EPISODE 20

1251 Words
ROSABELLA Hindi ko akalaing ama ni Helena ay si Leonardo. Napakaliit ng mundo, kahit saan ako magtago, ay magkukrus ang landas namin ni Leonardo. Hindi na ako magpapauto sa kanya. Nadala na ako sa mga ginawa niyang panloloko sa akin. Nangilid ang mga luha ko. Tanga kasi ako noon at mahina. Masyado akong nagpakalunod sa pagmamahal kay Leonardo. Kahit naapakan na ang p********e ko binalewala ko lang. Pero ngayon natuto na ako. Hindi lahat ng pagkakataon kayang magpatawad ng isang tao. May mga bagay na dapat isaalang alang. Kung gusto niyang makasama ang mga anak namin hindi ko pipigilan iyon. Dahil siya naman ang ama. “Ate, ayos ka lang ba?” tanong ni Annabella. Pinahid ko ang luha na pumatak sa pisngi ko. Tumango ako. “Hindi lang ako makapaniwala na si Leonardo ang nakaampon kay Helena. Ayoko na sana magkaroon pa ng ugnayan sa lalaking yun, pero nandito na, eh? Ano pa ba ang magagawa ko? Alam naman na niya na mayroon siyang anak. Buti nga tinanggap niya at hindi naman niya itinanggi. Siya pa nga itong nagpupumilit na makasama ang anak niya,” sabi ko. “Ang kapal nang mukha niya kung itanggi niya pang hindi siya ang ama. Sobra na yun sa ginawa niya s'yo ate,” sabi ng kapatid ko. “Bahala s'ya sa buhay n'ya. Hindi ko s'ya pipigilan kung ano man ang gawin sa buhay n'ya. Basta ako masaya ako nasa akin ang anak ko. Sila ang buhay ko ngayon at wala ng iba.” Magmula noong nagdesisyon akong lumayo. Ipinangako ko sa sarili kong hindi na ako magiging tanga at bulag sa pag-ibig. Sarili ko muna at mga anak ko ang uunahin ko kaysa ang pag-ibig, na wala naman naidulot sa akin kung hind puro pasakit. “Sana ate hindi ka bumigay sa mga mapang-akit n'yang kaguwapuhan at mabulaklak na mga salita. Dahil minsan hindi lahat ng pagkakataon ay puso ang paiiralin natin. Minsan naman gamitin natin ang utak kaya nga sa taas inilagay ito ng diyos. Dahil ito ang dapat nasusunod hindi ang nasa ibaba,” sabi ng kapatid ko. “Opo Nanay, tatandaan ko po ang lahat ng bilin nyo.” Natatawang sabi ko. Inirapan ako ng kapatid ko. “I know you ate Rosa, mahina ka sa tukso,” sabi nito at saka ako tinalikuran. Noon 'yun hindi na ngayon. I've learned my lesson now. Sa kambal ko itutuon ang panahon ko. Although may nanliligaw sa akin. Naging kaibigan ko s'ya, isa syang negosyante. Nagde-deliver siya ng bigas sa palengke. Siya si Amadeo Francisco. Pagkakaalam ko ay may kaya ito sa buhay. Pero kung titingnan mo ay simpleng lalaki. Mabait s'ya at marunong makisama. Ang nagusutuhan ko sa kanya ay hindi s'ya babaero. Na-witness ko kung paano s'ya gumalang sa mga babae, kahit madaming nagkakagusto sa kanya. Hindi nagpapadala sa tukso. Hindi kagaya ni Leonardo na nagpapatukso sa mga babaeng napapalapit dito. Napaangat ako ng tingin nang may naulinigan akong boses na pamilyar. Pinuntahan ko ang sala namin upang tingnan kung tama ngang si Leonardo ang taong dumating. Napahinto ako sa paglalakad. Sumenyas ang kapatid kong si Annabella na aalis muna. Tumango lang ako. “Anong kailangan mo, Leonardo?” Walang emosyon na tanong ko. Napangiti ito ng tipid. Napatingin ako sa kanyang hawak. Isang malaking supot at may nakatatak na toy kingdom. “Good morning, Rosa. Pasensyaka na kung hindi kita na nasabihang dadalaw sa mga anak ko. Isasama ko sana si Helena kaso may lagnat s’ya. Sandali lamang ako rito at uuwi rin. Ibibigay ko lang ito sa mga anak ko,” sabi nito. “Nandoon sa silid at nasa kuna,” sabi ko. Tumalikod na ako upang samahan si Leonardo sa silid ng mga anak ko. Nakaupo ang dalawa habang nilalaro ang mga laruang bigay ni Kuya Chris. Nakakaupo na ang dalawa kaya hinahayaan ko na sila sa kuna nila. Maluwang naman ang kuna na binili pa ni kuya Chris para sa kambal. Walong buwan na ang kambal. “Maiiwan ko muna kayo. May gagawin pa ako sa kusina. Ikaw na muna bahala sa kanila. Sabihan mo na lang ako kapag aalis ka na.” Paalam ko kay Leonardo. Hindi ko na siya sasamahan dito. Hahayaan ko siyang makasama ang anak niya. “Thank you, Rosa.” Nakangiting pasasalamat nito. Tinango ko lang ang ulo ko bilang tugon. LEONARDO “Daddy, pa-kiss na lang ako sa mga brothers ko. Hindi kasi ako pwede may sakit ako, eh? Baka mahawa sila Leonel at Leonard. Kawawa naman sila kapag nahawa ng lagnat mula sa akin,” sabi ng anak kong si Helena. Hinagkan ko ang kanyang noo. Gustuhin ko man na sumama sya ayoko naman na mabinat sya. Although sinabi ng Doctor na maayos na sya. Ayokong magpakampante. She need to rest. “Okay, sweetie, next time sasama ka na sa akin.” Nakangiting sabi ko. Yumakap sa akin si Helena. Sa kabila ng kalungkutan ko, sya ang nagpasaya sa malungkot kong buhay magmula nang mawala si Rosabella. Kaya ibibigay ko sa kanya ang pagmamahal na hindi nito naranasan sa tunay na magulang. “Ano’ng gusto mong pasalubong sweetie?” Tanong ko. Inayos ko ang kanyang buhok na tumakip sa kanyang mata. Napanguso ang bata habang nag-iisip. “I want Mcdo Daddy yung may toy!” sabi nito. “As you wish, sweetie. Yun lang ba?” sabi ko. Tumango ito. Nakarating ako sa Imus Cavite nang hindi na-traffic. Minsan sobrang traffic dito lalo sa bandang Patindig at sa bandang S&R. Madami kasing lumalabas na sasakyan, napakaliit pa naman ang kalasada. Idagdag pa ang madaming crossing sa bawat dadaanan. Open kasi rito ang mag U-turn kaya na-stuck ang mga sasakyan kapag nahirapan umabante ang sasakyang nag U-turn. Nadaanan ko ang Puregold dahil doon ang lilikuan ko papunta sa village kung saan nakatira sila Rosabella. Maganda ang village na ito dahil puro malalaki ang mga bahay dito. Hindi kagaya sa bandang Malagasang ay puro pang masa ang pabahay doon. Afford ng mga pangkaraniwang empleyado. Nakita ko si Annabella na nasa labas ng bahay nang marating ko ang bahay nila. Inaayos nito ang mga halamang nasa harapan ng bahay nila. “Good morning, Annabella.” Bati ko nang makapalit sa kanya. Sumama ang mukha nito. Naiintindihan ko ang reaction n'ya tuwing nakikita ako. May nagawa akong malaking kasalanan sa ate nya. “Anong kailangan mo? Uutuin mo na naman ang ate ko? Puwede ba Leonardo tigilan mo ang plano mo dahil hindi mo na mapapaikot nang ganun lang ang ate ko. Oo minahal ka n'ya noon pero ngayon naka-move on na s’ya.” “Naiintindihan ko ang galit n'yo sa akin. Tatanggapin ko ang lahat ng sasabihin nyo. Pero sana huwag n'yong ipagkait sa aking makasama at makilala ang mga anak ko,” sabi ko. “Kahit naman sagad hanggang impyerno ang galit namin sa iyo. Hindi naman kami tipo ng tao na pati mga batang walang malay ay idadamay namin. Hindi ka namin tatanggalan ng karapatan sa anak mo. Pero huwag mo nang ipilit ang maging kayo ni ate. Tama na yung nasaktan s’ya noon.” Pinakatitigan ako ni Annabella. Napayuko ako. Tama s'ya hindi ko dapat ipilit ang sarili ko kay Rosabella. Sobrang pasakit ang ibinigay ko sa kanya. “Don’t worry para sa mga anak ko kaya ako nandito.” Tanging nasabi ko. Kahit labag sa loob ko ang sinabi ko. Sa totoo, I want to be with my kids and Rosabella. I love her so much. Kahit alam kong huli na para sabihin ko ito sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD