Hanggang sa kumakain na sila ng lunch sa tambayan nilang apat na magkakaibigan ay wala pa rin sa mood si Quin. Patingin tingin din s’ya sa phone at umaasang magtetext man lang si Marco para ipaalam na nasa bahay na ito at kumakain na rin ng lunch at sasabihan s’yang kumain na rin, pero halos mangalahati na n’ya ang kinakain ay wala pa ring text galing sa nobyo. Iniisip pa n’ya na baka masyado lang talaga s’yang clingy para intindihin pa ang mga gano’n kasimpleng bagay. Ipinilig n’ya ang ulo at pilit na iwinala ‘yon sa isipan at nagpasyang makinig na lang sa usapan ng mga kaibigan n’ya na halos tungkol lang naman sa event na ginaganap nila para sa araw na ‘yon. “Grabe, Quin! Ang gagaling ng hawak mong section! Sabay sabay eh! Nakakabilib! Parang pinaghandaan talaga ng todo!” narinig n’yang

