Pagpasok ni Quin pagkatapos ng isang linggong sick leave n’ya ay pansin na pansin n’ya ang sobrang daming pagbabago. Matatapos na ang linggong iyon ay gano’n pa rin ang pakiramdam n’ya. Halos isang linggo s’yang tulala sa school kapag break time. For the very first time, she felt like she was a stranger in that school. Nalaman din n’ya kay Robie na si Melissa pala ang nag take over sa lahat ng subjects n’ya at sa isang linggo n’yang pag absent ay si Melissa na raw ang palaging inuutusan nito. Hindi naman s’ya kinakabahan dahil sa pagiging malapit ng mga ito. She was just afraid that Melissa would say something about the reason why she filed a week of leave of absence. Nalaman din kasi n’ya kay Robie na alam daw ni Melissa na niloloko lang s’ya ni Marco. Na simula pa lang ay alam na daw nit

