EPISODE 8

1413 Words
LEONARDO Tinawagan ko si Rosabella, ngunit hindi niya sinasagot ang tawag ko. Ibinulsa ko na lang cellphone ko at nagpasyang puntahan na lang siya sa Bulacan. Hindi ko siya naabutan kanina sa opisina dahil lumabas kami ni Chiara para kumain. Hapon na ng makabalik ako sa opisina. Ang akala ko ay kaming dalawa lang ni Chiara, ngunit meron pala siyang kasama. Kaya hindi rin naging maganda ang date namin ng nobya ko. Ayokong maging bastos kahit nabo-bored ako sa usapan nila dahil tungkol sa kanilang girls acitivity. Nahampas ko ang manibela nang makitang traffic papunta ng Bulacan. Tinawagan ko uli ang number ni Rosabella, ngunit naka- off na ito. Naging dalawang oras ang byahe ko instead na isang oras lang dahil sa traffic. Pagkababa ng sasakyan ay dinala ko ang pasalubong kong cake para kay Rosabella at Annabella. Naka-on pa ang buong kabahayan kaya sigurado akong gising pa siya. Tumingin ako sa aking relos. It’s already 9:30 PM. Kumatok ako sa pinto. Ilang katok ay bumukas iyon. Gulat ang rumehistro sa magandang mukha ni Rosabella. Hindi ko na siya hinintay pang papasukin ako, pumasok na ako sa loob ng bahay. Inilapag ko sa center table ang dala kong box ng cake. “Tinatawagan kita sa cellphone mo, pero hindi mo sinasagot,” sabi ko. Umupo ako sa sofa at dumekwatro. Humalukipkip naman si Rosabella nang humarap sa akin. Napatingin ako sa suot niyang silk robe na hanggang tuhod ang haba. “Bakit nandito ka? Umuwi ka na dahil matutulog na ako,” aniya at binalewala ang tanong ko. Malalim akong nagbuntonghininga. “I am asking you,” seryoso kong sabi. “Hindi ko hawak ang cellphone ko kanina. At wala akong balak sagutin ang tawag mo. Pagod ako kaya wala akong oras para sagutin ang tawag mo. Puwede ba umuwi ka na!” Galit na pagtataboy niya sa akin. “Hindi ako uuwi hangga’t hindi ka kasama,” sabi ko. Tiningnan niya ako ng hindi makapaniwala. “You’re so unbelievable, Leonardo. Palaging ikaw na lang ang nasusunod. Ano ba ako sa iyo, Leonardo? Ano ba ang relasyon nating dalawa?” Sa tanong niya sa akin ay napatitig ako kanya. Naumid ang dila ko at hindi ko masagot ang tanong niya. Ano nga ba kami ni Rosabella? Nagtatabi kami sa higaan at may nangyayari sa amin. We kiss many times, pero ano nga ba talaga kami? “See? Hindi mo alam ang sagot. Hindi mo ako tauhan na puwede mo na lang utusan kahit kailan mo gusto. At mas lalong hindi ako laruan na kapag ayaw mo na itatapon mo na lang basta. Pagkatapos kapag wala ang nobya mo ako ang takbuhan mo. Hindi mo inisip kung ano ang mararamdaman ko,” aniya na may hinanakit sa tono ng boses niya. Nakita ko ang pangingilid ng luha niya. Bigla ay nakaramdam ako ng guilt. “Tao ako, Leonardo na nasasaktan. Hindi ako manhid at mas lalong hindi ako tanga. Well, siguro nga tanga ako kasi nagpapauto ako sa iyo. Nakakapagod ka na, Leonardo. Napapagod na ako,” aniya. Ramdam ko ang pait sa bawat binibitiwan niyang salita. Tinalikuran niya ako. Tumayo ako at yumakap sa likuran niya. “I am so sorry, Rosa. Mahalaga ka naman sa akin. Kaya nga ayokong malayo ka sa akin. Kung maari nga lang doon ka tumira sa bahay para lagi kitang nakikita at nakakasama,” sagot ko. Kinalas ni Rosabella ang braso kong nakayakap sa kanya. Humarap siya. “Please, Leonardo umuwi ka na. Gusto ko ng magpahinga.Pagod ako,” pakiusap niya sa akin. Pumasok na siya sa silid. Naiwan akong nakatayo habang nakatingin sa nakasarang pinto. “Kuya Leonardo, pakiusap tigilan mo na ang ate ko. Alam ko kung ano’ng meron sa inyo. Ayokong makialam, pero kung ganitong nakikita kong nasasaktan ang ate ko ay hindi ako mangingiming saktan ka, kahit kaibigan ka pa ni ate Isabella. Please lang umalis ka na!” Pakiusap sa akin ni Annabella. Nagbuntonghininga ako. Wala akong nagawa kundi umalis na lang at bumalik sa Manila na wala si Rosabella. Inaamin kong may kasalanan ako kung bakit nagkakaganito si Rosabella. Ang akala ko ayos lang na ganito kami. Hindi ko alam na nasasaktan ko na pala siya. Pagkauwi ng bahay ay agad akong nagpunta sa mini bar ko at doon uminom ng alak. Gusto kong magpakalasing upang maibsan ang nararamdaman kong kalungkutan. Inalis ko ang necktie ko at itinapon sa lapag. Umupo ako sa sofa at tinungga ang bote ng alak. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit takot akong mawala ang isa sa kanila. Namamangka ba ako sa dalawang ilog? Natawa ako sa sarili ko. Hindi ko alam kung saan ba ako pupunta? Mahal ko silang pareho. Mali itong nararamdaman ko! Isa lang ang dapat kong mahalin at piliin ko. Tinungga kong muli ang bote. Magpapakalasing ako ngayong gabi para makalimot ng panandalian. Napakahirap magdesisyon dahil ayokong mamili sa dalawang taong mahal ko. ROSABELLA Pagkasara ng pinto ng silid ko ay hindi ko napigilang umiyak. Napakamanhid niya. Hindi ba niya alam kung gaano niya ako sinaktan? Ako naman si tanga naging sunod-sunuran sa lahat ng mga gusto niya. Sa totoo lang puwede naman akong magreklamo at pwede akong tumanggi, pero hindi ko ginawa. Hinayaan ko lang si Leonardo na gamitin ako na parang wala akong pakiramdam, na ayos lang ang lahat. Naupo ako sa kama ko. Ilang beses ko bang sinabi sa sarili kong iiwasan ko na siya? Aalis na ako at hindi na magpapakita pa sa kanya, ngunit bakit hanggang ngayon ay hindi ko ginagawa? Inaamin kong mahal na mahal ko si Leonardo na tipong mahirap ko siyang pakawalan. Ganito ba ang pagmamahal handang masaktan kahit nagkadurog-durog na ang puso. Naalimpungatan ako nang may kumakatok sa pinto ng silid ko. Nakatulugan ko na ang pag-iyak kagabi. Ramdam ko ang pamumugto ng mata ko. Siguro hindi na muna ako sasama kila ate Isabella papuntang Tagaytay. Masama rin kasi ang pakiramdam ko kaya hindi ko kayang bumiyahe. Bumangon ako at naglakad patungo sa pinto. Napahawak ako sa tiyan ko nang makaramdam ng pagkirot. Pagkabukas ko nang pinto ay bumungad sa akin ang taong ayaw kong makita. Si Leonardo. Hindi maayos ang hitsura ni Leo. Magulo ang buhok at lukot ang damit niya na kagabi niya pa suot. “Anong ginagawa mo rito?” tanong ko. Nabigla ako nang bigla niya akong yakapin. He cried like a child. We’re here again. Magmamakaawa na naman siya sa akin. Pagkatapos maaawa naman ako, then babalik muli kami sa dati na parang walang nangyari. Nakakasawa na. Ayoko na! “Rosa, please forgive me. Alam kong nasaktan kita. I am so sorry. Hindi ko kayang mawala ka,” pakiusap niya sa akin. Kinalas ko ang braso niyang nakayakap sa beywang ko. Hinawakan ko ang magkabilang braso ni Leonardo at tinitigan ang kanyang mga mata. “Pakiusap Leo, ayoko ng ganito. Meron ka ng nobya. Huwag mo akong paasahin sa wala. Mas lalo mo lang pinalalala ang sitwasyon natin. Mali ito. Ang pagkakamali ko ay hinayaan kong mangyari ito sa atin. N-Nakokonsensya na ako dahil may nasasaktan tayong tao. Iyon ay ang nobya mo. Itigil na natin ang kalokohang ito.” Kahit masakit sa part ko ay kakayanin ko. Kahit may dahilan ako para maging akin siya at manatili sa piling ko ay hindi ko idadahilan iyon para manatili siya sa akin. “Stay with me, Rosa,” pakiusap niya. Hinawakan niya ng mahigpit ang palad ko habang titig na titig sa mga mata ko. “Kung papipiliin kita, pipiliin mo ba ako?” Lakas loob kong tanong sa kanya. Natigilan siya sa sinabi ko. Ilang segundong nakatitig lang kami sa isa’t isa. Binitiwan niya ang mga kamay ko. I knew it. “Ate Rosabella.” Napatingin kami kay Annabella. Lumapit siya sa kinatatayuan namin at saka hinila. Nagkatitigan kami ni Leonardo. Nagkaunawaan kami sa tingin lang. Napayuko si Leonardo. Wala itong nagawa kung hindi umalis na lang. Napayakap ako sa kapatid ko habang umiiyak. Ang sakit dahil hindi niya ako kayang piliin. “Tama na, ate. Mas okay na iyon. Alam mo na ngayon na mas mahalaga ang nobya niya kaysa sa iyo. Ito ang tamang oras para sarili mo naman ang isipin mo. Lalo ngayong may isang dahilan ka upang mag-move forward,” sabi ng kapatid ko. Nagpahid ako ng luha. “Tama ka, Annabella. Hindi dapat sa kanya iinog ang mundo ko.” Hinimas ako ang tiyan ko.” Sa kanya ko na lamang itutuon ang atensyon at pagmamahal ko,” dagdag ko pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD