EPISODE 10

1238 Words
LEONARDO Hindi na ako nakapagpaalam kay Rosabella dahil biglaan ang pagsama ko kay Chiara sa Italy. Ewan ko kung ano’ng pumasok sa isip ko at pumayag akong sumama. Dapat next month pa ang balak ko dahil may ime-meet akong investor. Pero ito, nandito ako kasama ang nobya ko. Dapat sana ay masaya akong kasama siya, pero iba ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ako masaya kahit pilitin ko ang sarili ko. Nasa Pilipinas ang isipan ko. I’m thinking about Rosabella. I missed her. Hindi pa naman maganda ang pagkikita namin last time dahil nagtalo kaming dalawa. Ako naman ang mali, dahil parang pinaaasa ko siya sa wala. But I have my obligation to my girlfriend. I grabbed my phone. I’m going to call Rosabella. Baka nasa office na iyon. Napakunot noo ako dahil naka-off ang cellphone niya kaya tinawagan ko ang HR sa company. Halos maibalibag ko ang cellphone sa nalaman ko. Nag-resign na raw si Rosabella effective today. I dialed her number again, pero naka-off ito. Tinawagan ko ang number ni Annabella, and the good thing ay sinagot niya. “Annabella, I want to talk to your sister,” seryoso kong sabi sa kanya. “Wala na rito si ate Rosabella dahil umalis na siya,” sabi niya na ikinabigla ko. “Sinasabi mo lang iyan dahil galit ka sa akin. Please, Annabella, let me talk to Rosabella,” pakiusap ko sa kanya. “Kahit pumunta ka pa rito, Kuya Leonardo, wala na siya. Umalis na nga siya. Please lang, kuya Leo, tigilan mo na ang ate ko.” Napailing ako. No, she can’t get away from me. I ended the call. I need to go back to the Philippines! Tatawagan ko na sana ang agent ko para mag-book ng plane ticket ko nang pumasok sa loob ng suite namin si Chiara. “Babe, Mom and Dad want to see you.” Lumapit ang nobya ko sa akin at yumapos sa beywang ko. Hinagkan ko ang kanyang pisngi. “Oh really? I want to stay here for long, but I can’t. I need to go back to the Philippines.” Napakunot ang noo ng nobya ko. “Why? You told me you are free, that’s why you tag along.” Nagtatanong ang mga tingin niya sa akin. “Something came up with the company. I need to go back and resolve the problem,” pagsisinungaling ko kaya bigla niya akong itinulak. “You’re always like that! Your company is much more important than me!” panunumbat niya sa akin. “Hindi mo ako mahal! Siguro nga kailangan na nating tapusin itong relasyon na ito.” I looked at her with disbelief. It’s so unfair. When I’m with her, I always give her everything she wants, and she heard nothing from me. Tapos ngayon, ayaw niya akong pagbigyan? Break na agad. Minsan ay nakakapuno na siya. Parang ako ang laging nagbibigay sa kanya. Hindi kagaya ni Rosabella, pinagbibigyan niya ako sa lahat ng gusto ko. “Are you sure this is what you want? Dahil lang sa pag-uwi ko ng Pilipinas, break na agad tayo. Fine, so be it! I’m sick and tired of this relationship! I was the one who always willing to give! Ako ba pinagbigyan mo ba ako kahit minsan?” I laughed softly. Her reason was too lame. I felt so bad. She was shocked at what I said. She didn’t expect me to say that. Lalapitan niya sana ako, pero lumayo ako sa kanya. “I am sorry. Nabigla lang ako sa sinabi ko. That’s not what I meant. Babe, forgive me. . .” Aniya. Nagbuntonghininga ako. At dahil sa pagmamahal ko sa kanya, nawalang parang bula ang galit ko. “I am sorry, babe. Okay, I will not going home. Maybe you are right, I need to be with you.” Niyakap ko ang nobya ko, pero parang may kulang pa rin. Isang buwan na ako rito at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin ma-contact si Rosabella kaya nag-aalala ako. Tinawagan ko si Isabella para malaman kung nasaan si Rosabella, pero ayon sa kanya ay nag-abroad daw ang kapatid. Magkaiba sila ng sinabi ni Annabella. Gusto kong sorpresahin ang nobya ko. Dala ko ang pumpon ng bulaklak. It’s our 4th anniversary of being together. Kahit hindi man perpekto ang relasyon namin, nalagpasan namin iyon. Minsan ay long distance ang relasyon namin, naging committed kami sa isa’t isa. Pagkapasok ng condo unit niya ay napansin kong makalat ang sala. Nakarinig ako ng mga ungol sa bandang kusina. Kinabahan ako dahil alam ko kung anong klaseng ungol ang naririnig ko. Napahigpit ang hawak ko sa bulaklak. Naglakad ako patungo sa kitchen area para mapahinto nang may naapakan akong mga damit na nagkalat sa sahig. Tiim-bagang akong napatingin sa dalawang taong magkapatong sa ibabaw ng lamesa. Walang saplot ang lalaki habang gumagalaw sa ibabaw ni Chiara. Nabitiwan ko ang bulaklak. Gusto ko sanang sugurin sila, ngunit hindi ko ginawa. Ayokong ibaba ang sarili ko para lang sa walang kwentang babae. Nakakapagtakang hindi ako nakaramdam ng kahit anong sakit sa puso ko dahil sa nasaksihan ko. Napaurong ako at nagpasyang umalis na lamang. Tumawag ako sa agent ko para magpa-book pauwi ng Pilipinas. Ayoko nang mag-aksaya pa ng oras dito dahil wala ang puso ko rito. Nakaramdam ako ng pagkasabik na makitang muli si Rosabella. Now I know kung sino talaga ang mahal ko. ROSABELLA “May umbok na ang tiyan mo, Rosa. Ilang buwan na iyan?” tanong sa akin ni Ashley. Naging magkaibigan kaming dalawa. Napakabait niya, maging ang asawa nito. Noong una kong nakita si Liam, parang ang sungit ng dating dahil seryoso ang mukha nito. Nakaka-intimidate ang kulay ng mata nito. Kulay asul. Pero mabait naman pala. Ganoon lang talaga ang hilatsa ng mukha nito. “Tatlong buwan,” nakangiti kong sagot. “Na-miss ko ang magbuntis.” Napahagikgik si Ashley dahil marami na itong anak. Lima na kasi ang naging anak nila ni Liam. Hindi ko namamalayang isang buwan na pala ako rito. Kahit paano, naka-adjust na ako sa buhay ko na nag-iisa. Minsan ay nagpupunta si Annabella rito para dalawin ako. Nakokonsensya ako dahil ang alam ni Ate Isabella, nasa ibang bansa ako. Nagkakausap kami sa video call. Gustong gusto ko nang sabihin sa kanya ang totoo, pero nahihiya ako. Ayokong maging pabigat kay Ate Isabella. She is happy now. Ayokong makita uli siyang umiiyak. She suffered too much. Kaya deserves niya ang maging masaya naman ngayon. “Ang dami mo ng anak, na-miss mo pang magbuntis. Mahirap ang magbuntis.” Akala ko, madali lang ang magbuntis, mahirap pala, dahil may pagkakataong iba ang pakiramdam ko. May pagkakataon din na nag-iiba ang mood ko lalo sa pagkain. Mas lalong nagpapahirap sa akin ay ang hindi ko nasisilayan ang taong pinaglilihian ko, kaya kay Delfin ko ginagawa ang gusto kong gawin. Lagi kong pinipisil ang pisngi niya. Minsan naman ay inuutusan ko siyang bumili ng kung ano-ano. “Oo mahirap, pero iba ang pakiramdam kapag nasilayan mo na ang anak mo. Hindi mo aakalaing nakabuo ka ng bata.” Napahagikgik na naman si Ashley. “Basta, malalaman mo kapag lumabas na ang kambal mo. Aba, ako noon, sobrang iyak ko nang makita ko ang twin ko. Tulo ang sipon ko noon.” Natawa ako sa sinabi niyang tulo sipon. Nagulat nga ako dahil sabi ng doktor ay kambal ang anak ko nang magpa-prenatal ako. Hindi na-detect noong unang nagpa-check-up ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD