Kinagabihan ng linggo ay nagulat pa si Quin sa tawag ni Robie. Balak na rin sana n’yang tawagan ito para makausap pero parang konektado ang mga isip nila kaya ito na ang naunang tumawag sa kanya para makipagkita sa kung saan pwede daw silang mag usap ng tahimik. Mukhang problemado ito kaya hindi n’ya sigurado kung masasabi n’ya dito ang tungkol sa nangyari sa kanila ni Pio. Gustuhin man n’yang sarilinin na lang ang bagay na ‘yon ay hindi n’ya magawa. Kahit na pilit n’yang sinasabi kay Pio na wala lang sa kanya ang nangyari sa kanila ay kabaligtaran naman iyon sa totoong nararamdaman n’ya. The truth is, she was so terrified to even think of the consequences of what they did. Kahit naman madalas na magkabangayan sila ni Pio ay magkaibigan pa rin sila. At malaki ang magiging epekto ng nangya

