Kabanata 3

1404 Words
Malakas na sampal at gigil na gigil na sabunot ang ginawad sa akin ng asawa ni Freed. “Trina!” Tila kulog ang tinig ni Freed. “Hayop kayo!” Binitiwan na ako ng asawa ni Freed at ngayon naman ay sumugod kay Freed. Napatingin ako sa mga katapat kong condo at naroroon ang mga kapitbahay ko at mukhang nasisiyahan sa tagpong kanilang nakikita, animo’y nanunuod ng live na palabas. Labis ang hiyang nararamdaman ko, pakiramdam ko’y gusto ko na lamang magpakain sa lupa. Dahil nasa loob naman na ang asawa ni Freed at pinagsasasampal siya nito ay sinara ko agad ang pintuan upang hindi na masaksihan ng iba ang kahihiyang kinakaharap ko. Natigil ang asawa ni Freed sa ginagawa nito nang mapansin niya na sinara ko ang pinto. “Nahihiya ka?” Tanong nito bago nagmartsa papalapit sa akin at bubuksan sana nito ang pinto pero mabilis akong humarang doon. “Tama na po…” umiiyak na pakiusap ko. “Tama na? Ha!” Hindi makapaniwalang ulit niya sa sinabi ko. Kung sana ay panaginip lang lahat ng nangyayari ngayon. Ang masaya sanang araw ko ay napalitan ng araw na hindi ko ninais. “Ang kapal ng mukha mong makiusap sa akin na tama na. Sana naisip mo na may asawang tao ang nilalandi mo!” Nagwawala siya at pilit akong inaabot para lang masaktan pero yakap-yakap siya ni Freed mula sa likod niya. “Trina, stop it!” galit na sambit ni Freed. Natigil sa pagwawala ang asawa ni Freed na si Trina at pilit na hinarap ang asawa. “Stop it?” mapanuyang tanong nito at mariing tinitigan si Freed. “Stop it?! Noong sinabi ko ba sa’yo na tigilan mo na ang kabit mo, nakinig ka ba? Hindi ‘di’ba?! Kaya bakit ako titigil?” Galit na galit nitong sigaw kay Freed. Wala akong magawa kundi panoorin silang nag-aaway sa harapan ko. Hindi ko kayang ipagtanggol manlang ang sarili ko dahil alam ko naman na mali talaga ako. Una pa lang ay mali na talaga ako, walang kahit anong dahilan ang pwede kong sabihin para lang maitama ito. Kailan man ay hindi magiging tama ang pakikiapid sa taong may asawa na. “Trina…” Tila nagmamakaawa na ang tinig ni Freed parang bang ano mang oras ay mapapatid na ang pasensya nito sa kan’yang asawa. “Wow! Freed, nahuli ko kayo ng kabit mo pero bakit parang ako pa ang masama rito?” Di makapaniwalang tanong ni Trina. “Ako ang asawa pero kung makaasta ‘yang kabit mo e parang anghel na inaapi ko! Pinagtatanggol mo pa!” “S-Sorry…” nanginginig ang boses ko. “Sorry?! May mababago ba ‘yang sorry mo? Mabubuo ba n’yan ang pamilyang sinira mo?” Galit na tanong niya sa akin. Alam ko namang wala nang mababago kahit pa magsorry ako pero kahit na ganoon ay deserve niya pa rin ang paghingi ko ng tawad kahit na alam kong hindi ko naman deserve ang patawarin niya o kahit na ang pakinggan manlang ang kahit na anong sasabihin ko. Umalis ang asawa ni Freed na galit na galit sa akin, sinundan naman siya ni Freed. Nanginginig man ay nagawa ko pa ring I-text si Sanya. We’re not safe here anymore, hindi ko na kakayanin pang makiharap sa aming mga kapitbahay at kahit na ang lumabas lang sa pinto ng condo ay parang ikamamatay ko na sa sobrang hiya. “Ate!” Tarantang tawag sa akin ni Sanya pagkarating niya pa lang sa condo. Abala ako sa pag-iimpake ng mga gamit naming magkapatid. “Anong nangyari?” Nag-aalalang tanong niya sa akin nang makalapit na siya sa kinaroroonan ko. “K-Kailangan na nating umalis…” “Papaano kayo nahuli? At saan naman tayo pupunta ate?” Naguguluhang tanong ng kapatid ko. Hindi ko siya masagot, dahil kahit ako ay hindi ko naman alam kung saan ba kami maaaring magtungo. Ang hirap ng walang kaanak, wala kang matatakbuhan sa oras ng pangangailangan. Pero wala akong karapatang maging mahina, kailangan kong tatagan ang loob para sa kapatid ko. Kakayanin namin ito! Ngumiti ako kay Sanya at hinaplos ang pisngi ng kapatid ko. “Ako nang bahala, hmm? Maghanda ka na ng mga gamit na kailangan natin,” nakangiting sambit ko. Hindi na nagreklamo pa o nagtanong ang kapatid ko at nagsimula na lamang mag-impake ng mga gamit na kailangan namin. Mga importanting papeles at mga damit lang. Hindi na kami nagbitbit pa ng mga bagay na hindi naman importanti. Nang lumabas kami sa condo ay may ilan pang mga taong nakasilip doon na tila ba inaasahan na nila na aalis kami o baka naman naghihintay pa ng mga kaganapan na gusto nilang saksihan. Hindi ko naman sila mapipigilan sa kanilang pagiging kuryoso at lalong hindi ko naman magagawang magalit sa kanila. Ang sabi nila sa panahon ngayon kung sino pa ang kabit siya pa ang matapang pero ako? Hindi ko kayang maging matapang dahil alam ko naman sa sarili ko na ako ang mali, wala akong karapatang maging matapang. Sumakay kami ng kapatid ko sa isang barko at hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa isang isla. Isla malayo sa mga taong posibling makakilala sa aki, malayo sa mga taong maaaring husgahan ang aking pagkatao. “Ate, saan tayo tutuloy?” Tanong sa akin ni Sanya. Naglalakad kami ngayon patungo sa grupo ng mga traysikel driver. Hindi ko rin alam dahil hindi naman ako pamilyar sa lugar na ito. Hindi ko na inisip ang mapupuntahan naming lugar ng kapatid ko, hindi ko manlang napaghandaan ang mga bagay na tulad ng tutuluyan namin. Tinignan ko ang cellphone ko at napabuntong hininga na lang nang makitang walang signal sa lugar na ito. “Magtatanong na lang tayo,” sagot ko sa kan’ya bago siya hinawakan sa kamay. Hawak ko siya gamit ang aking kaliwang kamay habang ang kanan naman ay hila-hila ang aking maleta na hindi kalakihan. Nang makalapit na kami sa terminal ng mga traysikel ay agad na may lalaking lumapit sa amin. “Saan kayo ate ganda?” Tanong nito. “May malapit po bang hotel dito kuya?” Tanong ko sa lalaking lumapit sa amin. “Naku! Wala, pero may mga paupahang bahay,” sagot nito sa akin. Tumango ako, mas mabuti na nga iyon at pweding pangmatagalan naming titirahan. “Sige kuya, pahatid na lang kung saan may paupahan,” sagot ko. Sumakay kaming magkapatid sa loob ng traysikel. Mahaba-haba ring byahe ang nilakbay namin sakay ng traysikel tantya ko ay umabot iyon ng isang oras. Tumigil ang driver sa tapat ng mga bahay at may ilan ring mga building na sa tingin ko nga ay paupahan base sa itsura ng mga ito. Nang bumaba ang driver ay bumaba na rin kaming magkapatid. “Aleng Nena!” Sigaw ng driver sa tapat ng isang hindi kalakihang bahay. Mula roon ay lumabas ang isang babae na sa tingin ko ay lampas nang singkwenta ang edad. “Oh, bakit Raul?” Tanong ng matanda. “Naghahanap ng paupahan itong mga sakay ko,” sagot naman ng driver at senenyasan kaming lumapit. Agad naman kaming tumalima. “Magandang hapon po,” bati ko sa ginang. “Aba’y ka-gandang bata!” sambit nito na s’yang nakapagpapula ng pisngi ko. “S-Salamat po…” nahihiyang sambit ko. “Tamang-tama, may bakanti akong isang bahay kung gusto mo ay doon ko kayo patutuluyin,” sambit ni Aling Nena. Mabilis akong tumango, bahala na kahit hindi ko pa man naitatanong kung magkano ay pumayag na ako. Gabi na at alam kong pagod na si Sanya, hindi ko na hahayaang maghanap pa kami ng iba gayong kailangan nang magpahinga ng kapatid ko. Nagpasalamat at nagbayad ako sa driver, matapos iyon ay sinamahan na kami ni Aling Nena sa bahay na tinutukoy niya. Hindi ganoon kalaki at hindi rin naman sobrang liit sa palagay ko ay tamang-tama lang para sa aming magkapatid. May dalawang kwarto, may kusina at sala. Sapat na iyon sa aming dalawa kahit na iisa lang ang banyo. “Ayos na ba ito sa inyo?” Tanong ng ginang. Mabilis akong tumango. “Magkano po?” Tanong ko. “Limang libo lamang buwan-buwan, bukod ang kuryente at tubig,” sagot nito. Tumango ako at agad na nagbayad. Sanay maging maayos na kaming magkapatid dito. Magsisimula kami ng bago, malayo sa mga taong posibling husgahan ang aking pagkatao. Napatingin ako sa cellphone ko nang magsimula itong tumunog. Si Freed…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD