Hindi alam ni Quin kung paano s’ya nakauwi na hindi umaagos ang mga luhang kanina n’ya pa pinipigilan habang nakasakay sa kotse ni Jessie. Mukha kaagad ng Mama n’ya ang nabungaran n’ya pagpasok na pagpasok ng bahay kaya naman dali daling tumango s’ya kahit na hindi n’ya naintindihan ang sinabi nito para agad na makapasok at makapag kulong sa kwarto. Hindi n’ya alam kung bakit nitong mga nakaraan ay sobrang bilis magbago ng emosyon n’ya. She was like having a premenstrual syndrome dahil sa pabigla biglang pagpapalit ng mood at sa kung anu anong hinahanap na pagkain. Nang maisip ang posibilidad na mayroon s’yang PMS ay agad na natigilan s’ya. She felt like she was missing something. Agad na chineck n’ya ang kalendaryo na nasa bedside table at kumunot ang noo nang makitang halos isang buwan n

