VI.

2676 Words
VI. Agos. "KIEL! KANINA pa kita tinatawag sa labas ng bahay, hindi ka man lang umiimik nandito ka lang naman pala sa ibaba! Ano, bingi ka na ngayon? Ang lalim-lalim ng iniisip mo riyan, e ako 'tong may mas malaking pinoproblema dahil sa tuition fee mo!" Mula sa malalim na pag-iisip ay natigilan si Kiel at nabalik sa kasalukuyan. Nakaupo siya ngayon sa harap ng kahoy na hapag sa kanilang bahay, kanina pa sinusubukang tapusin ang inaaral pero masyadong okupado ang isipan. Bagot na nilingon niya ang ina na kakapasok lang ng bahay, bitbit ang ilang supot na nahalata niyang may laman na pagkain. "Ano na naman ba 'yun? Hindi ko narinig, busy ako." Walang gana na saad niya rito. "Ang sabi ko nandiyan ngayon 'yung anak ni Dang! 'Yung kakababa lang ng barko! Seaman!" "O, ano naman?" Ani nito habang ipinapangkamot ng sentido ang hawak na lapis, hindi tinatapunan ng tingin ang kausap. Nagmamadaling naglakad ang kaniyang ina palapit saka siya kinalabit sa balikat. "Anak, ipapakausap kita malamang! Ipapakilala kita, mayaman 'yun, lustay nga lang nang lustay si Dang ng pera tuwing nasa sugalan kami! Maraming pera 'yung anak, e!" "Ipapakausap? Bakit? Anong gagawin ko ro'n sa seaman na 'yon?" "Alam mo na! Sigurado ako magugustuhan ka no'n, magbabaka sakali lang tayo-" "Ma, sana okay ka lang parang doble ang edad no'n sa edad ko ngayon na kaka-disi otso pa lang!" "Ano naman?" Hindi makapaniwalang nalukot ang noo ni Kiel sa narinig. "Saka ilang panganay na ang mayro'n 'yun sa iba't ibang babae, ilalapit mo 'ko ro'n?" Iritableng singhal niya sa ina. Inirapan siya nito at nameywang. "Ikaw ha, 'wag mo ngang kina-career ang pagiging manang mo! Hindi ko na nga sinisita na palaging parang magmamadre ang mga suot mo, 'wag ka masyadong conservative! Utak naman muna, Krisiane Eline, utak!" "Palibhasa gawain mo 'yang ganiyan e, walang pakialam kung anong estado no'ng lalaki, kahit mawalan ka pa ng dignidad. 'Wag niyo ho ako itulad sa inyo." Mahina na dugtong niya pero umabot pa rin naman sa pandinig ng kausap. "Ano kamo?" Hinila nito nang malakas ang nakalugay na buhok ng anak. Nangingiwing nagtaas ng tingin ang huli sa kaniya habang nakahawak sa ulo, malakas na itinulak ng daliri nito ang noo ng anak. "Wala tayong pera at nag-aaral ka sa malaking unibersidad! Anong inaarte mo, ginagawa ko 'to para sa 'yo ha!" "Kaya nga nag-aaral ako nang mabuti. Imbis na ibenta ko ang katawan ko... gaya ng gusto niyo." "Kapag nakapagtapos ka sa kolehiyo, wala pa ring kasiguraduhan na yayaman ka! Napaka-arte mo, 'di mo gamitin 'yang utak mo sa mas mabilis na paraan!" "Ma naman! May part time na rin ako ro'n sa paresan sa talipapa, ano pa bang gusto ninyo!" "Paresan? Saan ang mararating mo sa pagtitindera sa paresan na 'yan, sige nga aber!" "Ano, bubukaka sa mga lalaki? Gaya ng ginagawa mo, hindi na!-" Naitikom niya ang bibig nang ihagis sa kaniya ng ina ang hawak na supot. "Kung makapagmalinis ka, wala ka bang ginagawang marumi? Dadating ka rin sa ganiyang pagkakataon, tandaan mo 'yan! Walang lugar ang pagiging maselan dito, Kiel, hindi ka anak-mayaman!" Bulyaw nito sa kaniya. "Tignan natin kung hindi sa'n ka dalhin ng pagmamalinis mo." "Marisol. Tama na nga 'yan. Ano na naman ang sinasabi mo sa anak mo, hayaan mong mag-aral nang mabuti 'yan diyan." Pagsingit ng lola ni Kiel nang magising ito, nakahiga sa sala at hirap nang makagalaw. "Ayan, isa pa 'yan. Makakatulong ba 'yang pa-skolar skolar mo at pagtitindera sa paresan sa gastusin kada araw? Sa pagkain, tubig at ilaw, saka maintenance na gamot ng lola mo? Pinagmamalaki mo 'yang skolar-skolar mo at paresan kaysa sumunod ka sa 'kin. Boba!" Hindi na nagawa pang sumagot ni Kiel. Hinahayaan nang manalo ang kausap dahil tumataas na ang boses nito at nakakagawa ng eskandalo na madaling marinig sa labas ng bahay. Dinuro siya nito at nagsalita ulit. "Hangga't nandito ka pa sa bahay na 'to at pinapalamon kita, susunod ka sa 'kin. Naiintindihan mo?" Mariin nitong saad. "Bilisan mo riyan at magbihis ka, gusto ka rin makita no'ng lalake." Dugtong pa nito saka umakyat ng hagdan. Naiwan na bumubuntonghininga ang dalaga at mariing naipikit ang mga mata sa stress. Hindi sila ganoon ka-palad sa buhay, hindi rin naman sobrang hirap na parang isang kahig, isang tuka. Sakto lang dahil dumidiskarte rin siya pagkauwi galing sa unibersidad. Pero madalas ay kinukulang pa rin. Wala na siyang ama magmula nang hindi na sila nito balikan, separated ito sa kaniyang ina, at suma-sideline lang ang kaniyang ina sa paglalabada sa mga suki nito sa kalapit na malaking subdivision. Kaya madalas ay wala siyang choice kundi ang sundin ito. KINABUKASAN, matapos ang klase at pagpunta sa library ay pauwi na naglalakad sa pasilyo ng unibersidad si Kiel nang makarinig siya ng boses na tumawag sa pangalan niya. Nilingon niya ito at nakitang nakangiting kumakaway si Althea sa kaniya. "Hi, Kiel! Tapos na ba ang mga klase mo ngayong araw?" Palapit ito nang sabihin iyon. Kapansin-pansin na rin ang unti-unting lumalaking baby bump sa tiyan nito mula sa suot na hapit na mahabang bestida. "Um, opo, Ma'am. Kanina pa pong 1:30. Galing lang po ako sa Library." "Ay, kaya naman pala, e! Kanina pa kita hinahanap at hinihintay na madaan dito sa tapat ng faculty, nag-worry ako akala ko umuwi ka na. Pinahanap nga rin kita kila Rita at Brenda kaso hindi nga rin daw nila alam kung nasa'n ka." "B-Bakit po ba? May kailangan po ba kayo?" Hinawakan ni Althea ang kamay ng kausap na estudyante at ngumiti. "Wala naman! Namiss ko lang kayo kaya naman naisip ko na magluto ng masarap mamaya para sa 'ting lahat gaya ng nakagawian, tara sa bahay!" "Ngayon na po ba? Um, kasi may-" "All girls lang naman, hindi kasama sila Johnnie kung 'yun ang inaalala mo, alam ko palagi kayo nagkakaasaran no'n, e. So no worries, Kiel!" Hindi na nakaalma pa si Kiel nang pilitin siya nito. "Asahan kita, ha? Sasabay ka na ba sa kotse? Kaso kasi hindi kayo magkakasya, anim kayong girls na sasama at apat lang sa backseat ang-" "Okay lang po, magcocommute na lang po siguro ako." "Kasabay mo sila Wendy. Hintayin natin, pabalik na rin 'yon dito. Pinakuha ko lang sa classroom 'yung naiwan kong mga buko pie. Mayroon ka rin do'n, binilhan kita." Mabait na saad nito. Inaya siyang pumasok sa faculty at maupo muna sa loob habang naghihintay. "Nadaan kasi kami ni Sir Gino ninyo noong nakaraan sa paborito naming shop. Naalala ko kayo, lalo ka na!" "Ako po?" "Oo, mukha kasing tumatahimik ka lately, e. Tapos parang palagi kang nagzo-zone out. Nag-aalala ako sa 'yo, alam mo namang hindi lang students at officer sa org ang tingin ko sa inyo, 'di ba?" Mahinahon na sambit nito. "Kumusta ka na ba?" Nag-iwas ng tingin si Kiel pagkaupo sa harapan ng propesor at nagbaba na lang ng tingin sa kaniyang mga daliring nagpapahinga sa kaniyang mga hita. Mula nang makilala niya ang malalapit na mga tao sa buhay niya ngayon ay isa na si Althea sa palaging nangungumusta sa kaniya at napagsasabihan ng mga problema, bukod kay Wendy at sa iba pa nitong best friend. Isa rin ito sa pinaka nalalapitan niya kapag nangangailangan siya ng tulong. Lalo na sa pera. Kaya malaking malaki ang utang na loob niya rito, bagay na pinaghuhugutan niya ng konsensya sa araw-araw. "Medyo... stressed lang po nitong mga nakaraang linggo." "Parang months ka na nga yatang ganiyan, e. Alam ko naman kung anong situation mo sa bahay ninyo, na-share mo 'yung tungkol sa mother mo, siya pa rin ba ang reason?" Tipid na ngumiti si Kiel at tumango na lang. Nagsinungaling siya. Pero hindi naman niya pwedeng sabihing ang pinaka pinoproblema niya ngayon ay ang lalaking propesor at ang sitwasyon dito. "Halos ibenta na rin po kasi ako no'ng nanay ko. Naiintindihan ko naman pong gusto lang niyang kumita ng pera, para rin naman sa 'kin, kaya minsan wala na rin po akong nagagawa. Pero baluktot lang po talaga ang prinsipyo niya sa buhay, hindi ko po mapigilang maapektuhan." Pagkukuwento niya pa ng iba niyang problema para lang may masabi rito. Naging malungkot ang mga mata ni Althea sa narinig. "Kung pwede lang na ampunin kita, sa bahay ka muna kaya! At ako na ang magpa-aral sa 'yo, gagawin ko talaga. Ano, tingin mo ba papayagan ka kaya ng mother mo kung sakaling ipaalam kita?" Namilog ang mga mata ni Kiel at mabilis na umiling-iling. "M-Ma'am Althea... hindi na po kailangan! Okay lang po ako-" "No, seriously. Kahit itong semester lang na 'to, para lang makatulong kahit papaano. Actually, napag-usapan na namin 'to ni Gino, kailangan ko na rin kasi ng makakatulong sa bahay, kapag lumaki 'tong tiyan ko kakailanganin ko magpahinga muna sa bahay." Sunud-sunod pa rin na umiling si Kiel. Kahit alam niyang mas magandang ideya nga 'yon kung saka-sakali. Pero hindi niya lang talaga kaya. Kilala niya ito, natural na mabait at may mabuting loob ito para sa lahat, lalo na sa kanilang mga naging officer ng org na hina-handle nito sa university. Palagi itong may binibigay na espesyal na regalo para sa kanila, hindi sila nakakalimutang bahagian ng lahat ng blessings, kahit na monetary na tulong pa. "Ma'am, nakakahiya po. Saka sobrang laking tulong na po no'n, hindi ko po alam kung paano kayo babayaran pabalik-" "Kiel naman. Hindi ko naman sisingilin lahat ng tulong ko sa 'yo, kahit sa ibang girls sa org natin. Alam mo naman 'yun. Palagi lang akong masaya kapag masaya kayo, malungkot ako kapag nakikita kong lugmok kayo. Kasi nga kapatid o anak na ang turing ko sa inyo." Natulala si Kiel sa mga mata ng kausap. Napakabait at napaka-puro ng ugali. Wala na siyang masabi pa. Gusto niyang maluha, sa maraming dahilan. Naramdaman niyang nag-vibrate ang phone niya mula sa bulsa ng uniporme kaya nang hugutin niya ito, nakita niya kung sino ang tumatawag. 01 is calling... Si Gino 'yon. Natataranta at mabilis na idinecline niya kaagad ang call. Wala pang ilang segundo nang bumukas ang pinto. "O! Kanina pa kita hinahanap. Nandito ka lang pala." Bungad ni Gino habang isinasara ang pinto. Lumapit ito kay Althea para humalik sa noo ngunit ang mga mata at ang tingin ay nasa kaniya, tila siya ang kinakausap. Nag-iwas ng tingin si Kiel at patagong ikinuyom ang mga kamay. "Nagpapahinga lang ako, hinihintay ko kayo nila Wendy. Kinakausap ko na rin 'to si Kiel... mukhang mas malala ngayon ang sitwasyon niya sa bahay nila." "Hmm. Nako, hindi ka titigilan ng mama mo na 'yan, ikaw ang gagawing money cow niyan." Komento nito. "Nasabi mo na 'yung proposal natin para sa kaniya?" Tumango si Althea, nakaupo pa rin sa harapan ni Kiel at hinawakan ang kamay ng katabing nakatayo na propesor. "Pumayag ka na, Kiel. Hindi ka naman namin masyadong papahirapan sa bahay, tutulungan mo lang kami maglinis, palagi rin masarap ang mga pagkain do'n. Masarap ako magluto, e." Pabirong dugtong pa nito. Tipid na ngumiti si Kiel at umiling. "Hindi po talaga... nakakahiya po." "Sige na, Kiel para mas maging madali rin ang lahat. Pare-pareho tayong makikinabang." Makahulugan nitong saad. Hopeful, ngumiti nang walang kamalay-malay si Althea. Habang naiwan naman na wala nang masabi pa si Kiel sa mga narinig mula kay Gino, hindi siya tanga para hindi mahalatang may dobleng-kahulugan ang mga sinabi nito. "Hindi po talaga. Ako na po ang bahala sa sarili ko magagawan ko naman po ng paraan, maraming salamat po sa offer ninyo." Unti-unting nawala ang ngiti sa mga labi ni Gino at napalitan ng pigil na pagka pikon. "Pero kapag nagbago pa ang isip mo, sabihan mo lang kami ni Althea. Pakiramdam ko kasi magbabago pa 'yan sa mga susunod na araw." "Bakit?" Nakangiti at curious na asik ni althea nang mag-angat ng tingin sa nobyo. "Pakiramdam ko lang. Malay mo?" Kibit-balikat na saad ng lalaki saka ngumiti rito at kay Kiel. Hindi nga nagkamali si Kiel, pagkalipas ng ilang mga araw ay hindi na natigil ang propesor sa pamimilit sa kaniya. Sa lahat ng paraan. "SALAMAT po ulit sa paghatid." Nagmamadaling tinanggal ni Kiel ang seatbelt at hindi na nilingon pa si Gino nang buksan ang pinto, balak na dire-diretsong lumabas. Mariin siyang hinawakan nito sa braso. "Isara mo 'yang pinto, hindi pa tayo tapos mag-usap." Natigilan si Kiel at nang makaramdam ng takot ay dahan-dahang bumalik sa kinauupuan at isinara ang pinto. Hindi pa rin ito tinitignan sa mga mata. "Ime-message mo si Althea mamaya, tatanggapin mo 'yung offer namin sa 'yo." "Sir-" "Hindi 'yon pakiusap. Utos 'yon." "Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Alam mo ba kung ano ang gusto mong mangyari-" "Oo naman. Wala naman akong nakikitang mali. In fact, malaking tulong 'to sa nanay mo, h'wag kang maging selfish, Kiel. Ikaw na ang nagsasabi sa 'min na hirap kayo financially kaya makakahinga ang nanay mo rito. Kung makakatulong ka sa ibang tao, sa kahit anong paraan gawin mo." Litanya nito. "H'wag kang selfish." Hindi makapaniwalang pinagmasdan ni Kiel sa mga mata ang kausap. Naikunot niya ang kaniyang noo at walang maisip na isagot. Selfish? "Ako at ikaw sa iisang bahay? Tapos nandoon pa mismo si Ma'am Althea? Sorry po, Sir pero nasisiraan na po ba kayo ng bait?" Natulala ng ilang segundo ang propesor saka mahinang nagbuga ng pagtawa. "Oh god, Kiel. My Kiel." Naiiling at natatawang reaksyon nito. "Ano bang iniisip mo? Inaasahan mo bang magse-s*x tayo, masyado mo na yata akong iniisip kung gano'n." Saka ito humalakhak at nag-umpisang kantyawan siya. "Hindi 'yan totoo." Inis na singhal niya rito. "Just by thinking how loud you moan whenever we're having s*x, Kiel hindi na 'ko magtataka na hanap-hanapin mo 'yung ginagawa natin. Come on, pwede mo naman aminin na 'yun ang iniisip mo at pwede rin nating gawin kung-" "Alam mo kung anong iniisip ko palagi? Iniisip kong umatras na, Sir. Dito sa setup natin. Mukha naman pong okay ka na, wala nang problema. Baka naman pwede na!" Natigilan ang kausap pati sa pang-aasar at pagtawa. Pero naging matalas ang tingin nito sa dalaga kahit na may kurba pa rin ng ngisi sa mga labi. "Hangga't hindi ko pa sinasabing pwede na, hindi pa tayo matatapos. Naiintindihan mo?" Nag-umpisang makaramdam ng takot si Kiel sa uri ng tono at tingin nito sa kaniya. Mabilis na hinawakan niya ang kamay ng propesor at pilit na inalis ito sa kaniyang braso. "Pero sa totoo lang, naaawa na po ako kay Ma'am Althea. Kahit pa maganda ang intensyon natin gaya ng sinasabi mo... hinding-hindi pa rin magiging tama ang mga ginagawa natin. Sir, hindi po 'to tama!" Inalis naman iyon ni Gino at inilipat ang hawak sa pisngi ng dalaga bago inipit ang takas na buhok nito sa likod ng tenga. "Isipin mo na lang kung anong magandang resulta ang gagawin nito sa 'kin. Besides, hindi ka ba masaya sa lahat ng pabor na ibinibigay ko sa 'yo in return?" Naitikom ni Kiel ang bibig. Sarkastikong natawa ito. "May kopya ka ng mga major exams bago pa man ang exam dates dahil sa 'kin. Na sa 'yo lahat ng pabor, Kiel. Nagbe-benefit tayo sa isa't isa. Let's just say mali nga 'to pero kailangan natin ang isa't isa, 'wag mong i-deny." Nag-iwas ng tingin si Kiel. Guilty. "Your mind was too preoccupied lately, pangit ang performance mo sa academics dahil namomoblema ka at kung wala ang tulong ko... madadagdagan ang problema mo. Mawawalan ka ng scholarship. Makakapag-aral ka pa ba sa university?" Hindi na tinangka pang magbalik ni Kiel ng tingin sa kausap, lalo na nang magtubig ang mga mata niya. "Shh, it's okay now. Nandito ako. Hindi kita papabayaan, basta't sundin mo lang din ang mga gusto kong mangyari." Mas kalmado at nangsusuyo na sambit ni Gino. "Everything will be fine. Trust me." Lumapit siya rito para halikan ang leeg ng dalaga. At nang angkinin niya muli ang katawan nito ay hindi na nagawa pang umalma ni Kiel. Nasasaktan ang damdamin niya pero nakumpirma niyang hindi na posible pa ang pag-atras sa pinasukan niyang sitwasyon. Ang tanging posible na lang ay magpatianod sa agos.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD