EPISODE 19

1344 Words
LEONARDO Excited na akong makita ang mga anak ko at si Rosabella. Parang may birthday party ang bahay ko sa dami ng pagkaing pinahanda ko. May palaro din akong inihanda para sa mga bata. “Daddy, sigurado pong magiging happy ang mga kalaro ko nito. Parang birthday ko na ito, a?” sabi ng anak kong si Helena. “Para maging happy sila,” sabi ko. Pasulyap sulyap ako sa labas at baka dumating na ang bisita namin. Inayos ko ang polo shirt ko at pati ang buhok ko. Nagpagupit nga ako para maging maayos ang hitsura ko kapag nakita ako ni Rosabella. Makikita ko na sa wakas ng personal ang mga anak ko. Although hindi pa confirm kung anak ko nga sila, ngunit ramdam kong ako ang ama. Dumating na ang bisita namin, ngunit walang Rosabella akong nakita. Si sister Mercy at mga bata ang kasama niya. Laking dismaya ko dahil pinaghandaan ko pa naman ang araw na ito. “Good morning, sister. Hindi niyo po yata kasama si Rosabella?” tanong ko. “Tinawagan ako ni Annabella na hindi sila makakapunta. Dinala sa ospital ang isang kambal na anak ni Rosabella. May lagnat,” Sa sinabing iyon ni sister ay nabigla ako. Kinabahan ako. Bakit ngayon pa na makikita ko sila ay saka may nangyaring masama sa mga anak ko. “A-Anong pong lagay ng baby?” Nag-aalalang tanong ko. Ngumiti si sister. “Ayos naman na ang kambal. Ayon sa doktor ito ay dala lamang nang pagtubo sa ngipin nila kaya nilagnat.” Nabunutan ako ng tinik sa dibdib sa sinabi ni Sister. “Alam niyo po ba kung saan ospital dinala ang anak ni Rosabella?” tanong ko. Gusto ko silang puntahan. “Sa Imus Medical Hospital. Pagkatapos namin dito ay pupuntahan ko sila,” sabi niya. “Sasama po kami ni Helena.” Napakunot ang noo si sister. “Kilala mo ba si Rosabella?” tanong ni sister. Napalunok ako sa tanong niya. Hindi pa ako handang sabihin na meron kaming nakaraan ni Rosabella. Nahihiya akong malaman nilang niloko at sinaktan ko lang siya. At hindi lang iyon binuntis ko pa. “G-Gusto rin po kasing makita ni Helena si Rosabella.” Pagsisinungaling ko. Ako naman ang may gusto na makita si Rosabella. I really miss her so much. Kailangan kong ihanda ang sarili ko sa pagkikita namin. Pagkatapos ng salo-salo ay hinatid namin sa bahay ampunan ang mga bata bago kami dumiretso ng Imus Cavite. Habang papalapit lalong bumibilis ang t***k ng puso ko. Buti na lamang hindi ako nag-drive dahil kung hindi baka maibangga ko pa dahil sa kaba na nararamdaman ko. Hindi ko alam kung ano’ng sasabihin ko kay Rosabella kapag nagkaharap kaming dalawa. Sasabihin ko ba sa kanya na alam kong may anak kami? Baka itanggi niya ako ang ama. Masakit sa akin kung ganun ang gagawin niya. Bahala na kung ano ang mangyayari. Ang mahalaga makita ko sila. Narating namin ang ospital. Pumasok kami sa loob. Pinagpapawisan na ako ng butil-butil habang papalapit sa kinaroroonan nila Rosabella. Napahawak ako nang mahigpit sa kamay ng anak ko. Napatingala siya sa akin. Napansin siguro ang panginginig ng kamay ko. “Daddy, ayos ka lang?” Inosenteng tanong niya. Nginitian ko ang anak ko at tinanguan bilang na sagot. “Sister kayo na muna ang pumasok sa loob ng silid. Maiiwan po muna ako rito.” Suhestiyon ko nang marating namin ang silid kung saan naka-admit ang anak ni Rosabella. Nakaramdam ako ng kaduwagang magpakita. Hindi pala ako handang harapin ang babaeng sinaktan ko. “Sige kami na lang ni Helena ang papasok. Halika ka na anak.” Aniya sa anak ko at tuluyan nang pumasok sa loob ng silid. Naupo na muna ako sa upuan. Nagbuga ako ng hangin dahil sa nerbiyos ay pinaninikipan ako ng paghinga. Bakit noong hinahanap ko si Rosabella ang tapang kong sabihing kukunin ko siya” Pero bakit ngayon alam kong nasaan na siya ay saka naman ako naduduwag? Napahagod ako ng mukha. Naiinis ako sa sarili ko. Nagpasya akong lumabas muna para magpahangin. Mamaya ko na lang puntahan ang anak ko at si sister. Baka magtagal sila roon. Umupo muna ako sa isang bench na nasa labas. Nagmasid lang ako sa mga dumadaang mga tao papasok ng ospital. Nangunot ang noo ako nang makita ko si Fernan at Delfin na papasok ng ospital. Anong ginagawa ng dalawang stupid dito? Tumayo ako at nagpasyang sundan ang dalawa kong kaibigan. Hindi ako nagpahalata sa kanila kaya hindi nila ako napansin. Napamaang ako nang makita ko silang pumasok sa silid kung saan naka-admit ang anak ko. Anong ibig sabihin nito? May alam sila kung nasaan si Rosabella? Bakit hindi nila pinaalam sa akin na may alam pala sila? Kung ganoon pinagmukha nila akong tanga! They fooled me! Susugurin ko na sana sila nang lumabas ang taong gusto kong makita. Si Rosabella. Ngumiti siya sa dalawa kong kaibigan. Parang gusto kong sugurin ang mga ito at pagbubugbugin. How dare them to hide her! Napakuyom ako ng kamao. Niyakap ni Rosabella ang dalawa kong kaibigan. Naiinis ako dahil kayang yakapin ni Rosabella ang mga kaibigan ko, samantalang ako ay hindi niya kayang yakapin. Asa ka pa Leonardo at baka isang malutong na sampal ang maigawad niya sa akin at hindi isang yakap. Bagsak ang balikat kong tumalikod upang umalis na lamang. “Daddy!” Napaangat ako ng tingin nang tinawag ako ng anak ko. Tumakbo siya palapit sa akin. Yumakap si Helena sa binti ko. Hindi ako nakagalaw nang napatingin sa kinatatayuan ko si Rosabella. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko nang magtama ang aming mga mata. Ang inaasahan ko ay lalapit si Rosabella ngunit nag-walkout si Rosabella. Walang lingon likod siyang tumalikod at pumasok sa loob ng silid. Naiwan akong dismayado. She still hates me. Naiintindihan ko ang galit niya, pero kailangan kong sumugal. Sinundan ko si Rosabella, pero bago ako makapasok ay hinarap ko ang dalawa kong kaibigan. “Hindi pa tayo tapos! Humanda kayong dalawa sa akin.” Galit na sabi ko. Pagkapasok ko sa silid ay nakita kong nakayakap si Rosabella sa anak naming mahimbing na natutulog. Hindi ko alam kung ano nga ba ang sasabihin ko. “Rosabella. . .” Marahas na napasulyap sa akin si Rosabella. Matalim ang tingin na ipinukol niya sa akin. “Kung sa tingin mo ilalahad ko sa iyo ang mga braso ko ay nagkakamali ka. Hindi magbabago ang tingin ko sa iyo Leonardo. Isa kang manloloko at manggagamit! Hindi ako ang tipo ng babae na konting ngiti mo lang at konting papogi ay bibigay na ako. Hindi na ako ang babaeng niloko at pinaglaruan mo noon. Kaya huwag mo ng pag-akasayahan pa ng panahon na maging maayos tayo. Dahil hindi na mangyayari iyon.” Galit na sabi niya. Kita ko sa kanyang mga mata ang galit. Naiintindihan ko siya kung saan nanggagaling ang galit niya sa akin. Sinaktan ko siya ng sobra. Napayuko ako sa hiya. “Naiintindihan ko ang nararamdaman mo. Hindi kita pipilitin na ibigay sa akin ang pagpapatawad. Iginagalang ko ang pasya mo, pero sana bigyan mo akong pagkakataon upang makasama ang mga anak ko. Huwag kang mag-alala hindi ko sila kukunin sa iyo. Ang sa akin lang ay makasama sila ay sapat na. I am so sorry Rosabella kung naging estupido ako noon. Pinagsisihan ko na ang lahat ng mga nagawa ko sa iyong mali.” Kita ko ang gulat sa mukha niya. “Pag-iisipan ko ang sinabi mo.” Akmang hahawakan ko siya nang tabigin niya ang kamay ko. Sinamaan niya ako ng tingin. “Huwag mo akong hahawakan! Sinabi ko naman sa iyo hindi na ako ang Rosabella na tanga at nagpapauto sa iyo Leonardo. Kaya puwede ba tigilan mo na ang pagiging manipulative mo sa akin. Hindi mo na ako makukuha sa mabulaklak mong mga salita. Hindi ako tatalaban nyan kung iyon ang inaakala mo.” Nagbuntonghininga ako. Mukhang mahihirapan akong makuha ang loob ni Rosabella. Tama siya, iba na nga siya. Hindi na sya ang dating Rosabella na sunod- sunuran lang sa kagustuhan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD