The calm waves are brushing against his shoulder. Bahagya siyang umatras patungo sa mababaw na parte ng dagat. Naramdaman ko ang pagluwag ng hawak niya sa bewang ko kaya naman mabilis ako yumakap sa leeg niya. “H-Huwag!” His smile grew wider. Masama ko siyang tinignan, masaya pa talaga siya na natatakot ako. Sinasamantala niya ang pagkakataon na paglaruan ako nang husto. “Hmm…” tumingala siya na tila ba nag-iisip. Kung wala lang kami sa tubig ay baka kanina ko pa siya nasapak, kung hindi lang naka-depende sa kan’ya ang buhay ko ay malamang nasampal ko na siya. “You’ll do anything?” Mapaglarong tanong niya sa akin. Mabilis akong tumango sa kan’ya. Bahala na, hindi naman niya siguro ako uutusang gumawa ng illegal na bagay. “Deal?” Tanong niya. “Deal.” I nodded. He held my waist tigh

