi ko na pinagkaabalahang isipin ang sinabi niya na may kamukha ang kambal. Maghapon kaming naglaro nila Helena at ang iba pang mga bata. Ang kambal ay nakisali rin kahit nasa stroller lang ang dalawa. Nakikitawa ang mga ito Mabuti malawak ang lawn at may playground din. Nakatulog ang kambal dahil sa sobrang pagod nang pauwi na kami. “Ate Rosabella, thank you sa pagdalaw niyo sa akin. Masayang-masaya ako. Mamaya ikukwento ko kay Daddy na dumalaw kayo sa akin at ang kambal.” Masayang sabi nito. Hinagkan ko ang pisngi nito. “Salamat din baby at napasaya mo ang kambal at ang mga bata. Hayaan mo next time dadalaw uli kami para ma-meet namin ang Daddy mo.” Malawak siyang napangiti sa sinabi ko. “Okay po, ate Rosabella.” Pasasalamat niya at saka yumakap sa akin. LEONARDO Gabi na akong nakauwi. Madami akong trabaho sa opisina ko. Nagkaroon ng maliit na problema sa ibang branch ng restaurant namin kaya kailangan kong ayusin. Ayoko sanang pumasok dahil weekend, pero kailangan. May kasama naman ang anak ko dahil nabanggit ni sister na dadalaw sila ngayon. Siguradong nag-enjoy na naman ang anak ko. Pagkapasok ng bahay ay nakita ko si Helena na nanonood ng TV. Mukhang hinintay akong makauwi ng anak ko. “Sweety, bakit gising ka pa? You should be in bed by now,” sabi ko. Hinagkan ko ang kanyang noo nang makalapit sa kanya. Napahikab ang anak ko na mukhang inaantok na. “I just want to say goodnight to you Daddy before I go to sleep,” aniya. Napangiti ako. Napaka-sweet niyang bata. Hindi ako nagkamali na siya ang pinili ko sa ampunan. Nang una ko siyang makita ay magaan na ang loob ko sa kanya. “Mukhang antok na antok ka na. Come on we’re going to your room,” sabi ko at binuhat ko siya. “Alam mo Daddy ang saya ko kasi nag-play kami ng mga friends ko sa ampunan. Tapos nagpunta rito si ate Rosa kasama ang baby niyang kambal.” Nagunot ang noo ko sa sinabi niyang pangalan. Sa hindi malamang dahilan ay kumabog ng mabilis ang puso ko. “Who is Rosa? Nakatira rin ba siya sa bahay ampunan?” Tanong ko. Umiling ang anak ko. “May bahay sila ate Rosa. Dumadalaw sila sa bahay ampunan kapag sabado at saka linggo. Nasa tummy palang ang mga baby niya noong nandoon pa ako. Ngayon nakalabas na sila. Ang pogi nila! Ang name nila si Leonel at si Leonard!” Masayang kuwento niya. “Do you have picture of her?” tanong ko dahil nagkaroon ako ng kuryusidad sa babaeng sinasabi niya. Parang may nag-uudyok sa aking malaman kung sino ba siya. “Nasa ipad ko daddy. Nag-picture kami ng mga kambal at saka siya.” Narating namin ang silid ng anak ko. Inilapag ko siya sa kama. Gumapang siya para abutin ang tablet nito sa ibabaw ng unan. Naupo ako sa tabi niya habang pinapanood ko siyang i-open ang ipad niya. “Daddy ito ang kambal.” Ipinakita niya sa akin ang dalawang batang lalaki. Tumibok ng mabilis ang puso ko nang makita ang picture ng kambal. Ini-slide pa niya ang mga picture. Mga batang kasama niya ang nandoon at si sister. Parang gusto kong mahulog sa kinauupuan ko nang makita ko si Annabella. Palakas nang palakas ang t***k ng puso ko. Si Rosabella ba ang babaeng tinutukoy ni Helena na Rosa? Nahigit ko ang hininga ko nang makita si Rosabella na buhat ang kambal habang nakayakap naman si Helena sa kanila. Nangilid ang luha ko. Kaya nga ba ganoon na lang ang lakas ng t***k ng puso ko nang makita ko ang kambal? Dahil mga anak ko ang mga ito? Kaya ba lumayo si Rosabella dahil nagdadalantao na siya noon? Baka akala niya pakakasalan ko si Chiara noong nagpunta ako ng Italy kaya piniling lumayo. Tumulo ang luha ko. Ang laki kong gago! Paanong hindi ko naisip na baka mabuntis ko siya? Hindi ako gumagamit ng condom tuwing may nangyayari sa amin. Palihim kong pinunasan ang luha ko. “Babalik pa ba sila rito?” Napatingin sa akin si Helena dahil sa tanong ko. “Yes po, Daddy. Sa Saturday pupunta po sila, kasama uli ang kambal.” Napangiti ako. Sisiguraduhin kong hindi na sila makakalayo sa akin. Ang tagal kong hinanap ang kinaroroonan ni Rosabella, kagagawan ito ni Chris. Sinigurado niyang hindi ko ma-tretrace ang kinaroroonan nila. Sa pamamagitan lang pala ni Helena ay makikita ko ang mahal kong si Rosabella. Paghahandaan ko ang araw na iyon. “Ipagluluto natin sila ng mga pagkain. And help me to surprise them.” Tumango ang anak ko. Hinagkan ko ang pisngi niya. “Sleep ka na sweety.” Tumango ang anak ko. Inayos ko ang kumot niya. Nang masiguro kong mahimbing na ang tulog niya ay lumabas na ako ng silid niya. Sobrang saya ng nararamdaman ko dahil sa wakas makikita ko na si Rosabella at kung sakali ay makikita ko rin ang mga anak ko. I am sure na anak ko ang kambal. Paghahandaan ko ang araw na pagkikita namin ni Rosabella at ang mga anak namin. Nasasabik na akong makita sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD