X.

2737 Words
X. "BABAYARAN kita, 'wag kang mag-alala. Hindi ako tumatakbo sa mga inuutangan ko, ni hindi nga 'ko mahilig mangutang." Nakasimangot na saad ni Kiel habang naglalakad patungo sa likod ng club. Nakarating kay Mother Beauty ang nangyaring eksena sa loob kaya naman mula sa 15 minutes lang sana na breaktime ay hinayaan na muna siya nitong 'wag magtrabaho, mag-early out muna at magpalamig. Sa loob-loob niya ay ayaw niya na nga sana bumalik kahit kailan, masyadong unforgettable ang first night niya sa pagtatrabaho sa club. "Dapat lang, hindi 'yon libre." Tumigil si Kiel sa tabi ng mataas na street light, nasa gilid sila ng malawak na daanan at dahil malalim na ang gabi ay halos wala nang dumaraan na sasakyan doon. Kung mayroon man ay dumidiretso sa harapan ng club kung nasaan ang parking area. "E, bakit nandito ka pa? Sinabi kong babayaran kita pero hindi ngayon. Mag-iipon pa 'ko, baka abutin pa ng ilang buwan 'yun... hindi naman ako kasing-yaman mo, pasensya ka na." Labas sa ilong na dugtong niya, pinipigilan ang magsungit at inaalalang may utang siya rito at utang na loob. "I know. Sa hitsura pa lang ng bahay ninyo, halatang hindi ka pa nakakahawak ng 20k kaya hindi rin naman ako nag-eexpect na mabayaran mo 'yon kaagad. Isa pa, barya lang naman 'yon sa 'kin, so yeah it's fine." Inis na sinulyapan ni Kiel ang binata. "Ang yabang mo rin e, 'no?" "I'm not. Just stating facts." Kibit-balikat na sagot nito at ipinasok sa magkabilang bulsa ang mga kamay. "Maraming salamat sa pagbabayad no'n pero pwede mo na 'kong lubayan. Dito naman ako sa lugar na 'to nagtatrabaho, siguro kada gabi nandito ako. Kaya makakasiguro kang hindi kita matatakbuhan." Nakakunot ang noo na saad ni Kiel habang hindi nakatingin sa kausap. Ang huli naman ay nakatitig lang sa kaniya, pinagmamasdan siya sa malapitan. "Kahit naman gustuhin kong tumakbo palayo rito hindi posible, lagot ako sa 'yo at lagot ako sa nanay ko." "You'll just stay here? First time mo siguro rito pero maraming high rito." "High? Drugs?" Nilingon ng binata ang mga nagkukumpulan na mga lalaki sa isang corner, mayroon din sa kabilang direksyon. Pailan-ilan pero mapapansin na may ginagawa sa dilim, ang iba ay tawa nang tawa at kung anu-ano ang ginagawa. "They're not just drunk. They're obviously high on ecstasy and other party drugs, kung gusto mo ng tatambayan 'wag ka rito." Sinundan ng tingin ni Kiel ang mga taong tinutukoy ng kausap at napalunok. Ayaw niya talaga sa mga lasing, nag-umpisa ang iritasyon niya sa mga ganoon mula sa nanay niyang palaging may ginagawang ayaw niya kapag may alak sa sistema. Mas lalo sa mga naka-drugs. "O-Okay lang ako rito. Lilipat din ako sa malapit na tindahan mamaya-maya." "Lilipat? Why don't you just go home already?" Inirapan niya ito at pinagkukrus ang mga braso sa dibdib na tumagilid para maglihis ng tingin palayo sa kausap. "Ano naman sa 'yo. Thank you sa pagpapautang kanina pero bakit parang pabait at pa-concern ka ngayon, kung akala mo mauuto mo 'ko gaya ng mga ginagawa ng mga lalaki sa loob ng club na 'to kanina pa, 'wag ka nang umasa." Hindi makapaniwalang nagbuga ng pagtawa ang binata dahil sa narinig. "What the f**k? Ikaw, uutuin ko? Why would I even do that? Besides, hindi pare-pareho ang mga tao sa loob ng club na 'yan. Kung sila may interes sa 'yo, well frankly saying, ako wala." "E bakit nga nandito ka pa?" "None of your business. Aalis din ako after a few minutes, don't worry." Ani nito habang sinisipat ang suot na relo. "Pero kung ako sa 'yo, 'wag ka rito or go home. Sinabi ko na kanina kung bakit." Hindi na nakasagot pa si Kiel sa sinabi ng kausap niya nang may lumapit na lalaki rito, naka-itim na jacket at nakasuot pa ang hoodie. Hindi ito galing sa club pero kabababa lang mula sa tumigil na motorcycle sa isang sulok kung saan madilim. "Pare." Bungad lang nito saka mabilis na nakipag-kamay, pero hindi nakaligtas sa paningin ni Kiel ang mabilis na palitan ng pera at kung ano mang pakete sa mabilis na 'kamayan' na 'yon. "Thanks, sa uulitin." "Text ka lang. Palagi akong mayro'ng stock." Ngumiti at tumango iyong lalaki saka napunta kay Kiel ang tingin. "Sino 'to? Bago mong babae?" "No." Sagot ng binata saka tumalikod na para umalis. "Sexy mo, ah. Naghahanap ka ba ng booking? Magkano?" Masamang tingin ang ipinukol ni Kiel sa lalaki nang mas lumapit pa ito sa kaniya para dumikit at umakbay. Hindi amoy alak pero namumula ang mga mata at ngiting-ngiti na para bang 'high' rin sa ipinagbabawal na gamot. "Hindi ako naghahanap ng booking." Matapang pero kinakabahan na singhal niya rito saka inalis ang braso ng lalaki sa balikat niya. Naglakad na siya palayo mula roon kahit hindi alam kung saan pupunta pero nagulat na lang siya nang habulin siya nito at hilahin sa braso pabalik. "Sungit mo, akala mo ba hindi kita babayaran? Sige na, 'wag ka nang pakipot may pambayad naman ako. Kahit mag-5k pa tayo, e. Ano?" "Hindi nga sabi! Ano ba!" Sa sobrang takot ay naitulak niya ito nang malakas. Sa hitsura noong lalaki ay mukhang napikon ito sa ginawa niya kaya naman hinawakan at hinila siya nito sa buhok at kung anu-ano ang sinabi. Hindi niya na maintindihan, halos kumawala sa dibdib niya ang puso niya dahil sa matinding kaba at kakaunti na lang ay maiiyak na. Marami namang nakakakita pero hindi nakikialam, kaya kahit anong hingi ng tulong ni Kiel ay walang lumalapit. Abala sa kaniya-kaniyang 'business' ang mga iilan na tao sa paligid. "Halika na, sumama ka na sa 'kin. Lahat naman ng waitress at pokpok sa club na 'to gusto ng booking. Ikaw lang 'tong pakipot, umaarte ka pa sa limang libo-" Tumigil lang ito nang may kotseng dumating at malakas na bumusina pagkahinto malapit sa kanila. Bumaba ang driver. "Pare, marami sa loob. Doon ka na lang maghanap." Kalmadong pagsingit nito. Paglingon ni Kiel sa kung sino man 'yon ay halos magpasalamat sa lahat ng santo ang dalaga. Bumalik 'yong lalaki na kausap niya lang kanina! "May gusto rin bumili, tatlo 'yon. Mga kaibigan ko." "Talaga? Ayos ah mukhang swerte ako ngayong gabi, nasaan?" "Nasa loob, diretso ka lang sa VIP floor. Table 34." Nang tuluyang makalapit ang binata ay naglipat ito ng tingin kay Kiel, naabutan niyang nagpupunas ng luha ang dalaga kahit na nakayuko ito, bahagyang nanginginig pa sa takot. Mabilis na umalis na 'yong lalaki na hindi na lumilingon pa sa kanila. Hinubad ng binata ang suot na jacket at iniabot sa harapan ni Kiel. "Sinabi ko na sa 'yo, 'di ba? Ikaw pa 'tong suplada, e." Kahit nag-aalangan ay tinanggap ni Kiel ang inalok nitong jacket. "Hop in. Madadaanan ko naman 'yung daan papunta sa inyo, sumabay ka na lang." Dagdag pa nito habang naglalakad palapit sa driver's seat. "Pero kung gusto mong magsungit pa rin at mag-abang na lang ng jeep pauwi, pwede rin. Ang kaso nga lang mas malaki ang chance na may makasalubong ka ulit na ganoon. Ikaw bahala." Sumakay na ito sa loob ng kotse. Samantalang naiwan naman siyang nag-aalinlangan, pero nang madagdagan ang mga taong nagkukumpulan sa likod ng club, mga lasing at nagdodroga ay wala na siyang naging choice kundi ang sumama sa binata, sumakay siya sa binuksan nitong pintuan sa passenger's seat. "Salamat." "Bukal na ba sa loob 'yan?" Natatawang sagot ng binata habang nagmamaneho. "Seryoso. Hindi ko alam kung ano pa ang mangyayari sa 'kin kung hindi mo 'ko binalikan. Hinihila niya 'ko ro'n sa kasama niyang naka-motor, hawak-hawak niya pa ako sa buhok." "I don't get it. Matapang ka naman no'ng ako 'yung inaaway mo, kinwelyuhan at susuntukin mo pa nga sana ako, e, samantalang maayos pa 'kong nakikipag-usap. Akala ko kaya mo na ang sarili mo. Pero ro'n sa talagang may pakay na masama sa 'yo, hindi ka naman lumaban." "Maayos kang nakikipag-usap? Lasing ka pa yata." Sarkastikong tugon nito. "Punung-puno na ng trauma ang gabi ko. Sa susunod na makita ko pa ang lalaking 'yon, lagot na siya sa 'kin." Tumawa lang ang binata. "Makikita mo pa 'yon. Palagi 'yun do'n." "Nagbebenta ng drugs?" Hindi kaagad nakaimik ang binata pero nanatili ang ngisi sa mga labi habang nagmamaneho. "Lahat ba sa club nagd-drugs?" "I don't know. Ako hindi, e." Umiirap na umiling si Kiel habang inaayos ang upo at iniyayakap sa sarili ang jacket, nilalamig sa malakas na aircon ng sasakyan. Nang mahalata ng binata 'yon ay awtomatiko nitong in-adjust ang aircon. "Nakita ko naman kanina 'yung transaksyon niyo, takot ka ba na isumbong kita sa mga pulis? Nagmamalinis ka pa." Malakas na tumawa ang binata. "Una sa lahat, hindi ako natatakot dahil wala kang ebidensya. Pangalawa, I bought that expensive party drug for a friend. As a birthday gift. Judgmental." "Birthday gift? Wow." "Masanay ka na, normal na 'yang mga ganiyan sa lugar na 'yon. I mean, what do you expect? A bible study inside the club?" Bumuntonghininga si Kiel at isinandal ang ulo sa kinauupuan. Lalo siyang nasstress sa environment na 'yon. "Halata namang ayaw mo ang ginagawa mo ro'n, pati ang mga tao ro'n. Bakit kasi sa club ka pa nagtrabaho? Halatang 'di ka tatagal. Tsaka sa'n ka pala ro'n naging scholar?" Inis na nilingon ni Kiel ang nang-aasar na binata. "Totoong scholar student ako. Nandoon lang ako nagtatrabaho dahil kailangan ng nanay ko ng pera at ako ang ipinapangbala niya. Gets mo na?!" "Your mom, 'yun bang may bitbit na itak noong nagpunta ako sa inyo?" "Oo, siya nga." "Oh, I see. She looked cool, though." "Cool?" Sarkastikong nagbuga ng hangin si Kiel. "Hindi mo alam ang sinasabi mo, or baka sinasabi mo lang 'yan dahil mayaman ka, hindi ka kailangang pagtrabahuhin sa lugar na ayaw mo dahil may pera na kayo." "Nah, ganoon din naman ka-grabe ang mom ko. May times na pinipilit niya rin sa 'kin 'yung mga bagay na gusto niya pero ayaw ko. Pero oo nga, magkaiba tayo ng sitwasyon. Mas malala 'yung iyo." Hindi na umimik pa si Kiel at pinanood na lang ang magkakasunod na street lights na nadadaanan nila. Tahimik na ang gabi, walang katao-tao sa daan. Tulog na ang mga tao sa kani-kanilang bahay, 'yun din sana ang gusto niyang gawin, ang matulog na at magpahinga dahil may pasok pa siya sa eskwelahan kinabukasan. Pero wala na siyang choice at nadagdagan na ang 'schedule' sa araw niya. "Paano ka pala niyan mamaya, hindi ba maaga ang pasok mo sa school?" "Maaga." "O, hindi ba 'yon alam ng mama mo-" "Alam niya pero wala siyang pakialam. Least 'yon sa priority niya. Naniniwala siyang walang dulot ang diploma sa pagyaman kaya wala siyang pakialam kung mapabayaan ko 'yon." Pagkukuwento ni Kiel. "Mas pabor pa nga sa kaniya kung hindi na 'ko mag-aaral, mag-focus na lang sa club." "Aw, that's sad." Mahinang saad ng kausap niya. "Magtapos ka pa rin. Hangga't kaya." "Ikaw ba, tapos ka na ba sa college?" Nilingon ni Kiel ang binata at inabangan ang sagot nito. Tumango ang kausap. "Last year lang. Nagpapahinga lang ako ngayon tapos next year na 'ko magtatrabaho. Naniniwala kasi ako na 'yon na ang gagawin ko buong buhay ko, ang magtrabaho. Kaya ngayon pa lang magpapahinga na 'ko, para kapag nagtrabaho na 'ko tuluy-tuloy na." Mapait na natawa si Kiel. "Ganito pala makatagpo ng ibang tao na may complete opposite ng buhay na mayro'n ako. Ang swerte mo may pahinga sa option mo." "Hindi rin. Believe me it's not like what you think it is." Dumaan ang ilang segundong katahimikan. Pasimpleng sinulyapan ng binata ang dalaga sa tabi at naabutan itong nakatulala sa bintana, malungkot ang mga mata. "If life gets rough at least don't give up in finding joy in your tough situation. Wala namang permanenteng sitwasyon, parang nasa sasakyan ka lang. Dadaanan mo lang 'yan, and eventually everything will get better." Nilingon siya ni Kiel habang nanatili siyang nakatingin sa daan habang nagmamaneho. Nakangiti. "Madali magsalita kapag lumaki ka sa mayaman na pamilya." Tumango-tango ito habang nakangiti. "No, seriously. Kahit naman 'yong mga pinakamayayaman na tao, may problema pa rin ang mga 'yan. Ang life hack, maghanap ka na lang ng source of joy." "Gaya ng ano? Ng ginagawa ninyo ng mga kaibigan mo? Magdroga?" Nagbuga ng malakas na pagtawa ang binata, hindi inaasahan ang naging sagot ng dalaga. "Gaya ng partner. Romantically. Stress-reliever." Tumikhim ito at bumwelo. "Speaking of partner, do you have a boyfriend already?" Siya naman ngayon ang lumingon sa dalaga para abangan ang sagot nito. "Wala." Walang gana na sagot nito. Mas lumawak ang ngiti ng binata na sinubukan lang itago sa pamamagitan ng pagkagat ng labi. "Kung sabagay. Baka natatakot din ang mga lalaki sa 'yo, sobrang sungit mo." "Nasa complicated na situation din ako. Imposibleng magkaro'n ako ng boyfriend." Ani nito. "At kung may magtangka man, sigurado akong kapag nalaman nila ang life choices ko, mandidiri sila sa 'kin at hindi tatangkain na patulan ako." Binasa ni Kiel ang message previews sa inbox niya. Punung-puno 'yon ng unread messages mula kay Gino na sinundan pa ng mga missed calls. Gusto nitong makipagkita pero hindi niya kaagad nareplyan dahil bawal mag-phone sa trabaho, kaya naman kung anu-ano na ang sinasabi sa messages dahil sa inis. "Teka, ang seryoso naman yata. Gusto mo bang ikwento? I'm all ears, you can tell me about it if you want." "Hindi na 'no." Saad ni Kiel. "Diyan mo na lang ihinto sa may nakaparadang tricycle. Diyan na ang bahay namin, bababa na 'ko." "Parang nasa taxi lang ah? Yes po, ma'am." Pagkahinto ng kotse ay nag-alis ng seatbelt si Kiel. Pinagmamasdan lang siya ng binata habang may multo ng ngisi sa mga labi, hindi niya maunawaan kung bakit natutuwa at natatawa siyang kausap ang dalaga kahit na mainit ang ulo at nagsusungit lang ito buong oras. "Thank you sa paghatid, babayaran na lang kita kapag may pera na 'ko." Saad nito saka lumabas na ng kotse. Lumabas din ang binata nang may maalala. "Hey." Nilingon siya ni Kiel habang pinoproblema pa kung paano kakatok sa bahay nila. Sigurado siyang sesermonan siya ng ina kapag nalaman na ala una pa lang ng madaling araw ay nasa harap na siya ng bahay. Ang oras ng uwian na alam pa naman nito ay alas kwatro. "Ano na naman 'yon?" "Your name. Hindi ko pa alam ang pangalan mo." "Kiel." "That's your real name? Gusto ko lang malaman kung ano ang pangalan ng may utang sa 'kin na bente mil." "Krisiane Eline. Hindi kita tatakbuhan, 'wag ka mag-alala. Puntahan mo na lang ulit ako rito kasama ang mga pulis kung gawin ko man 'yon." "Sure. By the way, I'm Brent, kung gusto mo lang naman malaman." "Hindi masyado." Natatawang nagkibit-balikat na lang ito. "See you around, then." Kumaway at sumakay na ng kotse, bumusina saka umalis na. Pagkatapos ng ilang segundo, nakita niya ang sarili sa rearview mirror ng sasakyan. Kamot-ulong nag-alis ng ngiti sa mga labi. Pero hindi niya maitatanggi, masaya siyang nakita ulit ang dalaga. "Krisiane Eline." Banggit niya pa sa pangalan nito saka nangingiti at naiiling na nagmaneho pabalik sa club. DUMIRETSO si Kiel sa kwarto niya nang sa wakas ay mapagbuksan ng pinto. At hindi nga siya nagkakamali nang asahan na bubungangaan siya ng ina dahil maaga siyang nakauwi, kahit pa anong paliwanag niya rito sa kung ano ang nangyari at mga naranasan niya sa unang gabi niya sa trabaho. Matapos makaligo at makapagbihis ng damit ay nahiga siya sa kama. Balak na sanang matulog nang marinig na tumunog ang telepono niya, hindi na nga sana niya papansinin dahil sa pag-aakalang si Gino lang 'yon pero nang silipin niya ang screen ay ibang pangalan ang naabutan. 1 new friend request. 1 unread message. Brent Martin Siguenza: See you again next time I guess? Nangunot ang noo ni Kiel at dumapa para magtipa ng reply para rito. Krisiane Eline Abalos: Talagang hinanap mo kaagad 'tong account ko. Stalker. Brent Martin Siguenza: I just want to get my jacket back. ;) Krisiane Eline Abalos: Bukas na lang sa club. Iiwan ko na lang sa table ninyo kung nandoon kayo ulit ng friends mo. Brent Martin Siguenza: Nah. Coffee shop na lang, are you free tom afternoon? :) "Coffee shop? Never pa nga 'ko nakapasok sa mga ganoon na may mamahaling mga kape." Nangungunot ang noo na pinatay na lang ni Kiel ang telepono saka natulog na, hindi na nireplyan pa ang binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD