“Good morning, beautiful and handsome students!” narinig ni Quin na bati ni Pio nang makaakyat ito sa stage ng school gymnasium kung saan gaganapin ang dance contest para sa unang araw ng events nila para sa Nutrition Month. Si Pio kasi ang nautusan ni Mrs. Benusa na maging MC para sa opening program. Tumaas ang kilay n’ya nang mapansing bihis na bihis ito. Alam n’yang magaling pumorma si Pio na madalas lang naman nitong gawin kapag may mga events ang school katulad ngayon. Pero ngayon n’ya lang yata napagtuunan ng pansin ang itsura nito. Nakataas ang buhok nito at nakaipon sa likuran kaya kitang kita at expose na expose ang noo nito. Black and white polo shirt ang suot nito at nakasuot ng blue jeans at white sneakers na may logo ng sikat at mamahaling brand. Inis na iniiwas n’ya ang tingi

