EPISODE 9

1027 Words
ROSABELLA Inayos ko ang mga gamit ko. Nagpasya akong hindi na pumasok sa Monday. Lalayo na kami ng anak ko. Nakausap ko na ang isang kaibigan ko sa probinsya na tutulong sa akin para ipasok sa pinsan niyang may restaurant. Alam kong maliit lang ang sahod, pero ayos na rin basta makalayo lang dito. “Ate, kung may kailangan ka huwag kang mahihiyang magsabi. Paano pala kapag nagtanong si ate Isabella?” tanong sa akin ni Annabella. Nagbuntonghininga ako. Hindi pa ako handang sabihin kay ate Isang kalagayan ko. “Bahala na. Gagawa na lang ako ng rason sa kanya. Siguro ay sasabihin ko na lang na nag-abroad ako. Para hindi na siya magtanong pa masyado.” “Sure ka? Nakokonsensya ako dahil magsisinungaling tayo kay ate. Kung humingi ka ng tulong kay kuya Chris. Baka matulungan ka niya,” suhestiyon niya. Umiling ako sa suhestiyon niya. “Ayokong gambalain sila. Ito ang solusyon na alam kong tama. Huwag kang mag-alala dahil magiging okay ako roon. Tutulungan naman ako ni Delfin. Pinsan niya ang may-ari ng restaurant na pagtatrabahuan ko.” “Si Delfin, iyong masungit.” Aniya na may disgusto sa mukha niya. “Mabait si Delfin. Seryoso lang siya kaya mukhang masungit. May pinagdadaanan kasi ang tao kaya ganoon.” Pagtatanggol ko sa kaibigan. Napairap si Annabella. “Okay. mag-ingat ka palagi roon. Alagaan mo ang sarili mo at huwag kang ma-stress masyado sa Leo na iyon. Tandaan mo buntis ka pa naman.” Pagpapaalala sa akin ng kapatid ko. Ngumiti ako. Hinaplos ko ang buhok niya. Tumango ako. “Opo, Nanay.” Biro ko. Nagkatawanan kaming dalawa. Niyakap ko siya. Nagpapasalamat ako dahil may kapatid akong maunawain kahit minsan ay hindi ko siya sinusunod sa mga payo niya. Habang nasa biyahe ay hindi ko maiwasang isipin si Leonardo. Ano kaya ang magiging reaksyon niya kung sakaling malamang wala na ako? Hahanapin niya kaya ako o dedma lang siya? Asa ka pa na hahanapin ka ng lalaking iyon. Napatunayan mo nang pinapili mo siya. Hindi ka niya kayang piliin dahil mas mahalaga ang nobya niya kasya sa iyo. Bakit ba ipinagpipilitan ko ang sarili ko sa taong hindi naman kayang suklian ang pagmamahal ko? Napatingin ako sa dinadaanan ng bus na sinakyan ko. Malayo na sa syudad ang tinatahak ng sasakyan. Doon na kami magkikita ni Delfin sa terminal ng bus. Nagpasya akong umidlip muna para makapagpahinga. Mahaba ang biyahe kaya kailangan kong matulog muna. Nagising ako nang mag-anunsyo ang konduktor na nasa terminal na kami. Inayos ko ang sarili ko at sinuklay ang buhok kong magulo. Pagkababa ko ay agad kong hinanap si Delfin. Sabi niya sa text ay nandito na siya. Napangiti ako nang makita ko siyang nakatayo sa hindi kalayuan. Lahat ng babaeng napapadaan ay napatitingin sa kanya. Ang guwapo naman kasi ng kaibigan kong ito. Ewan ko ba kung bakit iniwan siya ng babaeng mahal na mahal niya. “Delfin!” tawag ko sa kanya. Napalingon siya sa akin. Nang makalapit ako ay kinuha niya agad ang bag na dala ko. “Welcome to Batangas! Ayaw mo naman kasi sunduin kita sa Manila. Sana hindi ka nahirapan sa biyahe. Baka naman makasama sa baby mo.” Napangiti ako dahil sa concern niya. Sinabi ko na rin kasi ang kalagayan ko kay Delfin, at alam niya rin na ang ama ng anak ko ay ang kaibigan niya. Naiintindihan naman ni Delfin ang desisyon kong hindi ipaalam kay Leonardo ang sitwasyon ko. Nirerespeto niya ang desisyon ko. “Ano ka ba? Ayos lang kami. Ang sarap nga ng tulog ko sa bus. Salamat dahil kahit kaibigan mo si Leonardo ay hindi mo sinabi ang kalagayan ko.” “Maasahan mong hindi ako makikialam kung ano man ang problema ninyo kahit kaibigan ko pa siya. Basta nandito lang ako, handang tumulong sa iyo.” Dahil sa sinabi niyang iyon hindi ko maiwasang hindi yakapin si Delfin. “Shall we, babe?” Aniya nang magbitiw kami sa pagkakayakap. Napanguso ako sa tawag niya sa akin. Hinampas ko siya sa braso. “Babe ka riyan! Baka mapagkamalan pa tayong magsyota. Ikaw talaga!” Natawa lang sa akin si Delfin. Kalahating oras din ang biniyahe namin. Grabe! Ang lawak naman ng lupain ng pinsan niya. Akala ko ay bahay agad nang pumasok kami sa gate, hindi pala. Ang layo ng driveway nila. “Mayaman pala ang pinsan mo. Hasyenda itong bahay niya,” sabi ko habang pasilip-silip sa bintana ng sasakyan ni Delfin. “Mayaman kasi ang napangasawa ng pinsan ko. Dati sa Canada sila nakatira kaso hindi nakatagal ang pinsan ko roon. Malamig at malayo raw sa mga kaibigan kaya nagpasya na rito na lang sila manirahan. Dito sila sa Batangas nagpasyang magtayo ng bahay nila at ako ang kinuha nilang architect para gawin ang dream house ng pinsan kong si Ashley,” mahabang kuwento niya. Napakaswerte naman ng pinsan niya dahil nakatagpo ng lalaking mamahalin siya nang tapat. Hindi kagaya ko. “Iniisip mo pa rin ba siya?” tanong ni Delfin nang mapansin ang lungkot sa mukha ko habang papunta kami sa mismong bahay ng pinsan niya. “Hindi ko maiwasang malungkot kahit gusto kong huwag siyang isipin. Kailangan kong gawin ang paglayo para sa ikatatahimik naming dalawa. Alam mo namang patay na patay iyon sa nobya niyang malnourished.” Natawa kami sa biro ko. “Hindi ko alam na may ganyang side ka, Rosabella. Ganoon talaga ang pag-ibig, walang nakikita kung hindi nakakaramdaman lang. Gaano pa kapangit o kaganda ang isang tao ay hindi iyon ang pamantayan sa pag-ibig.” Nagbuntonghininga si Delfin. “Sorry, naging malungkot ka na naman. Naalala mo na naman ang babaeng nanakit sa iyo. Hayaan mo, makakalimot ka rin sa kanya.” Tinapik ko ang balikat niya kaya napasulyap siya sa akin. Ngumiti ito ngunit hindi umabot sa mata. Pareho lang kaming bigo sa mga minahal namin. “Sa totoo lang, may kasalanan din naman ako kung bakit ganoon ang ginawa niya. Tama nga na nasa huli ang pagsisisi. Kaya si Leonardo, ngayong lumayo ka na ay saka pa lang niya mare-realized ang worth mo sa kanya. Kagaya ko, malaki rin ang pagsisisi ko,” madamdaming sabi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD