Hindi ko sinagot ang tawag ni Freed, nagsisimula na kami ni Sanya ng bagong buhay. Kung gusto kong makapagsimula muli kami kailangan ko nang putulin lahat ng komunikasyon namin. I sent him a message thanking him. Labis ang pasasalamat ko sa kan’ya kung hindi dahil sa kan’ya ay baka tuluyan nang nasira ang buhay namin ng kapatid ko.
“Ayaw mo bang kausapin si Kuya Freed?” Tanong ni Sanya sa akin nang makita niyang hindi ko sinagot ang tawag ni Freed.
Umiling ako. “Hindi na, kailangan na nating kalimutan ang nakaraan natin. We have to live a new life.”
Bumuntong hininga ang kapatid ko bago tumango. I have to move forward and forget about my past. Alam kong nakuha rin ni Freed ang puso ko, hindi man ganoon kabuo pero alam ko sa sarili ko na may parte talaga ng puso ko na nakuha ni Freed.
Kinabukasan ay nagpasya ako na mamili ng ilang mga gamit na kakailanganin namin.
“Ayos na ba ‘to, Ate?”
Napalingon ako kay Sanya ng magtanong ito. She’s wearing a crop top and a high waist short. Tumango lang ako at hindi naman nagreklamo, hindi ko siya pinagbabawalan sa kan’yang mga sinusuot. Isa pa ay magkasama naman kami, hindi ko naman hahayaan na may mangbabastos sa kan’ya.
Naghintay lang kami ng masasakyan at nang may dumating ay agad kaming nagpahatid sa pinakamalapit na supermarket.
Naglalagay ako sa cart ng mga pangunahin naming pangangailangan sa bahay samantalang ang kapatid ko naman ay panay ang lagay ng mga bagay na hindi naman kailangang tulad ng mga chocolates at tsitsirya.
“Sanya!” Saway ko sa kan’ya nang maglagay na naman ito ng isang malaking tsokolate.
Ngumuso ito sa pananaway ko at nag-puppy-eyes pa. Napabuntong hininga na lamang ako, hindi ko naman talaga siya matitiis kahit na napakapasaway minsan ng aking kapatid.
“Last na ‘yan ha?” Paalala ko sa kan’ya kahit na alam ko naman sa sarili ko na kung sakaling hihirit pa ito ay hindi ko naman matatanggihan.
“Yey! Last na ‘yan, promise!”
Natatawa akong nagpatuloy sa pamimili ng mga kailangan namin. Napaka-cute ng kapatid ko at napakapasaway din. Nawala na naman siya sa paningin ko, baka kung ano-ano na naman ang mga bagay na dala no’n pagbalik sa akin. Habang hinahanap ko kung saan nakalagay ang tissue ay may bumangga sa aking cart. Napatingin ako sa lalaking bumangga, hindi manlang siya nagsorry at nagpatuloy lang sa kan’yang pamimili.
“Tss, ‘di manlang nag-sorry,” bulong ko at nagpatuloy na sa paghahanap ng tissue.
“What did you say?” Masungit na tanong nito.
Lumingon ako sa likuran ko dahil baka hindi naman ako ang kinakausap niya. Wala namang ibang tao kaya malamang ay ako nga ang kinakausap niya. Siya pa ang may ganang magsungit siya na nga itong may kasalanan.
Tinitigan ko siya habang pinagtataasan ng kilay. Ang buhok niya ay itim na medyo kulot, kayumanggi ang balat, matangkad na siguro ay isang basketball player, ang kulay puti niyang plain na damit ay hapit sa makisig niyang katawan. Umikot ang mata ko nang maisip kong tila pinupuri ko na siya sa aking kaisipan. Oo nga’t guwapo siya, masama naman ang ugali!
“Huh! And you rolled your eyes on me.” Hindi makapaniwalang sambit niya.
Lalong kumunot ang noo ko, ang yabang naman ng isang ito, akala mo naman ay sobrang guwapo, sakto lang naman!
Hindi ko na siya pinansin at nilampasam ko na lang.
“Unhealthy shopper,” bulong niya nang pagdaan ko sa sa tapat niya.
Sinamaan ko siya ng tingin habang ang mga mata naman niya ay nakatuon sa laman ng cart ko na mga nilagay kanina ni Sanya.
Hindi ko na lang siya pinatulan, ano bang pakialam niya sa mga bibilhin ko? Hindi naman siya magbabayad. Unang araw ko pa lang sa lugar na ito ay may hindi na ako nakasundo. Hayy! Hindi naman ako usually masungit ewan ko lang sa lalaking iyon, nakakainit ng ulo.
Sa wakas ay nakita ko rin ang lagayan ng mga tissue, ang problema ay napakataas nito. Ano ba naman ‘yan, dapat alam nilang madalas ay mga babae ang bumibili ng mga tissue dapat nasa ibaba lang iyon.
Sinubukan kong tumingkayad para abutin pero sadyang hindi ko abot. May isang kamay ang umabot sa isang balot na tissue at akmang iaabot iyon sa akin pero nang tatanggapin ko na ay mabilis iyong iniwas.
Inis akong napalingon at kung mamalasin ka nga naman iyong lalaki pala kanina.
“Want this?” Tanong niya habang tinataas ang tissue.
Matalim ko siyang tinignan, ang sama ng ugali niya. Palibhasa ay matangkad siya! Nakakainis at nagagawa niya pang mang-asar.
“No thank you,” inis na sagot ko.
“Ohh… then get one for yourself,” he paused and scan me from head to foot, “shorty…” mapang-asar na dagdag niya.
Mabilis na umakyat ang dugo ko patungo sa aking pisngi. Siguradong namumula na ako ngayon ngunit hindi sa hiya kundi sa galit. Bago ko pa man siya masigawan ay mabilis na siyang umalis sa harapan ko at humahalakhak pa. Bwesit!
Mabuti na lang at may dumaan na staff na matangkad, nakiusap na lang ako na ikuha ako ng isang balot na tissue. Nagngingit-ngit ako nang lumapit sa akin si Sanya.
“Okay ka lang, Ate?” Nakakunot ang noo niyang tanong sa akin.
Napasimangot na lang ako sa kapatid ko. Hindi ako okay ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong inis, madalas ay kalmado naman ako pero sa lalaking iyon? Para siyang apoy na pinaiinit at pinapakulo ang ulo ko.
Matapos naming mamili ng kapatid ko ay nag-take-out na lang kami ng pagkain dahil tanghali na, hindi na ako makakapagluto isa pa ay kanina pa nagrereklamo ang sikmura ng kapatid ko.
“Badtrip ka, Ate?”
Pilit akong ngumiti sa kapatid ko at umiling. That arrogant guy is not worth my time, hindi ko dapat siya pag-aksayahan ng oras sa pagsimangot.
“We? ‘Di nga? Ngayon lang kita nakitang sumimangot nang gano’n, ngayon lang din kita nakitang kumunot ang noo na akala mo ay matandang dalaga sa sungit!” Paliwanag niya bago humalakhak.
Napailing na lang ako sa sinabi ng kapatid ko, mukhang pinagti-tripan niya ako.
Matapos naming kumain ay si Sanya na ang naghugas ng aming mga pinagkainan, ako naman ay inayos ang mga pinamili namin. Nilagay ko sa mga lagayan ang mga ito nasa ganoong gawain kami nang marinig namin ang tinig ni Aling Nena na kumakatok sa aming pintuan.
“Arlene! Sanya!”
Nagmamadali kaming magkapatid na nagtungo sa pinto at binuksan ito.
Nakangiti akong bumungad sa ginang, ngunit ang ngiting iyon ay mabilis na napawi dahil sa nakita.
“Ikaw?!” Sabay na sambit namin ng lalaking kinaiinisan ko.
“Magkakilala kayo?” Sabay na tanong naman ng kapatid ko at ni Aling Nena.
Mabilis akong umiling para sabihing hindi, ganoon din naman ang ginawa ng bwesit na lalaki.
“Si Sanjoe, mga ineng kapitbahay n’yo,” sambit ni Aling Nena.
Kapitbahay ko pa ang bwesit na’to?!