Hindi alam ni Quin kung saan s’ya nakakuha ng lakas ng loob para bumaba pa rin ng sasakyan at ituloy ang balak na makipag usap kay Marco. At kung paglilinaw sa ginagawang pag iwas nito sa kanya ang dapat sana ay plano n’yang gawin kaya s’ya pumunta sa bahay nito ng walang pasabi, ngayon ay iba na. Pupunta s’ya doon para komprontahin ito at mahuli sa akto dahil sa ginagawa nitong panloloko sa kanya. Habang humahakbang palapit sa mataas na gate ng bahay nito ay ang lakas lakas ng kabog ng dibdib n’ya. Hindi n’ya alam kung dahil ba iyon sa sakit dahil sa kataksilang ginagawa nito o dahil sa galit dahil ang babaeng isinasabay nito sa kanya ay ang babaeng kahit kailan ay hindi n’ya napag isipan na gagawa ng gano’n ka-imoral na bagay ay nagawa iyon sa kanya. At ang mas ikinagagalit n’ya ay ang

