Papasok na sana si Pio sa kwarto n’ya nang lumabas naman mula doon ang kapatid n’yang si Paye. Medyo nagulat pa ito nang makita s’ya at agad na nagtanong nang makita ang ayos n’ya. Napahawak s’ya sa buhok n’yang paniguradong gulo gulo pa nang mga oras na ‘yon. “Hindi ka dito natulog, Kuya?” Usisa nito. Agad na tumango s’ya. “Sa… sa kabila ako natulog. Sa sala nila,” pagsisinungaling n’ya. Tumango naman ito at kahit mukhang gusto pang magtanong ay hindi na nito natuloy dahil agad na s’yang pumasok sa kwarto n’ya at mabilis na tumuloy sa banyo para makaligo. “Just what the hell did you do, Pio?!” Bulalas n’ya nang makapasok sa banyo. Parang gusto na lang n’yang iuntog ang sarili n’ya sa pader ng banyo. Inis na inis s’ya sa sarili dahil tandang tanda n’ya ang lahat ng nangyari sa nagdaang

