EPISODE 18

1456 Words
LEONARDO Mukha akong tanga na pangitingiti habang nagtatrabaho. Naabutan ako ng mga kaibigan ko na nakangiti na mukhang tanga. “Mukha yatang may nagpapatibok ng puso mo, ah?” Birong sabi ni Delfin. Nagkani- kanyang silang upo sa sofa. Tinitigan nila ako na parang may kakaiba sa mukha ko. “What are you all doing here?” Tanong ko. “We're here to visit you. Na-miss namin ang pag-iyak mo.” Sinamaan ko sila ng tingin nang magtawanan ang mga gago. “Get out of my office if you just here to bully me!” Singhal ko. “Ito naman, hindi na mabiro. Aayain ka lang namin magchikas. Grand opening ng bar nitong si Gavin.” sabi ni Hanz. “Invited ka roon. Dapat kumpleto kayong mga friend ko sa grand opening ng bar ko.” sabi ni Gavin. “I'm not going kung mambabae lang. Lalo pa ngayon alam ko na kung nasaan si Rosabella.” Napatingin silang lahat sa akin. “Really? Paano mo nalaman ang kinaroroonan ni Rosabella?” Tanong ni Fernan. “Nagkataon lang na kilala pala ni Helena si Rosabella. It's not only that I have a twin.” Hindi sila makapaniwala sa sinabi ko. “It's a good news! So may reason tayo para mag-celebrate!” Napabuntonghininga ako. “Ano pa ba magagawa ko?” sabi ko. Kinagabihan ay nagpunta ako sa opening ng bar ni Gavin. The place is nice and cosy. Madaming mga customer. Balak ko lang magtagal ng ilang oras dito. Dahil kailangan kong umuwi rin kaagad baka kasi hanapin ako ng anak ko. Habang sinisimsim ang alak na in-order ko. Napansin ko ang dalawang babae na pumasok sa bar. May kasama silang lalaki na malaki ang katawan. Hindi ako nagkakamali si Annabella iyon. Ibinaba ko agad ang baso ko. Lumipat ako malapit sa kinaroroonan nila Annabella. Para lang akong tsismoso na nakikinig sa usapan nila. “Ano ka ba Annabella, ngayon lang tayo pupunta sa ganitong lugar. Libre naman nitong si Andres.” Napatingin ako sa sinabi nitong Andres. “Bawal nga sa akin ang uminom. Alam niyo namang nagkaroon ako ng sakit sa puso noon,” sabi nito. “Bakit sinabi ko bang uminom ka ng alak? May juice naman sila rito. Manonood lang tayo ng banda rito. Grand opening kasi ng bar na ito kaya madami ang magpe-perform.” “Okay pero wait lang tatawagan ko lang si ate Rosabella. Baka kasi mag-alala sa akin iyon. Nag-promise kasi akong sa bahay niya ako matutulog,” sabi ni Annabella. Pa-simple akong tumayo para sundan si Annabella. Lumabas ito at napahinto sa paglalakad kaya napahinto din ako. Nagkunwari akong may kausap sa cellphone ko. “Ate Rosa, hindi muna ako makakauwi ngayon. Nag-aya kasi si Miracle na magbar. Ate hindi ako iinom, juice lang naman inorder ko. Alam ko naman. Ate naman pauuwiin mo pa ako ng Imus Cavite.” Reklamo ni Annabella sa ate nito. Cavite pala siya nakatira. Dahil sa lalim ng iniisip ko hindi ko namalayang wala na pala si Annabella. Napatingin ako sa relo ko. Kailangan ko ng umuwi. Tnag-message na lang ako kay Fernan para ipaalam na umuwi na ako. Hindi naman ako mag-e-enjoy dahil may anak pa akong iniwan sa bahay. Masaya ako dahil alam ko na kung saang lugar nakatira si Rosabella. Pagkauwi ng bahay ay pinuntahan ko agad ang silid ng anak ko. Nakita kong gising ang anak ko. Nakaupo ito sa kama. Nag-alala ako nang makitang umiiyak. “Sweety, bakit ka umiiyak?” Tanong ko at hinaplos ang buhok nito. “Daddy, iniwan mo raw ako sa dream ko. Sumama ka raw sa isang babae.” Kuwento nito at niyakap niya ako. “Sweety, hindi totoo ang dream mo. Hindi kita iiwan mahal na mahal kita.” kinandong ko siya hinagkan ko ang kanyang noo. “Promise me Daddy, hindi mo ako iiwan kahit may asawa ka na.” “I promise,” sabi ko. Kahit mag-asawa pa ako ay sigurado namang magugustuhan niya ang babaeng magiging asawa ko. ROSABELLA “Hindi kami makakapunta ng kambal sa bahay nila Helena. May lagnat ang dalawa,” sabi ko kay Annabella. “Ako na lang sasama kila sister. Tutal day-off ko naman wala akong gagawin.” Napangiti ako. Kahit busy ay lagi pa ring nagpupunta sa bahay para dumalaw sa kambal. “Salamat Annabella pakisabi na lang kay Helena sa susunod na lang na linggo kami pupunta,” sabi ko. Ayoko naman dalhin doon ang kambal na may sakit. Baka mas lalo lang tumaas ang lagnat nila. Mas okay na rin na rito muna sila. Dalawang araw na kasing may lagnat ang kambal. Naawa nga ako dahil iyak nang iyak kagabi. Gusto ko sanang ipa-checkup ang dalawa, para makasiguradong walang malalang sakit. Uso pa naman ang dengue. Ayokong umabot sa ganoon ang dalawa. Habang nag-aayos ng mga nilabahan kong mga damit ng kambal. Napatigil ako ng umiyak ang isang kambal. Kaya iniwan ko muna ang tinutupi ko. Pumasok ako sa silid namin. Narinig ko ang pag-iyak ng isang kambal. Nakita ko si Leonel ang umiiyak, habang si Leonard ay mahimbing na natutulog. Kinuha ko agad si Leonel upang patahanin. Baka magising si Leonard, mag-iiyak pa siya. Nagulat ako nang mahawakan ang anak ko. Ang init niya. Kanina lang ay maayos naman ang temperatura niya. Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si Annabella. Baka hindi pa nakakalayo yun. “Hello, Annabella, umuwi ka rito! Kailangan kong madala sa ospital si Leonel. Sobrang init niya! Kanina pa iyak nang iyak,” sabi ko. Natataranta na ako dahil hindi na mahinto sa pag-iyak ng anak ko. Naiiyak na rin ako dahil hindi ako sanay na ganito ang anak ko. Ngayon lang sila nagkasakit. “Sige ate buti nandito pa lang ako sa abangan ng Bus. Babalik na ako,” sabi niya. Hinaplos ko ang likod ng anak ko. “Tahan na anak pupunta na tayo sa ospital.” Pagpapakalma ko sa anak ko. Naawa na ako sa hitsura niya. Kanina pa kasi iyak nang iyak. Buti ang isa hindi na mainit, mahimbing na ang tulog niya. “Ate!” Napaangat ako ng tingin. “Ikaw na muna ang magbantay kay Leonard dadalhin ko sa Imus Medical Hospital si Leonel. Mas mabuti nang maaga ko siyang dalhin sa ospital, para makasiguro tayong hindi dengue ang dumapo sa kanya,” sabi ko. Kahit wala pa naman sintomas ng dengue ay ayoko naman na ganito ang anak ko. Nakakaawa ang hitsura niya. Nasasaktan ako sa tuwing umiiyak sila. Kinuha ko ang wallet at kumuha rin ako ng ilang pirasong damit ni Leonel. Para kung sakaling magtagal kami roon ay may maisusuot ang anak ko. “Ako ng bahala kay Leonard. Basta tawagan mo na lang ako kung anong findings sa kanya ate.” Tumango ako. Sumakay na kami sa tricycle na tinawag ko. Buti malapit lang kami sa ospital kaya madali lang sa amin ang makarating doon ng walang traffic. Inasikaso naman kami ng dumating na kami sa hospital. May itinurok sa anak ko kaya nakatulog na ito. Sabi ng Doktor maghintay na lang ako ng result ng laboratory ni Leonel. Titingnan daw ang dugo nito. Pinagdarasal ko na sana ay hindi dengue ang dumapo sa kanya. Diyos ko, hindi ko nga pinapalabas ang mga anak ko ng walang lotion na panglamok. Wala naman lamok sa bahay dahil naka- screen naman kami. Si ate Isabella nga ang nagpalagay nun dahil natatakot siyang magka-dengue ang mga pamangkin. Nahihiya nga ako dahil si kuya Chris ang bumili ng bahay namin. Siya na rin ang nagbigay ng pangnegosyo kong bigasan sa malapit sa village namin. Bibigyan pa sana niya ako ng sasakyan, tinanggihan ko na. Ayokong mag-drive dahil nerbyosa ako. Ilang oras ang pinaghintay ko sa result. Napatayo ako nang makita ang doktor na tumingin kay Leonel. “Dok, kumusta po ang test sa anak ko?” Tanong ko. Ngumiti ang lalaking doktor sa akin. “Don't worry Misis, normal naman lahat ng test ng baby niyo. Natural lang sa bata ang lagnatin kapag nagkakaroon ng ngipin. Namamaga kasi ang gilagid kaya nasasaktan ang bata kaya umiiyak.” Napahinga ako nang maluwag sa sinabi ng doktor. “Salamat po, dok.” Pasasalamat ko sa kanya. “Kapag ganitong nagkakangipin na ang baby dampian mo lang ng malamig ang gilagid nila, para maibasan ang p*******t. Reresetahan kita ng teething gel kung sakaling mag-iiyak ang anak mo, para ma-relax ang gums niya. Kung maayos na ang lagay niya by tomorrow ay puwede na siyang iuwi.” Tumango ako. Pinuntahan ko ang anak ko. Kaya pala palaging gustong magngatngat ang kambal, sa ngipin lang pala nila. Dapat pala tinanong ko si ate Isabella tungkol sa ganitong sitwasyon. First time Mom ako kaya bago lang sa akin ang lahat ng ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD