Kanina pa naiiyak sa kakatawa si Quin dahil sa kalokohang ginawa n’ya. Balak lang naman sana n’yang kumuha ng ilang pictures ni Paye, ang kaisa isang kapatid ni Pio, para gamitin sa surprise n’ya para sa nalalapit na birthday nito. Close sila nito at parang kapatid na ang turing n’ya kay Paye dahil bukod kay Quim ay sabik s’ya sa kapatid na babae at kahit si Paye ay sabik din sa Ate kaya magkasundong magkasundo sila. Sa katunayan ay miss na miss na n’ya ito at hindi na s’ya makipaghintay na ipakilala dito si Marco. Matagal na kasi nitong alam na may lihim s’yang pagtingin kay Marco. Pinagpapasalamat n’yang kahit kailan ay hindi s’ya nito ibinuyo sa Kuya nito. Ito pa nga ang madalas mainis at magsumbong sa kanya dahil sa pagiging babaero ng Kuya nito. Tsk! Hindi n’ya maiwasang manliit ang m