Pretend

1627 Words

Nagising si Quin sa malakas na tunog ng alarm clock sa side table n’ya. Napangiwi s’ya nang agad na maramdaman ang pamimigat ng mga mata at sinamahan pa ng pagkirot ng sentido n’ya. Ramdam n’ya rin ang pananakit ng buong katawan n’ya na hindi n’ya alam kung paanong nangyari samantalang ang alam n’ya ay uminom lang naman s’ya sa nagdaang gabi. Habang pikit pa rin ang mga mata ay gumalaw s’ya para abutin iyon at patigilin sa pagtunog para matuloy pa ang naudlot na pagtulog pero may gumawa na no’n para sa kanya. Napaayos s’ya ng higa para muling bumalik sa pagtulog pero may kung anong mabigat na bagay na bumagsak sa gawing tiyan n’ya. Inis na hinawi n’ya ito nang makapa na braso iyon ng kung sino. Pero ilang sandali lang ay agad s’yang napadilat at agad na nilingon ang kaliwang bahagi ng kama

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD