MARRYING THE BUSINESS TYCOON 05: 14th day of Waiting

2148 Words
MARRYING THE BUSINESS TYCOON 05: 14th day of Waiting Hindi pa man tumutunog ang alarm ay bumangon na ako sa aking kinahihigaan, na sanay na ang aking katawan na gumising ng umaga, at ang alarm? Para lamang siya kung sakaling mapasarap ako sa aking panaginip at hindi magising ng maaga. Pinatay ko ang alarm sa aking cellphone, inayos ang aking sarili at naghanda ng makakain. Iyon naman ang madalas na gawain ko tuwing umaga bago pumasok sa trabaho. Ang mamahal kasi ng bilihin sa labas, ang kanin nila ay kapresyo na ng isang kilong bigas at ang ulam na puro buto lang ang ibinibigay. Ito na lamang din ang naiisipan kong paraan para makatipid at upang malaking halaga na din ang maibigay ko kay mama sa probinsya. Dalawang lingo na din ang lumipas ng araw na malaman ko ang lahat ng kalokohan niya—masakit, oo, pero hindi naman pwede na ikulong ko ang aking sarili sa sakit na aking nararamdaman mas lalo na’t umaasa sa ‘kin ang aking mga magulang at gusto ko din sila bigyan ng magandang buhay kahit papaano. “Anastasia, hindi ka naman siguro excited na excited sa pagpasok araw-araw ‘no?” bungad sa akin ni Apple ng makapasok ito sa loob ng office. Siya lang naman ang nag-iisang kaclose ko dito sa trabaho, may iilan na lumalapit sa akin pero hindi ko din naman gaanong napapansin dahil nakatuon lamang ako sa gawain na ibinibigay sa akin. At si Apple lang ang nakakasundo ko, siguro ay dahil siya lang ang nirerespeto ang paniniwala at kung paano ako mag-isip sa bagay-bagay. Hindi ko din naman hiniling ang magustuhan ng mga tao dito sa loob dahil hindi man nila aminin ay nagplaplastikan lang silang lahat. Kahit nga ang ilang taon ng magkakaibigan dito ay nagkakalimutan pa din dahil sa paninira ng iba at madalas ay ang isa’t-isa. “Wala naman akong ibang kailangan gawin kundi ang magtrabaho lang,” sabay maliit na ngiti sa kanya. Dumiretso naman siya sa kanyang pwesto, agad na kinuha ang salamin sa kanyang bag, at nag-umpisang mag-ayos ng kanyang sarili. Hindi na ‘yon nakakapagtaka dahil para sa kanya ang mga magagandang kagamitan at magandang itsura ang dapat meron sa isang dalaga na kagaya niya na madalas niyang inirarason sa akin. “Sabihin mo kamo ay ginagawa mo lang ‘yan para makalimutan ang unggoy na ‘yon hindi ba?” Nakataas ang kilay niyang tanong bago ibinababa ang salamin, “Hindi na nga kagwapohan, walang pera, at puro kahanginan lang ang alam ay nakuha pang magloko. Mga kalalakihan talaga ngayon malapit na daigin ang ingrone mo sa paa sa kakapalan ng mukha.” Pagkukumpara niya ng ingrone kay Alex. “Hindi naman sa ganon,” sabay ayos ng aking salamin, “Kailangan ko din ng malaking pera sa katapusan, pinapagawa ko kasi ang bahay nila mama kaya naman ay todo tipid din ako.” Paliwanag ko sa kaya. Iyon naman ang plano ko simula una pa lamang na makatungtong ako dito sa syudad. Ang unang goal ko ay ang ayusin ang bahay na pawid na tirahan namin upang sa tuwing bumabagyo at may malakas na hangin ay hindi na kabahan pa sila mama dahil sa possibleng paglipad. Gusto ko sila makatulog ng mapayapa, walang inaalala, at makahinga ng maluwag. “Nagpapagawa ka pala ng bahay pero nakuha mo pang bilhan nakaraan ng relos ang ex-boyfriend mo ‘no?” pagpapaalala nito sa akin, “Mabuti nalag at bago mo maibigay ay relos ay nalaman mo na ang kalokohan, muntik na masayang ang kalahati sa sahod mo kung sakali, at mapupunta lang sa mukhang itlog na katulad ng ex mo.” Mahabang ani nito. “Kanina ay ingrone, ngayon naman ay itlog. Ano ba talaga?” tanong ko sa kanya. Paiba-iba kasi ang kanyang tawag kay Alex. Kahapon ay nagugulat na lamang ako at nagtataka kung sino ang tinatawag niyang ‘baboy’, yon naman pala ay si Alex lang. “Mabuti nga ay hindi ko pa siya tinatawag sa mas masakit na palayaw,” sagot niya sa akin. Napailing na lamang ako sa kanyang sinabi bago inilabas ang relos na binili ko nakaraan, malapit na ang due date upang maibalik ‘to pero hindi ko pa din mapuntahan sa mall dahil pakiramdam ko, pakiramdam ko ay mas maganda ‘tong magiging pakinabang sa hinaharap o mas mabuti na ibigay ko nalang sa probinsya at maging masaya naman sila. “Ibabalik mo na ba ‘yan?” tanong ni Apple, “Samahan na kita kung may balak ka na bumalik ulit sa mall para makapagshooping at mabalikan ko na din ang damit na hindi ko napibili nakaraan.” Paliwanag niya. “Hindi na muna,” sabay iling-iling sa kanya. “Ikaw ang bahala,” kibit balikat niyang ani bago dinampot ang isang papel sa kanyang mesa bago iniabot sa akin. “Oo nga pala, nakalimutan kong ibalik ‘to sa ‘yo. Hindi naman totoo ‘yan at ang pinakamswerte lang sa company natin ang magkakaroon ng chance dyan ‘no.” dagdag pa niya. “Malay mo isa ka sa maswerte na ‘yon,” usal ko pabalik sa kanya bago kinuha ang letter. Isa itong letter—no, para siyang stub na nagkalagay ang number sa gilid. Lahat ng nasa company ay may tyansang manalo ng isang trip to island na pagmamay-ari ng company, ang balibalita ay tanging mga mayayaman na  tao lamang din ang nakakapunta doon, at hindi agad nakakapasok. Pero para mas maging competitive ang lahat ay binigyan nila ng chance ang isang empleyado sa isang taon na makapasok sa islang ‘yon na hindi ko din naman pinangarap na mapuntahan. Bumalik na kaming dalawa ni Apple sa aming mga pwesto, hindi naman siya kalayuan sa aking pwesto pero may pagitan pa din sa aming dalawa. Siya lamang ang nakakaalam patungkol sa aking naging relasyon, siya lang din naman kasi ang willing at nakiki-otsosyo. Wala naman ibang maganda sa ‘kin para pagka-interestsan ng mga chismossa dito sa loob ng office namin. Siguro ay pinandidirian kung paano ako manamit at kumilos. Alam kasi ng lahat na galing ako sa probinsya, nagtataka nga ang mga ‘to na isang katulad ko ang nakapasok sa company namin pero wala na din silang magawa kundi ang tanggapin ako. Pag-open ko ng computer ko ay agad na bumungad sa akin ang isang larawan. Ang larawan namin ni Alex na magkasama na nagpunta sa isang Hanging bridge at ang unang beses na lumabas. “Nakalimutan ko na naman palitan,” mapakla kong usal sa aking sarili bago pekeng ngumiti. Agad na binura ko ang wallpaper na ‘yon, wala naman kasing ibang gumagalaw ng pc ng bawat isa sa amin kaya naman ay pwedeng-pwede namin ‘yon lagyan ng mga wallpaper. Basta ay huwag lamang lagyan ng mga bagay na hindi naman kailangan dahil minsan ay iniinspection din ‘to ng mga head. Malalim akong napabuntong hininga bago nag-umpisang magtipa ng marinig ang bulungan ng mga bagong dating kong mga kasamahan. “Nabalitaan mo na ba ang patungkol sa Ferrer’s Company?” tanong ng isang babae sa kanyang kasama. “Hindi pa, ano ba ang nangyari?” interesado na tanong nito. “Isa daw sa pinagpipiliin ng Ferrer’s company ang ibinibid sa taas, malaki din daw ang possibility na mas maging maayos ang pakikitungo ng company sa isa’t-isa. Alam mo naman ang business, once na nasatisfy sila sa service mo ay uulit-ulit ka nila.” Natatawang sagot ng babae. “Edi mas Malaki pala ang makukuha nating 13th month pay ngayong darating na December?” tanong ng kanyang kasama na medyo na eexcite sa nalaman. “Nakadipende pa din. Ang balita ko ay bubusisiin pa daw ang business plan, mahirap pa naman daw kausapin ang CEO ng company na ‘yon. Marami na daw ang sumubok pero karamihan ay hindi na kinakaya.” May halong panghihinayang nito. “Kung sabagay, akala ko pa naman ay tataas na ang bonus natin ngayong taon na ‘to.” Sagot naman ng isa at iiling-iling na nakakapanghinayang. “Hindi ko alam ang bagay na ‘yon?” nagtataka kong usal sa aking sarili bago itinuon na lamang ang aking atensyon. Mabilis na lumipas ang oras ng trabaho, malapit na magdilim at isa-isa na din na nag-aayos ng kanilang mga sarili ang ibang mga empleyado. Isa na din ako sa nagpatay ng mga computer upang maagang makauwi. “Himala ata?” bungad ni Apple sa akin, “Hindi ka mag-oovertime ngayon. Ano ang nakain mo?” natatawa nitong tanong. “Wala na ‘kong makain kaya kailangan ko ng umuwi.” Sagot ko naman sa kanya bago tumayo na sa aking pwesto. Sa pagtungtong ng alas-sais ng hapon ay halos lahat na kami ay naglabas na, siksikan na din ang laman ng elevator na nagbaba ng mga empleyado. Wala din pagdadalawang isip na sumiksik kaming dalawa ni Apple dito. “Dito na ‘ko, Anastasia! Mag-iingat ka sa pag-uwi!” sigaw nito sa akin habang papalayo na sa akin pwesto. Kumaway lamang ako sa kanya at hinintay na makaalis ang jeep na kanyang sinasakyan. Dahil mas malayo ang kanyang uuwian ay nagmamadali ‘to madalas na umuwi upang makahanap na din ng masasakyan papunta sa kanila. Malalim akong napabuntong hininga bago tumalikod na sa aking pwesto. Ako na naman ang mag-isa ngayon, ito ang ayaw ko sa tuwing matatapos ang oras ng trabaho dahil kahit na sabihin na ilang lingo na ang lumipas ay hindi ko pa din siya makalimutan. Kahit anong sabi at pangungumbinsi ko sa aking sarili ay hindi ko pa din magawa. Na sanay ako na siya ang madalas iniisip, na sa tuwing uuwi ako ay maeexcite dahil magkakaroon na kami ng oras kahit paano para makapag-usap pero wala na ngayon.  Tapos na, tapos na ang matagal na panloloko ko sa aking sarili na walang mali sa relasyon namin dalawa. Patuloy lamang ako sa aking paglalakad, hindi ko namalayan na nakarating na ‘ko sa Baim’s Park. Walang gaanong tao dito, gabi na din at karamihan sa mga bata ay nasa kanikanilang mga bahay na, kung may iilang tao lang din ay mga kasama nila ang kanilang mga kasintahan. “Andito na naman ako,” natatawang usal ko sa aking sarili bago na upo sa swing kung saan ako madalas na nauupo. Ito din ang inupuan namin ng lalaki na hindi sinabi ang kayang pangalan. Napatingin ako sa malayo paligid, wala ng kahit isang ni anino niya ang aking nakita. At mukhang iyon na ang una’t huling araw na magkikita kaming dalawa dahil sa paulit-ulit ko na pagpunta dito ay wala hindi ko na siya nakita pa. Kinuha ko din ang cellphone ko upang kuhaan ng litrato saka ‘yon inilagay sa isang application. Isang application na walang ibang nakakilala sa akin, kung saan ay parang diary ko na din dahil andoon lahat ng aking nararamdaman, doon ko inilalagay ang bawat tumatakbo sa aking isipan. Nang makakuha ng magandang angle ay agad kong iponost ‘yon sa aking account. “14th day” ang ginawa kong caption. Ito na din kasi ang ika-katorseng araw na pabalik-balik ako sa lugar na ‘to. Dahil sa kagustuhan na muli siyang makausap ay para na din akong timang na bumalik-balik dito. Wala naman akong gusto sa kanya pero sa tuwing kausap ko siya ay nararamdaman ko ang sakit na kanyang nararamdaman, naiintindihan niya ang rason ko, at kahit isang beses pa lamang kaming nagkausap ay walang niisang panghuhusga ang lumabas sa kanyang bibig. Gusto ko sabihin sa kanya ang bigat na nararamdaman ng aking dibdib, ang problema ko, ang mga nasa isip ko. Hindi ko masabi, hindi naman ‘to love at first sight dahil hindi naman ako na inlove—impossible din na maging ganon ‘yon sa kanya dahil sa panget kong ito? Kitang-kita ko sa kanyang pananamit na lumaki siya sa syudad, mukha din ‘tong may kaya sa buhay, mabait, at bukod sa lahat ang kanyang itsura na mala-perpekto sa pagkakahubog. Kaya impossible naman na magustuhan niya ang isang katulad kong badoy na manamit. Isa din, baka nakalimutan niya na ‘ko at ako nalang ang nag-iisang umaasa na magkikita kaming dalawa sa parke na ‘to. Katulad ng sinabi niya dati ay isa lamang siyang ‘stranger’ para sa akin at para sa kanya. Naghintay pa ‘ko ng isang oras bago naisipan ang tumayo sa aking kinauupuan. Sa tingin ko ay wala ng pag-asa para makapag-usap kaming dalawa, wala na din pag-asa na maibalik ko ang panyo niya, at makapagpasalamat sa kanya sa pagcomfort sa ‘kin ng araw na ‘yon. Nag-umpisa na ‘ko maglakad papalayo ng isang itim at magandang sasakyan ang nakaagaw sa aking pansin an humaharurot papunta dito sa parke. Nang makalagpas na ‘to sa akin ay hindi ko na muling nilingon, hindi umaasa na siya ang nakasakay sa kotse na ‘yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD