Bored na bored si Pio at parang ang tagal tagal lumipas ng oras dahil wala si Quin. Nagkaroon ng emergency sa bahay si Mrs. Benusa kaya inutusan nito si Quin na mag attend ng seminar na nakatakda sana nitong daluhan para sa araw na ‘yon. Napatingin s’ya sa phone n’ya habang hinihintay ang mga estudyante n’yang matapos ang pagkopya ng mga ito sa board. Kanina pa s’ya text ng text kay Quin pero iisa pa lang ang reply nito sa kanya at ipinaalam lang nito sa kanya na nakarating na ito sa venue ng seminar. Ilang minuto na lang ay lunch break na. Balak n’yang tawagan ito kahit wala naman s’yang sasabihin. Gusto n’ya lang marinig ang boses nito. Napangiti s’ya nang maimagine na naman ang maganda nitong mukha. Miss na miss na kaagad n’ya ang nobya kahit na wala pa namang kalahating araw mula nang

