11 - Sodium

4235 Words
Chapter XI Nasa huli nga talaga ang pagsisisi e no? Kasi alangan naman sa una magsisisi diba? Pero nakakainis lang kase! Sa dinami-rami ng bagay na nagawa ko this past few days may isang bagay talaga akong pinagsisihan ko nang maigi. Alam niyo kung ano? Malamang hindi! Nagsisi ako dun sa point ng buhay ko nong panahong umiyak ako sa harapan nung kumag na yun! Oo! Nakakahiya na nakakadiri. After that scene; that atrocious dawn, umuwi rin kami kaagad. Malayo rin kasi ang cemetery na pinuntahan namin, around one and half hour of travel time. That’s the one of the reason why he didn’t want me to go there. Pero sabihin niya lang talaga bakla siya at duwag siya sa momo. We arrived at home at exactly 6:30 in the morning. Siya na ang nag-explain sa parents ko pagkatapos kung dumiretso kaagad sa kwarto. I was very tired that time. Ikaw ba naman umiyak at magsisigaw sa sementeryo pagkatapos mong magwala sa music bar, sinong hindi mawewerla? And after that, we never parted ways and met again. It’s been a long week. Well, that’s favorable to me.  Nahihiya ang mga luha ko sa mukha niya no. “So, close na kayo ganun?” “What- no!” I shouted over the phone. She just laughed it out. "Defensive masyado, napaghahalataan." “Alam mo ikaw Ze ha, ayoko talaga yang ugali mong may pagkamalisyosa.” “Wow, parang nagtatanong lang.” Umirap ako sa kawalan. “Mga tanong mo kasi paki-ayos.” “So hindi kayo close?” Pang-iintriga na naman niya. “Zeah!” “Okay. HAHA malay ko ba?” “Shut up.” “Malay ko bang nagkikita na kayo or nag-uusap after that, who knows?" “H-hindi ah! Hindi na nga kami nagkita after nun.” Narining kong may tumawa sa kabilang linya. Josceah?  “Ahhh, so dismayado ka?” “Potassium ka, Alezeah.” “Uyyyy! HAHA Inamiiinn riin~” “Magkasama ba kayo ni Jo?” Tanong ko nang si Josceah ang sunod na nang-asar sakin. “Change topic ka e!” “Ano?” "Huli ka, bolbol!" Gosh, ang bastos talaga ng bibig ni Zeah! Binaba ko na lamang ang tawag bago ko pa marinig ang sunod na mga pang-aasar nila. Like helium. That’s nonsense! “You’re going with us this time, sweetie?” “Saan po ba?” Kumuha ako ng plato ko at sumandok ng pagkain after I seated at my usual spot. We’re currently eating breakfast. Kahit busy sila sa trabaho, I was glad na most of the time ay magkasalo kami tuwing agahan. “Dito na lang muna within the city. Our sched is quite tight kaya we only have several days to enjoy the summer.” Sagot ni daddy. “You better come this time.” Mom took a glance at me as she drink her water. Honestly, it’s been a long time that I didn’t play and enjoy my summer with them. I always distant myself with them pag may magaganap na okasyon na kami-kami lang. I always locked up myself at my room and sometimes, at the music bar; Yttrium and Mars. But not today, not anymore. “Yeah, sure." I boringly said. "Omygosh!" Napalingon ako sa katabi ko nang sumigaw siya. She even cover her mouth with her two hands to show that she was really shock at my answer. "You look stupid, stop it." "My oh, ang sama ni ate!" I laughed. I looked at my parents when they didn't react. "Are you two okay?" Mom gasped and dramatically hugged me. I smiled when I saw how happy dad is, watching us. "Thank you." Mom whispered. “Yeheeeey!” Kumawala ako sa yakap at tumawa sa sigaw ng kapatid ko. “Oh? Akala mo naman kasama ka.” Panunukso ko sa kanya na siyang tinarayan lang ako pagkatapos. Bastos na bata. Mabuti’t hindi ako nagmana sa kanya. “Wooww!” Tumingin ako sa gawi kung saan nakatingin ang mga kasama ko at napahanga sa pigurang nakikita ng aming mga mata. “Omyghaaaad! This is so, wow!” "Picture tayo, dali!" “Para namang ngayon pa lang kayo nakalabas ng mga bahay niyo?” Pasiring akong tumawa nang barahin sila ni Axi. “Aaaang gaaandaa!” Pambabalewala ni Zeah sa komento ni Axi. Siniko ko ang lalaki. "Wag kang basag trip." "Sorry." He chuckled as he hang his left arm at my shoulder. Nandito kami sa isang resort sa Oslob. We booked a room here in Hotel Sebastian Oslob. Since hindi nga kami pwedeng lumayo sa Cebu dahil sa business meetings and obligations ng parents ko. They decided to have a tour and make some time here. We took a trip by van, almost four hours rin ang naging byahe sanhi na rin ng traffic. Nasa loob ng hotel sila mommy at daddy, nag-aasikaso sa mga rooms na gagamitin namin for the meantime. Shine was with them; sleeping, actually buong byahe siyang tulog, madaling araw kasi kaming bumyahe kaya ayun, tumba. "Ang ganda talaga, potcha!" We all laughed. “Gaano kaganda?” Sabat ko kay Zeah. “Sobrang ganda.” Bulong niya. Tumawa kami ulit nang makitang seryoso siyang nagmamasid sa paligid. Wala ata sa lugar nila to e. Sabagay, Zeah is not the type of a person who loves to travel in places filled with water. Pero she’s into pools naman. Mas type nya lang talaga ang landscape at mga bundok. “Sa sobrang ganda raw, e nakalimutan niya saglit ang boyfriend niya.” “Anong sabi mo?” Pinigilan naming matawa ni Jo nang marinig ito ni Zeah. “W-wala!” Tumakbo ng mabilis ang bakla nang makita ang nagliliyab na mga mata ni Zeah. Dinamay pa kasi si Khent e. “I really have a doubt with that guy.” Turo niya sa kaibigan kong nakapasok na kaagad sa hotel. “Isang maling kilos niya pa iisipin ko na talagang bakla siya.” Ako rin. “Moommmyy, dadddyyyy! They’re coming to mee!” Tumawa kami nang makita ang natatakot na mukha ni Shine. After we ate lunch, hindi na kami nag-aksaya pa ng oras at agad sinugod ang malawak na tubig. Sumakay kami sa isang malaking bangka na kakasya sa aming lahat. Since sinama nila mom ang mga kaibigan ko para raw mas maging memorable sa akin kasi first time kung gumala, kaya kailangan ng isang malaking sasakyan. Napagtanto ko tuloy ngayon kung gaano ako ka loner dati. “Nooooo! Mooonsteeerr, sshooooo!” Iniakla ni dad si Shine nang umiyak na nga ito ng tuluyan. “Hush, baby. That’s okay, it’s just a whale.” “Oo nga naman, c’mon Shine!” Lumangoy ako palapit kina Axi kung saan may isang whale na lumapit sa kanila. I guess this is the reason why many tourists visit here. Their whale shark watching extremely excites many people. May mga crew namang tumutulong sa amin at nagbabantay sa mga whale shark kung sakaling sumunggab sila sa mga taong gustong lumapit sa kanila. “This is amaziingg!” Manghang usal ni Jo. "Ang saya-saya ng bata oh." Axi teased. "Tse!" “Holy gold!” I exclaimed when the whale bumped me. Narinig ko ang malakas nilang tawa dahil sa nangyari. “Potassium ka!” Muntik ko nang masuntok ang isdang bumangga sa akin. Mabuti na lang may suot akong life-vest kahit na marunong akong lumangoy. Mahirap na baka tangayin ako bigla ng isdang to paibaba. “Huwag mo kasing murahin, mas magagalit sayo yan.” Tiningnan ko si Axi nang hinimas-himas niya ang kulay asul na balat nung malaking isda. Sinubukan kong gayahin siya ngunit umatras din nang humarap ang isda sa akin. “Ayoko na nga.” Parang tama nga si Shine, nakakatakot. Lumingon si Zeah sa akin pagkatapos kung umahon sa tubig. “Ang panget mo raw kasi Shad!” “Ayaw niya magpahawak sayo kasi magaspang kamay mo!” Jo added. I scowled. “Kainin sana kayo ng halimaw na yan!” "Ikaw lang naman halimaw dito e." I groaned at Zeah. "Hindi ka sana balikan ni Khent!" "H-hoy! Wag namang ganyan!" Lumipas ang halos dalawang oras na pakikipaglaro nila sa malalaking isda ay napagdesisyonan na nilang bumalik. Sabi ng isang crew ay kailangan rin daw ng pahinga ng mga isda. Nag-enjoy naman ako kakapanood sa kanila: nakikipaglaro sa mga isda. Ako na rin ang kumuha ng mga litrato nila, para rin daw may silbi ako. Like helium, lunurin ko sila e. “Grabe nakakapagod!” Umakbay sa akin si Axi nang matapos siyang magbihis. “Excited ako bukas. Anong hayop na naman ba ang makikipaglaro sa atin?” Lumingon siya sa akin. “Ay sa amin lang pala.” Hinawi ko ang mabigat niyang braso at sininghalan. “Enjoy the moment Shad, ano ka ba!" “I enjoyed okay? Sadyang hindi lang talaga marunong makisama yung isdang yun sakin.” “Kawawang nilalang.” Umupo si Zeah sa tapat ko samantalang tumabi si Jo sa kanya. Tapos na kaming kumain at magliwaliw kaya’t nagpapahinga na kami. Nandito kami sa labas at fini-feel ang lamig ng hangin at ang init na nanggagaling sa bonfire. “Kawawang nilalang?” Litong tanong ni Axi. “Sino? Yung isda o si Shad?” “Tungstena niyo.”   Umalis ako sa inuupuan ko at piniling matulog ng maaga. Too much for today's adventure. Bukas ulit! “Shad, bilis! Ang bagal-bagal naman talaga oh.” Umirap ako sa sigaw ni Zeah. “Eto na nga!” Pumwesto ako sa tabi ni daddy at humawak ako sa baywang niya. “1 2 3 Wacky!” Tinaas ko ang dalawa kong kamay at ngumiti. “Isa pa! 1 2 3 Wakwak!" Napatawa kaming lahat. "Ayusin mo, Ze!" "Huwaw naman talaga oh. Oh siye sige na! Smile!" Tinuro ko ang falls sa likuran namin at ngumiti ulit, pero yung mas malapad na ngayon. “Tama na.” Reklamo ko. “Aboso ka e no?” Kinuha ko ang dslr canon camera niya at tiningnan ang mga kuha niya. As expected, magaling masyado tong kaibigan ko. “Parang sa ilang shots lang e!” Ibinalik ko sa kanya ang cam niya nang may pagdadabog. “Ang panget ng kuha mo.” Sumali si Jo sa usapan. “A-ray. HAHAHA.” “Talaga namang- wala kang kwentang kaibigan!” Lumingon siya kay Shine na nakadikit kay daddy pagkatapos akong sigawan. “Shine! Picture tayo!” Mabilis namang tumango ang kapatid ko at bumitaw sa kamay ni daddy. Ang ingay ng tubig na umaagos galing sa itaas ng isang malaking bato ang siyang dumagdag sa ingay ng mga kasamahan ko. Welcome to Tumalog Falls! Dinig kong sigaw ng isang tour guide sa may tanggapan ng lugar. Nakakahawa yung energy niya, infairness. Para akong isang mangmang at tanga sa posisyong 'to. Na para bang ngayon lang ako nakakita at nakapunta sa mga lugar na katulad nito. E kung iisipin nakapasyal naman na ako sa mga ganto, way back eleven or twelve years ago, I guess? “Baka matunaw yan, Shad ha.” Binalingan ko ng tingin si Jo. “Hindi natutunaw ang bato, tanga.” Lumapit ako sa may kubo at nilagay sa may upuan ang dala kong bag. “Ay grabe siya sa tanga.” Hinawakan niya ang dibdib niya at umaktong nasasaktan. “Wag kang ganyan kay Shad.” Lumapit si Ze kay Jo at umakbay. “Nangangagat yan.” Bulong niya sa tenga ni Jo na narinig ko naman. "Ror ror!" They laughed in chorus. “Parang nagsisisi na akong sumang-ayon ako sa gusto nila daddy na isama kayo dito.” “Eto naman, di mabiro!” Inirapan ko sila at tinalikuran habang nakangiti. Mga buang! “Kainan na!” Mabilis naming nilantakan ang pagkaing nakahain sa harapan namin pagkatapos pangunahan ni daddy ang pagdarasal. Pagod kaming lahat kakalangoy at kakasuong sa malamig na tubig na nagmumula sa falls. Take note, hapon na ngayon, nakaligtaan na naming mag-lunch dahil sa sobrang excitement. It's our 2nd day trip today actually. “Take it slowly darling.” Awat ni mommy kay Ze nang mabilaukan siya. “Hindi naman mauubos ang foods natin ate Ze. We have lots of baon kaya! Eat slowly.” Tumawa kami nang magkomento ang bulilit sa tabi ko. “Sorry.” She raised her two fingers and signed peace. “Huwag kang patay-gutom Ze.” Bulong ni Axi. “Huwag kang gumaya kay Shad.” Tumawa ang lahat sa naging dagdag ni Axi, except me. Kanina pa sila sa akin ha. "Hinay-hinay lang Alezeah." Puna ni daddy habang tumatawa. Kaibigan ko nga ang pinaparinggan niya pero nakatingin pa rin siya sa akin na parang hindi maka-get over sa sinabi ni Axi. “Ang saya e no?” Boring kong tanong habang sumusubo ng karne. Ngumiti ng nakakaloka si Axi at lumapit sa gawi ko. “Hindi ka talaga mabiro e no?” Kurot niya sa dalawa kong pisngi. “Ang cute-cuteee talaga ng batang tooo!” Mabilis kong pinalo ang kamay niya. “Masakit!” “Mashakit.” Pangagaya niya. “Oh tama na yan. Bilisan niyo na ang pagkain.” Awat ni daddy.  “Baka maubos ni-” He looked at me. “Zeah.” Good. “Grabe ka sa akin, tito!” Masaya kaming nagkuwe-kuwentuhan sa labas ng tents namin nang matapos kaming mag-ayos. Nahirapan pa kami nung una dahil si Axi, Jo at daddy lang ang marunong tumayo ng tent. Hindi naman nakakatulong si Ze at Shine, imbis kasi humawak man lang sa magkabilang dulo ng bawat sticks, sila pa mismo ang nagpapatumba. Muntik na ngang mabali yung isang stick e. Mabuti na lang at mabilis na nahawi ni Axi si Ze para di niya matapakan. Kaso nga lang nasubsob naman yung mukha niya sa lupa. “Isusumbong kita kay Khent.” Punas-punas niya sa mukha niya ang kulay pink niyang tuwalya. “Char. May pagsusumbongan ka pa pala?” “Aray. Ang sakit nun ha!” Reklamo ng bakla nang sapakin siya sa braso ni Ze. “Nang-aasar ka e.” “Tama na yan Ax.” Lumapit ako kay Ze at ngumiti sa kanya. “Baka tumalon to bigla sa tubig, delikado.” Ganti ko. Siniko niya ang tagiliran ko. “Isa ka pa e.” Ouch.  “Tama na ya-” “Shut up!” Putol ni Zeah kay Jo. “Wala ng magandang salitang lumalabas sa mga bibig niyo, tama na!” Tumayo siya at tinungo ang gawi ni Shine. “Tayo na lang mag-usap, dear.” “Pikon.” Bulong ni Axi na siyang sinang-ayunan namin ni Jo. Pikon nga. “Saan raw tayo bukas?” Tumingin sakin si Jo. “Dun raw sa taas?” Turo ko sa bandang likuran niya. “Balita ko may cave daw dun.” I smiled excitedly.  Nanlaki ang mga mata niya dala ng kasabikan. “Nice!” Tumango ako ng mabilisan. “May something nga raw sa cave na yun e. Alamin natin bukas?” Ngumiti naman siya ng nakakaloka sabay tango. Great! “Shad?” “Hmm?” Binalingan ko ang katabi ko ng tingin. “Ang tahimik mo ata? Nakokonsensya ka no?” Nguso ko sa direksyon ni Ze. "Hindi ah." “Natatae ka?” Tanong ni Jo. He shook his head and seriously faced Jo. “Tapos na kanina habang naliligo tayo.” "Yak!" Iiwww. Tumawa siya ng malakas nang mapansin ang nakangiwi naming mukha. “Oh, ano ba kasi yon?” “Masaya ka naman?” Baling niya sa gawi ko. “Masaya ka ba?” Deretso ang titig niya sa mga mata ko upang mahuli ako kung sakaling nagsisinungaling ako. But I'm tired of pretending. I smiled. “Oo naman.” Ngumiti siya sa akin pati na rin si Jo nang masilayan ang maaliwalas kong ngiti. "Masayang-masaya.” Lumakbay ang tingin ko sa dako ng mga magulang ko na siyang maligayang nag-uusap sa tent nila . “Sobra pa nga e."  Binalik ko ang tingin ko sa mga kaibigan ko pagkatapos dumako kina Shine at Zeah. Imbis na magsalita ay isang ngiti na lamang ang isinukli ni Axi. “Hindi pa kayo matutulog, Shad?” Lumapit si mommy sa gawi ko at hinalikan ang ulo ko. “You better sleep na.” “Maya-maya po tita.” Si Jo ang sumagot. “Marami pa tayong gagawin bukas.” Bumaling siya kay daddy at sinabihang patulogin na si Shine na siyang sinunod naman agad ng huli. “Noted po, tita!" Axi saluted. Lumapit si Shine kay daddy samantalang umupo naman sa tabi namin si Ze. “Ay, oo nga pala.” Mom paused. “Makakasama natin sina Mrs. Salazar with her two lovely men bukas.” Napakurap ako. “What?” I freaked out. “Yup!” She clapped and then commanded us to go inside our tents. “Kuya Rayl is going also mommy?” Dinig ko ang gigil na tanong ni Shine bago siya pumasok sa tent nila. “No way.” Bulong ko. “Yeess waay!” Sabay na tugon sa akin ng dalawang lokaret kasama ang isang nakakalokong ngiti. He can't ruin my mood. Nasa isang banyo ako malapit sa mga camp tents namin, kinaumagahan. Pinagbihis lang naman ako ng bruha kong mga kaibigan ng isang impit at kinulang sa tela na rush guard? I don’t know kung anong tawag dito, basta hindi ko to gusto! “Ang tagal ha.” “Eto na!” Lumabas kagad ako nang marinig ang reklamo niya. “Omyghad!” Sinuri niya ako mula ulo hanggang paa. “You look so sexy!” She then chuckled. “Witwew.” Akma kong kukunin ang tuwalya ko upang gamiting pantakip nang kinuha ng mabilis ni Josceah ang mga ito sa mga kamay ko. “Walang magbibihis. Walang magtatakip.” Nag-appear ang dalawa at iniwanan akong umuusok ang ilong. Potassium! Pagdating namin sa isang maliit na bangka kung saan naroon na ang mga kasama ko ay hindi nakaligtas ang mga tingin nila sa anyo ko. Ugh! Ang dami kong pinagsisihan sa nagdaang mga sandali. “Amaziingg! You’re a girl na ate!” Ani ni Shine habang pumapalakpak. Pati na rin ang mga mata ng mga Salazar ay hindi nakaiwas sa get up ko. "It suits on you, Shad." Nahihiya akong ngumiti kay Mrs. Salazar dahil sa sinabi niya. Mabuti na lang at hanggang tingin lang ang ginawa ng kumag at hindi na ako inintindi. He was busy savoring the nature, which was the best thing he did. I really feel uncomfortable with this thing. And with him! “Let’s get wasted!” Sigaw ni Ze nang umandar na ang bangkang sinasakyan namin. "Napaka-ano mo talaga." Pambabara sa kanya ni Axi na tinawanan lang naming lahat. Isang napakalamig na agos ng tubig ang bumalot sa aming mga katawan nang pumasok na kami sa kweba. I felt the extreme excitement when I remembered something. Ayon kasi sa sabi-sabi o kuwentong bayan, may mararamdaman ka raw na kakaiba sa loob ng kwebang 'to. There’s a wandered ghost who passed away here during the ancient times. Isang babae raw na naghihintay sa kanyang nobyong nais niyang pakasalan. “Jeez.” Hinimas-himas ni Zeah ang mga braso niya nang may maramdamang kakaibang lamig. “Totoo kaya yung kwento?” “Kwentong-bayan nga diba? Malamang hindi totoo.” Pambabara na naman ni Axi. "Malay mo naman hindi lang siya isang kwentong-bayan!" "Oo nga." Jo seconded. "Malay ba natin na totoo talaga yubg nangyari pero dahil sa tagal ng panahon, e naging kwentong-bayan na lang. Nahaluan na ng mga agam-agam at iba't-ibang opinyong ng mga taga-rito." "Ang daming alam, peste." Komento ni Ze. "Pero posible, no? Hindi naman mabubuo ang isang ideya kung walang pagbabasehan." Napa-isip ako. Ano kayang nangyari? “E bakit raw nagmumulto yung babae?” Pagtatakang tanong ng kumag. “Kasi nga hindi raw sumipot yung boyfriend niya. Hanggang sa namatay na lang siya kakahintay." Sagot ni Jo. "Bakit dito sya naghintay?" "Like duh, Rayl. Malamang kasi dito yung tagpuan nila!" "Bakit kaya hindi sumipot yung lalaki, no?" "Tanong mo sa lolo mo, Ze." "Peste ka kausap, Jo." Jo laughed. "I don't know. But gosh, The girl waited for nothing!" She added. Pagkatapos nun ay wala ng nagsalita ukol sa masaklap na nangyari sa magkasintahan. Hindi rin naman nakikinig si Axi kaya ginaya ko na lang ginagawa niya na siyang tahimik na nagmamasid sa paligid. “Pwede na ho kayong bumaba maam/ser, dun po oh. Languyin niyo na lang po o di kaya sa gilid na lang ho kayo dumaan.” Turo ni manong sa mga malalaking bato na nagsisilbing daan ng mga turista katulad namin. “Bakit po? Hindi ba pwede umusad pa dun?” Isinakbit namin isa-isa ang mga life-vest namin para iwas disgrasya. Axi helped me up before wearing his safety vest. “Bawal na ho kasing dumaan ang mga bangka diyan sa gawing iyan, maam.” Sagot ni manang kay Zeah. Manong pointed his finger at the center na nasa unahan namin. May mapapansin kang isang napakalaking butas sa ilalim ng tubig. That hole maybe is the reason? "Ang dami mong reklamo gurl, sumunod ka na lang." Ani ni Jo sa kanya. Ze pouted. "Parang nagtatanong lang e." Mabilis na bumaba ang tatlo kong kaibigan at nagliwaliw na para bang kakawala lang sa kulungan. Mahirap ang daan kase medyo madulas ang mga bato at wala pang pwedeng kapitan. "Ax, patulong naman oh! Wag puro si shad, please." Pagpaparinig ni Zeah. "Nasaan ba kasi jowa mo ha?" Axi teased. "Kung ayaw mong tumulong, edi wag!" Napatawa kami sa inasal ng babae. Yun tuloy, walang nagawa si Axi kundi ang alalayan siya. Jo doesn't need any help kaya si Zeah lang yung nagrereklamo sa among apat. "Peste! Hawakan mo ako ng mabuti!" "Alezeah, your mouth." Jo warned her. "E kase to e, napaka-harsh sa akin! Masakit na nga yung paa ko sa mga bato, nanunulak pa." I smirked as I saw them fighting. Nauna pa ngang makalabas ng kweba sa amin sila mommy e. Puro kasi sila dada, tsk. I sighed and just focused on walking carefully. Nasa unahan ang tatlo ang medyo nahuhuli na ako. Ikaw ba naman kasi ang iwanan ng mga kaibigan mo diba? “Let me help you.” I saw a hand trying to reached for me. I tried not to roll my eyes at his move. “I’m good.” Tinalikuran ko siya kaagad upang mahabol ko sila Axi. Ayokong maiwan sa isang to, baka kung ano na naman ang mangyari. “Ax!" Dahan-dahan akong lumakad paabante habang nakahanda ang mga kamay ko sa pagsalo sa sarili kung madudulas ako. "Hoy, Ze at Jo, hintay naman oh!” Napapikit ako dahil sa hiya nang dumagundong ang boses ko sa buong kweba. "Sabi ng hint- ay!" May dalawang braso ang mabilisang humawak sa baywang ko galing sa likuran nang madulas ako “I told you.” Hingal akong dumungaw ng patagilid nang makita ang mukha ng lalaking sumalo sa katawan ko. Bakit ba kasi ang dulas ng bato rito!? Potassium. “Dahan-dahan kasi.” He slowly hold my two shoulders and helped me stood up. I remained silent. Pumunta siya sa harapan ko at yumuko upang tingnan kung may galos ako. Thank God, wala. Muntikan na. “S-stop staring.” Umayos ako ng tayo at hinawi ang suot ko upang i-ayos ito. Nakaka-intimidate yung titig niya. “You didn’t open yet my gift to you?” Tumingin muna ako sa likuran niya upang tanawin ang mga kaibigan ko pero parang iniwanan na nga nila ako ng tuluyan. “Hindi pa, bakit ba?” I rolled my eyes to hide the nervousness I felt. Pero imbis na sumagot ay may kinuha siya sa bulsa niya. He lowered his face upang pumantay sa mukha ko. “A-ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo ha!?” Lumayo ako ng konti ngunit muntik na naman akong madulas! Mabuti na lang at mabilis ang mga kamay ng kumag nato. But then I thought it was a good move. Hindi pala! “Wag kang malikot.” Ramdam ko ang mainit niyang hininga nang bumulong siya sa mga tenga ko pagkatapos akong patayuin ng maayos. His arm was still holding my waist which made me shiver inside! Chansing siya masyado ah! “Ano ba-" Napatigil ako nang may maramdamang malamig sa leeg ko. Umatras siya at ngumiti sa akin. “That’s marigold.” Tiningnan ko naman ang bagay na nasa leeg ko. “Do you know what’s the meaning of that flower?” I automatically shook. “Happ-” “Hoy, anong ginagawa niyo dyan!?” Mabilis kong itinago ang ibinigay niyang kwentas at tinungo ang gawi ni Axi. “Bakit ba kayo nang-iiwan ha!?” “Sorry na. May inaalagan lang na hayop.” Binatukan ko siya ng malakas at kinurot ang tagiliran. “A-aray Shad, masakit!”  I consciously averted my gaze at the guy at his side. Pero nang makita ang kumag sa tabi niyang masayang nakamasid sa amin habang tumatawa ang siyang nakapagpatigil sa akin. Ang totoo at nakakahawa niyang mga ngiti na siyang naghahatid na kakaibang sensasyon sa katawan ko ang sumilay sa mukha niya sa pagkakataong ito. Lintik na atom, ba't ako kinakabahan? “Hey babe, sorry na.” Nabaling ang tingin ko kay Axi nang magsalita siya, pero hindi nawala ang kaba sa dibdib ko kaya inirapan ko siya. “E-ewan ko sayo!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD