“Kilala mo ‘yon, Ate?” Tanong sa akin ng kapatid ko matapos umalis ni Aling Nena at ng bwesit na lalaking ‘yon.
“No,” sagot ko sa kan’ya at pinagpatuloy ang naabala kong ginagawa kanina.
“Weh? E bakit parang magkakilala kayo?” Hindi naniniwalang sambit niya.
Alam ko naman na hindi niya ako titigilan kaya naman wala na akong nagawa kundi I-kwento sa kapatid ko ang nangyari sa supermarket.
“E? Sayang ang guwapo pa naman Ate, bagay sana kayo. Pero masama naman pala ang ugali, hindi gentleman!”
Tumango-tango ako bilang pagsang-ayon sa kan’ya.
Naging maayos naman ang mga unang araw namin sa isla, hindi ko pa nga lang naitatanong kay Aling Nena kung anong pangalan ng lugar na ito. Sa susunod na pasukan ay dito ko na lang din i-eenroll ang kapatid ko. Kailangan ko ring humanap ng trabaho dahil kahit na malaki naman ang ipon ko ay dadating ang oras na mauubos iyon kung hindi ako magtatrabaho. Isa pa ay kailangan ko ring paghandaan ang pagkokolehiyo ng aking kapatid, dapat ay marami akong ipon para sa ganoon ay makuha niya ang kursong gusto niya.
“Ate!”
Bahagya akong nagulat sa sigaw ni Sanya mula sa likuran ko. Nasa likod ako ng bahay at naglalaba nang ilang damit namin.
“Ano? Nakakagulat ka naman,” saway ko sa kan’ya.
“Sorry,” sambit niya bago nag-peace sign sa akin.
Napailing na lang ako at pinagpatuloy ang aking paglalaba.
“May picnic daw tayo mamaya,” masayang sambit niya.
“Ha?” Hindi ko naiintindihan ang sinasabi niya. Wala naman kaming plano at isa pa ay hindi pa kami ganoon ka-pamilyar sa lugar na ito.
“Birthday ng asawa ni Aling Nena, invited lahat ng umuupa!” Masayang sambit ng kapatid ko at nagtatalon-talon pa.
Napangiti naman ako, mukhang nasasanay na rito ang kapatid ko. Mabuti naman at hindi na namin kailangang maglipat-lipat ng lugar kung saan siya magiging komportable.
Matapos kong maglaba at magsampay ay tinulungan ko ang kapatid ko sa paghahanda ng mga dadalhin namin.
“Excited na ako!”
Kumunot ang noo ko nang sabihin iyon ng kapatid ko. Wala pa naman siyang mga kaibigan dito, kaya nakakapagtaka na excited siya.
“Why are you so excited?” Hindi ko maiwasang tanong sa kan’ya.
“First time natin ‘to, never pa tayo nagpunta sa beach,” sagot niya sa akin.
Napatitig ako sa kapatid ko. Oo nga at madalas kong iniisip ang kinabukasan niya, gusto kong magkaroon siya nang magandang kinabukasan. Napabayaan ko na ba ang kasalukuyan niya? Pakiramdam ko ay naging abala ako para sa future niya kaya napabayaan ko na ang maliliit na bagay. Madalas ang kasama niya ay mga kaibigan niya noon sa siyudad, hindi ko manlang siya nagawang maipasyal sa dagat.
“Mag-enjoy ka mamaya,” nakangiting sambit ko sa kan’ya.
Hindi ko namalayan na natagalan pala kaming magkapatid sa paghahanda ng aming mga dadalhin kahit na mga pamalit na damit lamang naman iyon. Nang lumabas kami ng bahay na inuupahan namin ay nasa labas na ang lahat ng mga kasama at mga nakasakay na sa jeep na mukhang inarkila ni Aling Nena.
Lumapit na kami sa kanila at nang akmang sasakay na kaming magkapatid ay napansin naming puno na pala ang jeep.
“Arlene, sa sasakyan na lang kayo ni Sanjoe sumabay at puno na ang dyip,” sambit ni Aling Nena.
Napalingon ako sa likuran at nakita ang sasakyan ni Sanjoe habang nakahilig doon ang lalaki. Hilaw akong napangiti habang ngising aso naman si Sanjoe.
“Hala sige na,” sambit ni Aling Nena bago nagmamadaling pumunta sa harapan ng jeep at sumakay.
Nang makaalis na ang jeep ay parang gusto ko nang ‘wag na lang sumama ngunit hindi ko gustong mabura ang mga ngiti ng kapatid ko. Kaya kahit na labag man sa loob ko ay naglakad na ako papalapit sa kotse ni Sanjoe.
“D’yan ka na Ate sa unahan ako na sa likod,” presenta ni Sanya at nauna na siyang sumakay.
Nagkatinginan pa kaming dalawa ni Sanjoe, kinindatan niya pa ako bago sumakay sa kan’yang sasakyan. Inis naman akong sumakay na lang kahit na sobrang labag sa loob ko na magkatabi kami.
Noong una ay tahimik lang kami sa byahe pero hindi pa nagtatagal ay nag-ingay na ang kapatid ko. Panay ang tanong niya kay Sanjoe ng kung anu-ano.
“Single ka, Kuya Sanjoe?” Tanong ni Sanya.
“Sanya…” pagsaway ko sa kapatid ko.
“Yes,” tumatawang sagot ni Sanjoe sa kapatid ko, tila ba hindi ito naiinis sa mga personal na tanong nito.
“Let her ask me,” sambit ni Sanjoe para sa akin.
Hindi na lang ako nagsalita at hinayaan sila. Nakasilip ako sa labas ng bintana at pinagmasdan na lang ang magagandang tanawin na aming nadaraanan. Nakakatuwang kahit na isla at tawid dagat ang lugar na ito ay malaking lugar din talaga. Marami rin ang naninirahan may mga eskuwelahan din bagay na kinakatuwa ko dahil hindi na kailangan pang umalis ni Sanya rito para lang makapag-aral.
Hindi ko lang alam kung may mga trabaho ba akong mahahanap dito. Pero siguro kahit sa mga supermarket dito ay matatanggap naman ako lalo na’t tapos na ako ng kolehiyo.
“Virgin ka pa, Kuya?”
Halos masamid ako sa sarli kong laway nang itanong iyon ng kapatid ko kay Sanjoe.
“Sanya!” Bahagyang tumaas ang boses ko sa pagsaway sa kan’ya.
“We’re not in the city anymore. You can’t casually asked someone, a question like that,” pangaral ko sa kan’ya.
I know how conservative people in a province specially here in an island.
Nanlalaki pa ang mata ko nang isang malakas na halakhak ang pinakawalan ni Sanjoe. Matalim ko siyang tinignan, hindi porke mukhang ayos lang sa kan’ya na tanungin siya nang ganoon ay hahayaan niya na lang ang kapatid ko.
“Chill, it’s a harmless question,” sambit niya habang kinakalma ang sarili mula sa matinding pagtawa.
“A what?” Hindi makapaniwalang tanong ko sa kan’ya.
“Arlene, come on…”
Bahagya akong natigilan nang tawagin niya ako sa pangalan ko. Hindi ko alam pero parang pamilyar ang pagtawag niya sa pangalan ko… parang may kapareho.
“Calm down, lady. Your sister is just curious, since I’m already 25 and not yet married ofcoarse she’ll be curious if I already had an experience,” kalmadong paliwanag niya.
“So you are saying that her questions are normal? You’re normalizing this kind of conversation?” Galit na tanong ko sa kan’ya.
Pakiramdam ko ay tumataas ang dugo ko sa pag-uusap naming dalawa.
“It’s not--
Hindi pa siya natatapos magsalita ay sinamaan ko na siya ng tingin para magdalawang isip siya sa anumang sasabihin niya.